MOTS KABANATA 20

23 5 4
                                    

[Kabanata 20 - Pinto]

"Oo nga pala kuya, pwede bang dito na lang ako mag stay— Manatili?" Tanong ni Laureen kay Liam, nais nya sanang magsalita na lang ng buong Ingles dahil sila naman ni Liam ang nag-uusap ngunit nais nyang maintindihan din ni Dalya ang kanilang pinag-uusapan. Isa pa ay kawalan ng respeto kung gagawin nya iyon.

Narito sila ngayon sa hapag at hindi maikakailang sadyang napakadaldal ni Laureen, walang tigil ang kwento nito at kakatanong. Napag-alaman ni Dalya na kaya pala umuwi dito si Laureen ay dahil sa nalalapit na araw ng mga patay, kinekwento rin nito ang kanyang mga naging karanasan roon.

"Oo naman, ayos lang ba sa inyo ni Dalya?" Tanong pabalik ni Liam, napasimangot naman si Laureen.

"Ofcourse! I mean— Oo naman din kuya, pipiliin ko bang manatili dito kung ayaw ko sa kanya?" Patanong na sagot ni Laureen at tumingin kay Dalya, maging si Liam ay tumingin din kay Dalya.

"Ikaw Ate Dalya? Ayos lang ba sa'yo?" Tanong ni Laureen at tinignan sya ng 'pumayag ka please' look, napangiti naman si Dalya at tumango.

"Oo naman, ako'y natutuwa rin kay Laureen sapagkat napakagiliw nya" Nakangiting saad ni Dalya, gusto sanang mag tatalon sa tuwa ni Laureen ngunit abala sya sa pagkain.

"Yey! Sabi ko sa'yo kuya favorite nya ako eh" Ngiti ni Laureen at nagpatuloy sa pagkain, ngumiti lang si Liam.

"Peyborit?" Naguguluhang tanong ni Dalya, kaonti na lang ay nanaisin na nyang mag aral ng Ingles upang maintindihan ang mga taong nasa kanyang paligid na panay ang pagsasalita ng Ingles.

"Favorite, paborito. Diba? Favorite mo ako?" Taas noong tanong ni Laureen, natawa naman si Dalya.

"Oo, peyborit kita bilang aking kapatid. Si Manang Agnese naman ay bilang aking pangalawang Ina, at si Liam naman ay bilang...." Iyon na naman at nag tuloy-tuloy ang kanyang sinasabi, napatikhim si Dalya.

Ano ko ba ang nilalang na iyan? Kaibigan ko na ba sya? Katulungan? O kapareho ng bahay na tinitirhan?

"Si Kuya Liam ay paborito mo bilang?" Usisa ni Laureen, maging ang mga sinabi ni Dalya ay nagpapukaw ng atensyon ni Liam.

"B-bilang kaibigan" Tanging nasagot ni Dalya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ah, kaibigan" Rinig nyang saad ni Laureen, hindi nya na lang ito pinansin.

"Maraming salamat Hija, tinuturing mo pala akong iyong Ina. Ganoon rin naman ako sa'yo dahil tinuturing kitang anak" Ngiti ni Manang Agnese, ngumiti naman din si Dalya at tinignan si Manang Agnese na nasa kabisera. Si Liam ay nasa kanyang harap at katabi nito si Laureen.

"At ako naman ay tinuturing nyang kapatid" Ngiti ni Laureen at nakipag apir kay Manang Agnese, matapos no'n ay nakangisi naman syang tumingin kay Liam.

"Habang ang isa naman d'yan ay tinuturing na kaibigan" Pang-aasar ni Laureen sa kanyang kuya, natawa si Manang Agnese at maging si Dalya. Mukhang magiging maligalig ang kani-kanilang paligid dahil kay Laureen na sadyang napakakulit.

*****

Narito ngayon si Dalya sa kusina at naghuhugas ng plato, gabi na at payapa na ang gabi. Nasa kanyang kwarto sa ibaba na si Manang Agnese, sya sana ang maghuhugas ngunit nag boluntaryo si Dalya na sya na ang gagawa. Si Liam at Laureen ay nasa kanya-kanyang kwarto na rin sa itaas, ilang sandali pa ay muntik ng mabitawan ni Dalya ang babasaging plato na hawak nya ng may mag salita mula sa kanyang likuran.

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon