[Kabanata 7 - Behikulo]
"Po? Ako po ang nag palit sa inyo ng damit, sorry po dahil conservative po pala kayo" Nanlaki ang mata ni Dalya ng maintindihan ang ilang sinabi ng nars.
"A-ano?" Gulat pa ding tanong ni Dalya, tila nais nya na lang mag palamon sa lupa.
"I'm sorry Ma'am, I'm the one who's responsible on changing your clothes. Sorry for not asking for your permision first, I didn't know that your conservative po" Pagsasalin ng nars sa wikang Ingles ng may pag galang.
Sa kanyang palagay ay mukhang Inglishera si Dalya at mananagot sya ngayon dahil sa kanyang ginawa. Muntik ng mag dugo ang ilong ni Dalya dahil kaonti na nga lang ang kanyang naunawaan sa sinabi ng nars, sinalin pa ito ng buo sa wikang Ingles.
"P-paumanhin ngunit h-hindi kita maunawaan, maaari mo ba itong isalin ng buo sa wikang tagalog?" Tanong ni Dalya at pilit iniiwasan na sya'y mapatingin kay Liam, nakatingin lang sya sa nars na mukhang bata pa at bago lang sa kanyang propesyon. Tumango naman ang nars.
"Patawad?" Napaisip muna ang Nars kung tama ba ang kanyang sinabi, nang mapagtanto na tama iyon ay tumango-tango sya.
"Patawad or paumanhin po, ako po ang nagpalit sa inyo ng damit. Paumanhin po kasi ginawa ko 'yon ng walang pahintulot ninyo, hindi ko naman po alam na konserbatibo kayo" Pagsasalin nya naman ng buo sa wikang ingles, hindi nya maunawaan kung bakit tila napag-iwanan ng panahon ang babaeng kausap nya ngayon.
"Ganoon ba..." Nahihiyang saad ni Dalya at sumulyap kay Liam na nakasandal sa pader at diretsong nakatingin sa kanya, muli syang umiwas ng tingin.
"H-hindi mo naman kailangang humingi ng tawad, sa susunod lang ay humingi ka ng permiso sa taong gagawan mo ng ganito bago mo gawin dahil hindi iyon tama. Isa kang estranghera sa akin at ganoon din ako sa'yo at hindi kaaya-aya ang iyong ginawa. Naiintindihan mo ba?" Tanong ni Dalya sa nars at ngumiti ng marahan, natutuwa sya sa mala-anghel na mukha nito.
Ngumiti naman ang nars at tumango kahit pa medyo naguguluhan dahil normal lang naman ang ginawa nya, nag paalam na ito dahil may kailangan pa syang gawin na ang dahilan kung bakit muling naiwan si Dalya at Liam sa loob ng kwarto. Hindi alam ni Dalya kung paano sya ngayon hihingi ng tawad kay Liam gayong pinagbintangan nya itong mapagsamantala, tumikhim sya bago mag salita.
"P-paumanhin sa aking mga binatong s-salita sa iyo, ako'y..." Napatigil sa pagsasalita si Dalya dahil hindi nya alam kung anong sasabihin na palusot, hindi nya maaaringaàll sabihin muli na nagbibiro lamang sya dahil hindi iyon naaayon sa sitwasyon.
"Patawad" Tanging nasabi na lang ni Dalya, muling nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pakiramdam nya ay nagiging makasalanan na sya ngayon, huminga sya ng malalim.
"Naiintindihan ko—" Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil pinutol na iyon ni Liam.
"Pinapatawad na kita" Saad ni Liam na ikinagulat ni Dalya.
"T-talaga?" Gulat na tanong ni Dalya, tumango naman si Liam. Ang bagay na iyon ay ang nag bigay ng ngiti sa labi ni Dalya, lumapit na sa kanya si Liam.
"I feel okay when you smile" Wika ni Liam at tinignan si Dalya, nagtataka naman syang tinignan nito.
"Anong ibig sabihin ng mga salitang iyong tinuran?" Usisa ni Dalya, natawa lang ng mahina si Liam at umiling.
"Wala, kalimutan mo na 'yon" Ani ni Liam at umakto na wala lang iyon, nagkibit-balikat na lamang si Dalya at tumango.
Kinuha nya ang kumot na nasa kama at itinali iyon sa kanyang baywang dahil hanggang tuhod lang ang suot nya ngayon, hindi nararapat na makita ng ibang tao lalong-lalo na ang mga kalalakihan na makita ang talampakan ng isang binibini kung kaya't ginamit nya ang kumot bilang pandugtong sa damit na suot nito. Inalalayan na sya ni Liam pasakay sa isang wheelchair, muli ay nagtaka si Dalya.
"Anong klaseng kagamitan ito?" Gulat na tanong ni Dalya, nagulat sya ng bigla itong umandar.
"Ito ba ay isang makapangyarihang bagay?" Tanong muli ni Dalya, hindi naman mapigilang matawa ni Liam.
"wheelchair ang tawag dito, umaandar sya kapag tinulak mo dahil may gulong sa ilalim ng wheelchair" Sagot ni Liam, napatango-tango naman si Dalya. Sa kanyang palagay ay mayroong ganito sa ospital noong panahon nya.
Ilang saglit lang ay narating na nila ang labas ng hospital, namamanghang pinagmamasdan ni Dalya ang laki ng ospital kung saan sila galing kani-kanina lang. Narito na sila ngayon sa paradahan ng ospital at isa-isang pinagmamasdan ni Dalya ang mga behikulong iba't-iba ang kulay.
"Anong klaseng bagay ang mga iyan?" Namamanghang tanong ni Dalya at tinignan si Liam.
"Car o kotse" Sagot nito, nakangiting napatango-tango si Dalya.
"Kamangha-mangha, kay rami na pala talagang nag bago ngayon sa Pilipinas. Binago na nga ito ng tuluyan ng mga kastila, hindi ko akalaing magbabago ang kanilang isipan na baguhin ang pilipinas" Namamanghang saad ni Dalya, si Liam naman ngayon ang nagtaka. Magsasalita na sana sya ngunit nauna na si Dalya.
"S-sasakay ako riyan?" Gulat na tanong ni Dalya. Sa tanang ng kanyang buhay, kailanman ay hindi pa sya nakakasakay sa ganoong klaseng behikuko at lalong-lalo na sa ganoong klaseng modernong kotse na kulay itim.
Tumango si Liam at may kinuha sa kanyang bulsa, pinindot nya ang bagay na kanyang hawak bago binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Muli ay inilahad nya ang kanyang kamay kay Dalya at ginawa ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang mag tagalog ng malalim.
"Kung iyong mamarapatin, maaari ba?" Tanong ni Liam, ang tibok ng kanyang puso ay unti-unting bumilis habang pinagmamasdan ang binatang nais syang tulungan ngayon.
Ang mga salitang binitawan ni Liam at nagdadala ng kung ano-anong isipin kay Dalya ngunit isinawalang bahala nya na lang ito dahil ang ibig sabihin lang naman ng binata ay kung maaari nya ba itong tulungan, tumango si Dalya at tinanggap ang kamay ni Liam na nakalahad.
Inalalayan sya nitong pumasok sa loob ng kotse bago nya isinara ang pinto at umikot sa kotse upang makasakay naman sa upuan ng magmamaneho, pagpasok nya ay isinara na nya ang pinto. Nanlaki ang mata ni Dalya.
"S-sandali! Nais mo bang tayo'y mamatay rito ngayon? Walang hanging pumapasok dito oh" Reklamo ni Dalya, hindi sya pinansin ni Liam at may ginawang bagay na hindi maunawaan ni Dalya kung ano.
Ilang sandali pa ay may naramdaman syang lamig sa kanyang paa at mukha, nagulat si Dalya at hinanap ang pinanggalingan no'n. Nang mapadaan ang kanyang kamay sa kanyang harapan ay napayakap sya sa kanyang kamay ng may naramdaman syang malamig na ihip ng hangin.
Habang si Liam naman ay pinipigilan ang kanyang tawa dahil kung anu-ano ang mga ginagawa at salitang binibitawan ng babaeng nais nyang tulungan ngayon, malamang ay pauulanan na naman sya ngayon ni Dalya ng sobrang daming tanong na kahit sinong tao ay alam maliban lang sa kanya.
********************
#MemoriesOfTheSky
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historical Fictionmemories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...