MOTS KABANATA 19

22 5 4
                                    

[Kabanata 19 - Kapatid]

Nakangiting itinatali ngayon ni Dalya ang kanyang buhok, itinirintas nya ito papunta sa likod ng kanyang tainga. Wala namang hilig sa paglalagay ng kalorete sa mukha si Dalya at sapat na para sa kanya ang natural na ganda, hindi mapigilang mapangiti ni Dalya nang maalala ang sinabi ni Liam tungkol sa kagandahan.

"Hindi ko talaga maunawaan ang aking sarili, ako'y nababaliw na ata" Natatawang sabi ni Dalya habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin, naisipan nyang bumaba na at magluto.

Pagkababa nya, maglalakad na sana sya papunta sa kusina ng may kumatok sa pinto. Ang tunog ng kanyang sandalyes ang nananaig sa loob ng mansyon, binuksan na nya ang pinto at bumungad sa kanya ang isang dalagang hanggang tainga nya at mukhang bata pa.

"Hey girl, what's up?" Bungad sa kanya ng dalagitang iyon, nagtaka naman si Dalya sa sinabi nito lalong-lalo na nang dire-diretso itong naglakad papasok sa loob.

"Where's kuya nga pala? Pati who are you na din?" Tanong nito, nagtataka lang syang tinignan ni Dalya.

"Sino ka?" Tanong ni Dalya habang pinagmamasdan ang kikay na babae, nakasuot ito ng maigsing palda na hanggang hita ang haba at nakasuot din ng kamiseta sa pang itaas. Nakasuot din ito ng boots at ang mukha nito ay punong-puno ng bonggang kalorete, napansin ni Dalya na may kamukha ito.

"Girl I'm Laureen, kapatid ko kaya ang may ari ng bahay na 'to so I have the rights na pumunta dito. Where is he ba?" Maarteng tanong nito at pabagsak na umupo sa kanape, hindi naman alam ni Dalya ang magiging reaksyon. Ang naintindihan nya lang ay kapatid daw ito ni Liam at mukhang Laureen ang pangalan nito.

"Paumanhin Binibini ngunit hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi, ngunit tama ba ang aking narinig na kapatid ka ni Liam?" Nakangiting tanong ni Dalya.

"That's right girl" Nakangiting sabi ni Laureen, hindi man naunawaan ni Dalya ang mga salitang binigkas nito ngunit sapat na ang mga kilos na ipinakita nito upang maintindihan nya na kapatid nga ni Liam ang dalagitang nasa harap nya ngayon. Kaya pala tila may kamukha sya, at iyon ay si Liam.

"Ikaw girl? Who are you ba? And bakit ka nandito sa house ni Kuya?" Tanong ni Laureen, sumasakit na ang ulo ni Dalya dahil magkahalong Ingles at tagalog kung mag salita ito.

"Paumanhin ngunit hindi ko talaga maunawaan ang mga salitang iyong binibitawan, maaari bang magtagalog ka?" Nakangiti pa ding tanong ni Dalya, si Laureen naman ay tila dudugo na ang ilong dahil sa lalim mag tagalog ng babaeng nasa harap nya ngayon.

"Pero girl, bakit? Kahit ata ang hindi nag-aral ay marunong mag english kahit kaonti, napag iwanan ka na ba ng life?" Tanong ni Laureen at umayos na ng upo.

"Hindi mo mauunawaan kung sasabihin mo man sa iyo, ngunit nawa'y sundin mo ang aking pakiusap" Nakangiting saad ni Dalya at sinara na ang pinto, naglakad sya papalapit kay Laureen at umupo sa kanape na kalapit lang ng kinauupuan ni Laureen.

"Okay, fine girl. Sagutin mo na kasi ang tanong ko, who are you ba— I mean sino ka ba?" Nahihirapan man ngunit ginawa ni Laureen ang kanyang magagawa sa abot ng kanyang makakaya kahit may halong Ingles pa din ang sinabi nya, naintindihan naman ni Dalya ang tinanong nito.

"Ako nga pala si Dalya, kinagagalak akong makilala ka Laureen" Ngiti ni Dalya, nanlaki naman ang mata ni Laureen at gulat na napatingin sa kanya.

"What?! Ikaw si Dalya?!" Gulat na tanong ni Laureen, maging si Dalya ay nagulat din dahil sa naging reaksyon nito.

"O-oo, ako nga. Bakit ba ganyan ang iyong reaksyon?" Nag-aalalang tanong ni Dalya.

"Oh my gosh! Proud na ako kay kuya ngayon! Ang ganda nya talaga pumili, ang ganda mo girl!" Ngayon naman ay ngiting-ngiti na sabi nito, muli ay nagtaka na naman si Dalya.

"Ate Dalya, ikaw pala. Nakakainis man pero I had to say na mas maganda ka sa akin" Nakasimangot na sabi ni Laureen pero natawa rin naman, napangiti naman si Dalya dahil sa kagiliwan nito.

"Maraming salamat Laureen, napakaganda mo rin naman" Nakangiting sabi ni Dalya, natawa sya nang ilagay ni Laureen ang hibla ng kanyang buhok sa kanyang tainga habang nakanguso.

"Anong klaseng mukha iyan?" Natatawang tanong ni Dalya.

"Dalagang pilipina, duh! Usong-uso kaya 'yan ngayon Ate" Nakasimangot na sabi ni Laureen, natawa na lang si Dalya.

"Sya nga pala, ayon sa iyong winika ay tila kilala mo na ako. Totoo ba ang aking mga tinuran?" Tanong ni Dalya.

"Uh, yes. Pero ngayon lang talaga kita nakita dahil nasa ibang bansa ako at kararating ko lang kahapon dito sa pilipinas, dumeretso na ako ngayon dito dahil miss- I mean nangungulila? Yeah, nangungulila na ako kay kuya" Saad ni Laureen at ngumiti, napangiti rin naman si Dalya.

"Pero paano mo ako nakilala gayong ngayon mo lang naman ako nakita?" Tanong muli ni Dalya, doon napatigil si Laureen at nag isip-isip.

"Uh, na kwento ka sa akin ni Kuya Liam" Sagot ni Laureen.

"G-ganoon ba..." Heto na naman ang pakiramdam na tila sya ay lumulutang, pinigilan na nya ang pag-iisip ng kung anu-ano at piniling kausapin si Laureen sapagkat natutuwa sya rito.

"Ilan taon ka na ba at bakit ganyan ang iyong kasuotan?" Tanong ni Dalya, napatingin naman si Laureen sa kanyang kasuotan at nagtatakang tinignan si Dalya dahil wala naman syang nakikitang mali sa kanyang suot.

"Eighteen na girl— I mean Ate Girl, ganito ang suot ko kasi uso kaya 'to. Trip mo no?" Nakangising tanong ni Laureen at sabay na itinaas ang kanyang magkabilang kilay ng dalawang beses.

"T-trip? Anong trip?" Kunot noong tanong ni Dalya, nakangusong tinignan ni Laureen si Dalya dahil hindi na naman sya naintindihan nito.

"Tagalog naman 'yon ah? Ano bang tagalog ng trip?" Tanong ni Laureen at napakamot sa kanyang ulo.

"Paglalakbay?" Mungkahing sagot ni Dalya ngunit umiling si Laureen.

"Hindi eh, gusto? Iyon! Ang ibig sabihin ng trip mo ay gusto mo" Ngiti ni Laureen. "At ang edad ko naman, itanong mo na lang kay Kuya Liam kung ano ang tagalog ng eighteen hehe" Kamot ulong saad ni Laureen, ngumiti naman si Dalya at tumango.

Ilang sandali pa ay sabay silang napatingin sa pintuan ng bumukas iyon at bumungad sa kanila si Liam na nagulat ng makita ang kanyang kapatid, agad namang napatayo si Laureen at patakbong yinakap ang kanyang kuya. Napangiti naman si Liam at yinakap pabalik ang kanyang kapatid, napatingin din sya kay Dalya na nakangiting pinagmamasdan ang magkapatid na si Liam at Laureen.

********************
#MemoriesOfTheSky

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon