[Kabanata 22 - Usapang Pag-ibig]
"Hindi ganyang kagaslaw gumalaw ang mga kababaihan noong unang panahon, kung gumalaw ka kasi ay tila isa kang babaeng naghahanap ng away" Natatawang sabi ni Dalya kay Laureen, napakamot naman ito sa kanyang ulo at napanguso.
"Grabe! Napakahinhin naman pala ng mga kababaihan noong unang panahon, nahiya ang mga babae sa panahong 'to" Tawa ni Laureen, napangiti si Laureen at natawa dahil kung tumawa si Laureen ay tila ito na ang kanyang huling tawa kung kaya't bigay na bigay sya.
"Noong nawala ang mga kastila ay maraming nag bago sa pilipinas, isa na roon ang pananamit. Lalo na noong tuluyan ng naging malaya ang ating bansa, ngayon ay nasa modernong panahon na tayo" Salaysay ni Dalya, muling napakamot si Laureen sa kanyang ulo dahil hindi sya makasabay sa sinasabi ni Dalya.
"Hays! Pinaysisisihan ko na ngayon na hindi ako nakikinig tuwing Araling Panlipunan, kung nakinig sana ako sa aralin tungkol sa history— I mean nakaraan edi sana naiintindihan kita ngayon. Pero hindi pa naman huli ang lahat, Senior High School pa lang naman ako. Nag-aaral pa ako" Ngiti ni Laureen, nagulat naman si Dalya.
"Ano? Nag-aaral ka at hindi tungkol sa pagtatahi o ano?" Gulat na tanong ni Dalya, tumango naman si Laureen.
"Uh yes— I mean oo, nag-aral rin naman ako ng pagtatahi before sa TLE noong elementary pa lang ako pero hindi rin naman ako natuto" Sagot ni Laureen, napatulala si Dalya. At dahil nasa kasalukuyang panahon sya, mukhang naging pantay na rin ang pag-aaral ng kalalakihan at kababaihan. Napangiti naman si Dalya dahil doon.
"Ganoon ba? Nakakatuwa naman dahil pantay na ngayon ang karapatan ng kalalakihan at kababaihan" Ngiti ni Dalya, tumango-tango naman si Laureen habang tinatatak sa kanyang isip na mag-aaral na sya ng mabuti tungkol sa history.
"Sya nga pala ate Dalya, may secret— sikreto akong sasabihin sa iyo pero ipangako mo muna na hindi mo sasabihin kahit kanino ang sikretong sasabihin ko sa'yo" Pagsisimula ni Laureen ng bagong paksa, matagal na nya itong sinasarili at ngayon ay nais na nya itong ibahagi kay Dalya na pinagkakatiwalaan nya.
"Oo naman, ngunit kung tungkol sa kasamaan ang iyong sikreto ay paumanhin sapagkat gagawin ko ang dapat gawin" Ngiti ni Dalya, Nagulat naman si Laureen at napahawak sa kanyang puso.
"Grabe ka naman, Ate! Ang ganda-ganda mo tapos iisipin mo na isa akong kriminal?" Nakasimangot na tanong ni Laureen, "Hindi naman kasi tungkol sa kasamaan ang sikreto ko, tungkol ito sa aking lovelife— este pag-ibig" Saad ni Laureen, ang kaninang nakangiting labi ni Laureen ay unti-unting nawala. Dahan-dahang nakita ni Dalya ang kalungkutang sumilay sa mga mata nito.
"Kung ganoon, makakaasa ka na mananatiling sikreto ang iyong sasabihin. Ano ba iyon?" Tanong ni Dalya at ngumiti upang ipahatid kay Laureen na huwag syang matakot na sabihin ito sa kanya, ngumiti ng kaonti si Laureen.
"Ang totoo nyan, umuwi ako dito sa pinas hindi lang dahil paparating na ang araw ng mga patay. Umuwi rin ako dito dahil gusto kong kalimutan ang lalaking iniibig ko ngunit niloko nya ako, dapat ay sabay kaming uuwi dito dahil ipapakilala ko na sya kay kuya pero linoko nya ako at sumama sa babaeng bwisit na 'yon" Inis na kwento ni Laureen, kahit pa naroroon ang inis at galit sa kanyang puso ay hindi maitatanggi na mahal nya pa rin ang kanyang dating kasintahan. Labis nagdadalamhati ang kanyang puso dahil sa sakit na iniwan sa kanya nito, ngayon ay nais nyang mag bagong buhay at iwan ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historycznememories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...