[Kabanata 23 - Ang kanyang kalakasan]
"Oo, ngunit matagal na iyon. Matagal na matagal na" Sagot ni Dalya, totoo naman ang kanyang ibig sabihin na matagal na matagal na ito dahil Isang daan dalawampu't isang taon na ang nagdaan sa taon ng kasalukuyan.
Napangiti naman si Dalya at inalala ang isang pangyayari kung saan nakaramdam sya ng paghanga sa isang tao sa kanyang panahon, napanguso naman si Laureen dahil sa pag ngiti nito.
"Gusto mo pa rin sya hanggang ngayon?" Nakasimangot na tanong ni Laureen, hindi naman nakita ni Dalya ang pagsimangot ni Laureen dahil wala dito ang kanyang tingin.
"Hindi, hindi na at hindi naman talaga. Humanga lang ako sa kanya ngunit hindi naman ibig sabihin no'n ay sya na ang laman ng puso ko" Sagot ni Dalya, nakahinga naman ng maluwag si Laureen.
"Basta sabihin mo lang sa akin kung may kwentong love life ka ah?" Ngiti ni Laureen, napatigil naman si Dalya.
Dapat ko bang ikwento sa kanya ang kanyang kuya?
Agad napailing si Dalya dahil sa naisip nyang iyon, pilit nyang pinaniniwalaan na hindi naman kwentong pag-ibig ang mga naging karanasan nya kasama si Liam. Puro ito kahihiyan at kasimangutan, napahawak si Laureen sa kanyang dibdib dahil sa ginawang pag iling ni Dalya.
"Grabe ka naman Ate! Ako nga sinabi ko sa'yo ang love life ko pero ikaw ayaw mo mag share" Tila maiiyak na saad ni Laureen, nagulat naman si Dalya dahil mukhang inakala ni Laureen na iling ang kanyang isinagot.
"Hindi iyon ang aking ibig sabihin, kinakausap ko kasi ang aking sarili sa isip kaya napailing ako pero hindi iyon ang sagot ko sa iyong itinuran" Paliwanag ni Dalya, para syang sumusuyo ngayon ng isang walong taong gulang na bata.
"Oo naman, iyon ang aking tugon sa iyong sinabi. Sasabihin ko sa'yo ang aking lablayp kung sakali mang magkaroon" Nakangiting sabi ni Dalya, hindi mapigilang matawa ni Laureen dahil sa pagkakasabi ni Dalya ng salitang love life.
Napahagalpak sya ng tawa ngunit napatigil sya ng maalala ang sinabi nya kanina kay Dalya na magmamala Maria Clara sya at magiging mahinhin, tumikhim si Laureen at umupo ng mayumi.
"Paumanhin sa aking inasal Binibining Dalya, ako'y labis na natawa lamang sa iyong itinuran" Taas noong sabi ni Laureen at naghanap ng pamaypay ngunit wala syang makita, sa huli ay kinuha nya ang maliit na kariton sa mesa na kasing laki ng abaniko at nagkunwari na isa iyong mamahaling abaniko. Hindi naman mapigilang matawa ni Dalya dahil sa mga pinagagawa nito.
"Kung ikaw ay ganyan kumilos sa makalumang panahon, malamang ay magmimistulang pambihira ang iyong ugali" Natatawang sabi ni Dalya.
"Maganda bang tignan sa kanila ang ganitong kilos?" Tanong ni Laureen at binitawan na ang kariton na ginawa nyang pamaypay kanina, umiling si Dalya.
"Hindi, lalong-lalo na sa mga matatapobreng señorita na akala mo ay perpekto. Ngunit kung sa iyong pamilya at sa iniibig naman na tatanggapin ka kung sino ka man, sa paningin nila ay nag-iisa ka" Ngiti ni Dalya, napahawak naman si Laureen sa kanyang pisngi at kinikilig na napangiti.
"Omg! Nakakakilig naman 'yong line na 'Nag-iisa ka', ganyan ba bumanat 'yong mga ginoo sa spanish era? Sana mag-time travel ako at hahanapin ko ang aking ginoo" Kinikilig na saad ni Laureen na tila ba sya ay nabubuhay sa kanyang imahinasyon, natawa na naman tuloy si Dalya.
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historical Fictionmemories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...