MOTS EPILOGO

59 4 30
                                    

[Epilogo]

Pilipinas, 1898

Hinahabol ang hiningang napabangon si Dalya mula sa pakakahiga, napahawak sya sa puso at kasabay no'n ay ang unti-unting pagpasok ng nakaraan sa kanyang isipan. Wala pang isang segundo ay sunod-sunod nang bumuhos ang kanyang mga luha, dumapo ang kanyang tingin kay Nay Tiodora na kadarating lang at dumeretso sa kanilang silid upang tignan ang kalagayan ni Dalya.

"I-inay!" Umiiyak na pagsambit ni Dalya sa pangalan ng kanyang Inay Tiodora at dali-daling tumayo upang yakapin ito ng mahigpit, nagulat naman ang kanyang Inay dahil sa pag iyak nito na tila ilang siglo silang hindi nagkita.

"Mabuti naman ang gumising ka na, anak! Ilang araw kang tulog matapos kitang makita sa labas ng bahay ni Ate at nahimatay, ano bang nangyari sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Nay Tiodora at hinimas ang likod ni Dalya na hindi na maawat ngayon sa pag iyak, labis syang nangungulila sa kanyang Inay at ngayon ay masaya syang makita muli ito ngunit iniisip nya ngayon si Liam.

I-iniwan ko syang mag isa...

Pakiramdam ni Dalya ay paulit-ulit na tinutusok ngayon ang kanyang puso sa tuwing iniisip nya kung anong maaaring nangyari kay Liam matapos nyang mamatay, napakabigat sa damdamin. Hindi nya pa handang iwan si Liam ngunit ngayon ay tuluyan na syang nawalay sa piling nito ng hindi namamalayan ng lahat dahil muli namang mabubuhay ang katawan ni Dahlia at mabubuhay din ito dito.

Hindi na magawa pang sagutin ni Dalya ang tanong ng kanyang Inay dahil nalulunod na sya ngayon sa kanyang pag iyak, walang ibang nagawa si Nay Tiodora kung 'di ang tapikin ang likod nito at patahanin mula sa pag luha nitong hindi nya alam kung saan nagmumula.

*****

Narito ngayon si Dalya sa tapat ng kanilang bukas na bintana habang nakatulala sa kalangitan na nababalot ng dilim at umiiyak ngayon, nasasaktan sya sapagkat sya na lang ngayon ang tumatanaw sa kalangitan na syang naging saksi sa pag-iibigan nila ni Liam.

Nasasaktan sya dahil hindi na nya ngayon mapagmamasdan ang kalangitan ng may matamis na ngiti sa labi dahil kasama nya ang lalaking itinitibok ng kanyang puso, hindi na muli pa. Tuloy ay patuloy na bumigat ang damdamin ni Dalya na hindi na magawa pang maging masaya ngayon, labis na nangungulila ngayon ang puso nya para sa itinitibok nito.

"Dalya, anak" Napatingin sya sa tumawag sa kanya, si Nay Tiodora. Nag-aalala na ito para sa anak dahil kanina pa ito umiiyak at nakatulala sa kawalan, hinawakan nya ang likod ng anak at pinagmamasdan ito.

"Punong-puno ng kalungkutan ang iyong mga mata, maaari ko bang malaman kung bakit malungkot ang mga ito?" Tanong ni Nay Tiodora at pinagmamasdan din ang kalangitan na patuloy sa pagpatak ng ulan na nagmimistulang luha.

"Inay? Bakit po ang mga taong tunay na nagmamahal ay syang umiiyak sa huli?" Tanong ni Dalya at tinignan ang kanyang Inay, malungkot ding napangiti si Nay Tiodora. Ang ama ni Dalya na syang tunay nyang minamahal ay maaga ding nawala sa kanya kahit pa wala naman silang ginagawa kung 'di ang magmahal ng totoo.

"Dahil iyon ang pagmamahal anak, walang pagmamahal na puno ng ngiti at saya. Ang pagmamahal ay may kaakibat na sakit at tadhana na ang bahala sa inyong kahihinatnan" Sagot ni Nay Tiodora, napayuko naman si Dalya. Marahil ay sa pagkakataong ito ay hindi umaayon ang tadhana sa kanilang pag-iibigan.

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon