MOTS KABANATA 15

32 7 11
                                    

[Kabanata 15 - Puno ng Pasko]

"Kay ganda!" Nakangiting sabi ni Dalya habang pinagmamasdan ang mga palamuting nakasabit sa loob at labas ng bahay, narito sila sa labas ngayon ni Liam habang pinagmamasdan ang pag ilaw ng mga palamuting nakasabit sa labas ng bahay.

Nasa loob si Manang Agnese dahil naghahanda ito ngayon ng gabihan nila, nakaramdam ng ginhawa si Dalya dahil sa wakas ay tapos na silang mag disensyo. Maging ang malaking puno na lagpas hanggang gate ay nasasabitan din ng mga palamuti. May mga manipis at isang dangkal ang haba na nakasabit sa iba't-ibang parte ng puno at tila naging isa itong makapangyarihang puno dahil sa iba't-ibang kulay na namumutawi rito katulad na lang ng pula, dilaw, luntian, at asul.

"Kung titingin ako sa isang magandang bagay, pagmamasdan ko ang malaking parol na iyon, ikaw?" Nakangiting sabi at tanong ni Dalya, pinagmamasdan na nya ang parol na iyon. Nang makuntento ay tumingin na ulit sya kay Liam na nakatingin lang sa kanya, hindi alam ni Dalya kung tingin pa ba iyon o titig.

"Ako'y titignan mo na lang ba habang buhay?" Tanong ni Dalya at nakasimangot na napaiwas ng tingin, minsan ay iniisip nyang baka nabibingi na si Liam.

Muli na lang nyang pinagmasdan ang parol habang naglalaro ngayon sa kanyang isip ang mga ikinilos ni Liam, habang tinitignan nya ito kanina ay nagawa nyang tignan ng diretso sa mga mata si Liam at sumasalamin ang mga ilaw ng mga christmas lights na paiba-iba ang kulay sa mata ni Liam.

Ngunit napatigil sya ng may pumasok sa kanyang isipan tungkol sa pagtitig sa kanya ni Liam, tinanong nya ito na kung titingin sya sa isang magandang bagay ay ano iyon. Ngunit ng tumingin ulit sya kay Liam matapos tumitig sa parol ay nakatingin lang ito sa kanya, dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi ni Dalya na pilit nyang pinipigilan. Hindi nya nais maging assumera ngunit tila may nagdidiwang sa kanyang puso ng maisip iyon.

"I guess you understand now" Napatingin si Dalya kay Liam dahil sa mga salitang binitawan nito na hindi nya naintindihan, nakangiti ito at muling napatingin sa kanya. Nasa likod ang dalawang kamay nito.

"A-ano? Sa susunod nga ay 'wag kang mag bitiw ng mga salitang maaaring magdala ng isipin sa iba" Wika ni Dalya, sinabi nya muli ang linyang iyon sa pangalawang pagkakataon dahil iyon na naman ang idinadala ni Liam sa kanya.

"Ano bang iniisip mo sa sinabi ko?" Nakangiting tanong ni Liam sa pangalawang pagkakataon sabay lagay ng ilang hibla ng buhok ni Dalya sa likod ng kanyang tainga dahil humaharang na ito sa magandang mukha ni Dalya, kumabog naman bigla ang puso ni Dalya dahil sa ginawa nito.

"W-wala, nagdadala ito ng isipin sa akin dahil hindi ko maintindihan" Tanging nasabi na lang ni Dalya sabay iwas ng tingin, pinagpapawisan na ngayon ang kanyang kamay. Sa kanyang loob-loob ay kanina pa sya sumisigaw at nais na nyang mahimatay ngayon, ngunit sya'y nagbibiro lamang dahil mahal nya pa ang kanyang buhay.

Bakit ba tuwing kasama ko sya, tila ang aking mundo ay nagiging kasing kulay ng bahaghari mula sa kalangitan?

"Bakit nga ba?" Wala sa sariling tanong ni Dalya sa kanyang sarili, dahil sa sobrang kalutangan ay hindi nya namalayang sinabi nya na pala ang tanong nya sa isip.

Natauhan sya at gulat na napatingin kay Liam na tila ba hindi nito narinig ang kanyang sinabi dahil hindi man lang ito nag-abalang na tanungin kung anong sinabi nya, nakatingin lang ito sa kanya na tila ba hinihintay nitong sya'y mag anyong maligno.

Napahawak si Dalya sa kanyang mukha dahil naalala nya na naman ang ginawa nitong paglagay ng kanyang hibla ng buhok sa mukha papunta sa likod ng kanyang tainga, tila biglang nagtindigan ang kanyang balahibo.

"U-uh..." Hindi na mapakali si Dalya at naisipan nyang magsimula na lang ng mapag-uusapan upang hindi mapunta sa kung saan ang kanyang isip, nagulat sya ng ilahad ni Liam ang  kamay nito sa kanya.

Inangat na nya ang kanyang kamay at tatanggapin na sana ang kamay ni Liam ngunit napatigil sya dahil nanginginig ang kanyang kamay, marahil ay dahil kung ano-ano ng tumatakbo sa kanyang isipan.

Ang kamay na ni Liam ang gumalaw at kinuha ang kamay ni Dalya na nanginginig at ipinatong iyon sa kanyang isang kamay at hinawakan, sa bawat pag patak ng segundo ay sya ding pag higpit ng hawak ni Liam sa kamay ni Dalya. Ilang sandali pa ay tumigil na ang panginginig ng kamay ni Dalya at pumanatag na ang kanyang loob, huminga sya ng malalim bago napangiti.

"M-maraming salamat..." Nakangiting pasasalamat ni Dalya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Liam, nawala na rin ang pag-aalala sa mga mata ni Liam at ngumiti din.

Magsasalita na sana sya ngunit dumating na si Manang Agnese at tinawag sila upang kumain na ng gabihan, bumaba ang tingin nito sa kamay ni Liam at Dalya na magkahawak at napangiti na tila kinikilig. Nagulat naman si Dalya at agad inalis ang kanyang kamay sa kamay ni Liam at nagmadaling pumasok sa loob habang patuloy na kumakabog ang kanyang puso.

*****

Narito ngayon si Dalya sa salas habang dinedesenyuhan ang puno ng pasko (Christmas Tree), tapos na silang kumain at ginagawa nya ngayon ang itinuro sa kanya ni Liam sa pagdidesenyo.

Narito din si Liam ngayon at maging ito ay nagdidesenyo, hindi nya alam kung nananadya ba ang tadhana na palagi silang pagsamahin. Sinasabitan nya ngayon ang puno ng pasko na mas kilala ngayon bilang christmas tree ng mga christmas bulbs na may iba't-ibang kulay.

Naabutan naman ni Dalya ang Christmas Tree ngunit ito ang kanyang unang beses na mag disenyo, ang ideya ng Christmas tree ay pinaniniwalaang dinala sa Pilipinas noong 1886 ni Jose Rizal matapos ang paglalakbay sa Europa at Estados Unidos ng Amerika.

Ilang sandali pa ay natapos na silang mag disenyo, akala ni Dalya ay tapos na ngunit napatingin si Dalya sa tinitignan ni Liam ay doon nya napagtanto na hindi pa pala dahil hindi pa nailalagay ang bituin sa tuktok ng Christmas Tree na sinabi kanina ni Liam sa kanya na doon iyon ilalagay.

"Sinong maglalagay?" Tanong ni Dalya at kinuha ang palamuting bituin na kulay ginto at kumikinang pa ito.

"Ikaw, hindi ba't sinabi mo na ito ang iyong unang beses na mag disensyo ng christmas tree? Kaya ikaw na" Ngiti ni Liam at sumenyas na ilagay na nya iyon, tila nag diwang naman ang puso ni Dalya at dali-daling lumapit sa harap ng christmas tree at sumintayat upang ilagay ang palamuting bituin sa itaas ng christmas tree. Medyo nakakasama pa ng loob dahil mas matangkad sa kanya ang pekeng puno.

Dahil sa ginagawang pagsintayad ay muntikan na syang mawalan ng balanse ngunit mabuti na lang at nariyan si Liam upang agad syang saluhin, agad napaiwas ng tingin si Dalya at napatikhim dahil hindi nya nais na matameme na naman at mawala sa sarili.

Lakas loob syang muling sumintayad ngunit sa pagkakataong iyon ay inalalayan na sya ni Liam dahil nangangamba ito na tuluyan itong bumagsak, tuloy ay kinakabahang linagay ni Dalya ang palamuting bituin sa itaas ng christmas tree.

"S-salamat" Sa muling pagkakataon ay nakangiting pasasalamat ni Dalya kay Liam, sabay silang napatingin sa bituing iyon.

"Nawa'y sa susunod na pasko, ang anak ko naman ang gagawa ng bagay na 'yan" Nakangiting sabi ni Liam sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Dalya na noo'y napatingin sa kanya ng magsalita sya, bigla ay bumilis ang tibok ng puso ni Dalya na kasabay ng pag ihip ng hangin dahil tila pinahihiwatig nito na anak nilang dalawa ang sunod na magsasabit ng bituin sa itaas ng isang puno ng pasko.

********************
#MemoriesOfTheSky

9/3/2021
Christmas Tree source:

http://sysgen-rpo.com/top-3-filipino-christmas-traditions-adapted-americans/#:~:text=The%20idea%20of%20the%20Christmas,the%20United%20States%20of%20America.

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon