MOTS KABANATA 9

31 7 10
                                    

[Kabanata 9 - Ang Hangarin]

Narito ngayon si Dalya sa pinakamalaking kwarto kung saan rinekomenda ni Liam na iyon ang kanyang gamitin, nakasuot na sya ngayon ng pantulog na hanggang pulso at talampakan na ibinigay sa kanya ni Liam bago ito umalis. Hindi naman sya nag reklamo dahil mahaba naman ito at hindi hapit sa katawan.

Kanina pa sya nakahiga sa malaki at malambot na kama ngunit hindi sya dinadalaw ng antok, marahil ay namamahay pa sya. Ito ang kanyang unang beses na humiga sa ganitong kalambot na kama kung kaya't labis syang naninibago at masaya din dahil ang sarap sa pakiramdam.

Iniisip nya pa rin ngayon kung totoo ba ang nangyayari ngayon, paulit-ulit nyang kinukurot ang kanyang kamay ngunit muli ay nasasaktan lang sya. Naroon ang pangungulila sa puso nya dahil kahit isang gabi pa lamang nyang hindi nasisilayan ang kanyang ina, pakiramdam nya ay ilang siglo na ang nagdaan kung kaya't nakakaramdam sya ng lungkot.

Pinagdasal nya na lamang na sana ay nasa mabuti itong kalagayan, hindi tulad nya na hindi matunton ang pagkakakilanlan sa panahong hindi nya kilala. Naisipan nyang tumayo at bumaba upang uminom ng tubig, pagkababa nya ay madilim ang buong paligid. Wala naman syang lampara na magsisilbing liwanag sa kanyang daan, naalala nya na may pinindot si Liam sa kung saang pader na ang dahilan upang lumiwanag ang buong kusina kanina.

Inalala naman ni Dalya kung saan 'yon at napangiti sya ng may makapa, idiniin nya ang kanyang kamay na ang dahilan upang mag liwanag ang buong kusina. Napapikit pa sya dahil doon, nasanay ang kanyang mga mata sa dilim kung kaya't ang sakit sa mata ng liwanag na tumatama sa kanyang mukha ngayon.

Nagtataka sya kung paano nagkakaroon ng liwanag mula sa itaas kapag pinindot nya ang switch ng ilaw, nais nya sanang isipin na isa ito sa daan papuntang kalangitan ngunit naisip nya rin sa kabilang banda na nababaliw na sya.

Muling inisip ni Dalya ang gamit kung saan doon kumuha ng malamig na tubig si Liam, labis nya ding ipinagtataka kung paano ito lumamig gayong wala namang yelo na nakalagay sa pitsel. Napatingin sya sa isang katangkarang bagay at may buksanan ito, maingat nyang binuksan iyon at bumungad sa kanya ang malamig na hangin mula sa pridyder na iyon.

Kinuha nya ang isang pitsel at nag salin sa baso bago inumin 'yon, matapos no'n ay maingat nya muling binalik ang pitsel sa pridyder dahil babasagin iyon at hindi nya nais makasira ng kahit anong gamit sa bahay na ito.

Pagpanik nya sa mahabang hagdan ay napatingin sya sa balkonahe na nakabukas at marahang tinatangay ng hangin ang puting kurtina na ang dahilan kung bakit nakikita nya ang labas, tahimik at payapa na ang gabi. Dahan-dahan syang naglakad papunta sa balkonahe at napapikit sya ng dumapo sa kanyang balat ang malamig na hangin, kinuha nya ang isang pulang balabal na nakapatong sa mesa at ipinatong iyon sa kanyang balikat.

Humawak sya sa baranda at ilinibot ang paningin, napatigil sya ng may mapansing isang lalaking nakaitim habang nakatingin ng deretso sa kanya. Dahan-dahan na itong naglakad paalis, nanlaki ang mata nya ng makilala ang lalaking tinatanaw nya ngayon.

Ang lalaking iyon... Sya ang pumatay sa akin!

*****

Kinabukasan, nagising si Dalya dahil sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha ngayon. Napabalikwas pa sya ng bangon dahil sa gulat ng maisip na baka tanghali na, bumangon na sya at inayos ang pagkakalagay ng unan at kumot dahil hindi naman nagulo ang mismong kama. Hinawi nya ang kurtina at nakahinga naman sya ng maluwag dahil hindi pa naman tanghali, pumunta na sya sa banyo ng kwarto at doon nagmumog at naghilamos.

Naalala nya bigla ang lalaking nakita nya kagabi, hindi nya masabi kung ito ba talaga iyon dahil madilim ang paligid at bigla na lang ito naglaho sa dilim. Nakararamdam ng takot si Dalya dahil muli ay baka ulitin nito ang ginawa nitong pag patay sa kanya.

Hindi nya maunawaan kung bakit ginawa iyon ng lalaking naka-itim sa kanya, hindi nya naman ito kilala at wala syang atraso sa kung sino man. Nagtataka din sya kung bakit maging dito ay narito pa rin ang lalaking iyon, nais nyang malinawan at magkaroon ng sagot ang kanyang mga tanong ngunit hindi nya alam kung paano.


Saktong pagbaba nya ay ang pag dating din ni Liam at ang kasama nitong matandang babae, dali-dali namang naglakad si Dalya papalapit sa kanila at ngumiti ng marahan. Natutuwa sya na may tao muli rito dahil pakiramdam nya ay naging mag-isa sya buong gabi, hindi sya sanay na sya lang ang mag-isa at nababagot sya kapag ganoon dahil sanay sya na may kausap palagi.

"Magandang umaga po" Bati ni Dalya sa matandang babae na agad napangiti nang makita sya, tumingala naman si Dalya upang tignan si Liam at batiin ito.

"Magandang umaga din sa'yo Ginoong Liam" Nakangiting sabi ni Dalya at umatras na upang makadaan sila.

"Ginoo? Napag-iwanan ka na ata ng panahon, hija" Natatawang sabi ng matandang nagngangalang Manang Agnese.

"Pakiramdam ko nga rin po" Biro ni Dalya, natawa naman ang matanda. Binuksan na ni Liam ang mga ilaw.

"Pasensya na dahil hindi ko agad natanglawan ang mga ilaw, bukod sa hindi ko pa kabisado at kabababa ko lang. Patawad muli" Nahihiyang saad ni Dalya, tumango lang si Liam bilang pagpapaunawa na wala iyon.

"Ang lalim mo namang mag salita, ano bang pangalan mo Hija? Ikaw ba si Dalya?" Nakangiting sabi ni Manang Agnese, napangiti naman si Dalya at tumango.

"Opo, paano nyo po nalaman? At ano rin po palang pangalan nyo? Pati ano po ang inyong sadya rito?" Sunod-sunod na tanong ni Dalya at umupo sa tabi ni Manang Agnese, napansin ni Dalya na lumalamig na. Hindi nya napansin na binuksan na pala ni Liam ang erkon, hindi iyon agad naramdaman ni Dalya dahil balot na balot sya at nakasuot pa sya ng balabal.

"Sandali lang Dalya, isa-isa lang" Natatawang sabi ni Manang Agnese at huminga ng malalim bago magsalita.

"Ang pangalan ko ay Agnese pero tawagin mo na lang akong Manang Agnese, nalaman ko ang pangalan mo dahil sinabi sa akin ni Liam. At nandito ako hindi lang dahil upang samahan ka kundi dahil ito rin ang gusto ni Liam" Wika ni Manang Agnese habang nakangiti, napatigil naman si Dalya at napatingin kay Liam na noo'y nakatingin din sa kanya.

Hindi sya makapaniwalang tila alam ni Liam ang takbo ng kanyang isip, na alam nitong sanay itong may kasama at kausap kung kaya't bumalik si Liam upang bigyan sya ng makakasama kung sakaling wala ito sa tabi nya.

********************
#MemoriesOfTheSky

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon