MOTS KABANATA 18

20 5 6
                                    

[Kabanata 18 - Lagi]

"Noong kabataan ko, ang raming nanliligaw sa akin dahil ang sarap ko daw magluto. Mayroon kasi kaming karinderya noon at mayroon akong espesyal na putahe na syang dahilan kung bakit sinasabi ng aking mga manliligaw na maaari ko na daw silang maging asawa" Natatawang kwento ni Manang Agnese.

Sa dinami-rami ng naging karanasan nya sa buhay sa loob ng limampung taon ay hindi na ata sya mauubusan ng kwento, pinili nyang mag kwento na rin dahil tahimik ang dalawa nyang kasama. Panay lang ang sulyap nila sa isa't isa, napangiti naman si Dalya dahil sa kwento ni Manang Agnese.

"Kay haba po pala ng inyong buhok" Natatawang sabi ni Dalya, naalala nya tuloy ang kanyang buhay tungkol sa mga panliligaw. Marami ding sumubok na ligawan sya ngunit lahat ay sumuko dahil sa kasungitan nya o kaya naman ang kanyang Inay, napangiti sya dahil doon na ikinasandal ni Liam sa kanyang kinauupuan.

"Sya nga pala, wala ba kayong balak na mag asawang dalawa? Nasa wastong edad na naman kayo, mahirap tumanda ng mag-isa" Pag-iiba ng usapan at paalala ni Manang Agnese, bigla namang nabitawan ni Dalya ang kutsarang hawak nya habang si Liam naman ay napaubo at umayos ng upo.

"Oh ano? Wala ba kayong ibang napupusuan aber? Malapit na kayong mag trenta, wala pa ding mga asawa" Reklamo ni Manang Agnese, kakain na ulit sana sya ngunit bigla syang napangiti ng may maisip.

"Pero para sa akin, bagay kayong dalawa. Pwede na kayong maging mag-asawa" Nakangiting pang-aasar ni Manang Agnese, gulat namang napatingin si Dalya kay Manang Agnese habang nararamdaman ngayon ang pag-iinit ng kanyang pisngi.

"P-po? Si Liam ay maaari kong maging asawa? Eh hindi ko nga po alam kung kaibigan ko ba ang nilalang na iyan" Reklamo ni Dalya at pinagpatuloy na ang kanyang pagkain, nakangiting napatingin naman si Liam kay Dalya at natawa.

Nakararamdam tuloy ng kilabot si Dalya habang kumakain, lalong-lalo na nang marinig nya ang tawa ni Liam. Napatingin sya sa kanyang plato ay doon nya napagtanto na kay bagal nya pa lang kumain, nais nyang takasan ngayon ang sandaling ito ngunit hindi nya alam kung paano.

Maaari bang mahimatay na lang ako ngayon?

*****

Gabi na, narito ngayon si Dalya sa kanyang kwarto at tulad ng dati ay hindi pa rin sya dinadalaw ng antok. Napabuntong hininga sya at bumangon mula sa pagkakahiga, madilim na ang buong kapaligiran ngunit may nakikita pa rin si Dalya dahil sa liwanag ng buwan. Sinuot nya muna ang kanyang balabal bago naglakad papunta sa balkonahe at pinagmasdan ang buwan na nagbibigay liwanag ngayon sa madilim na kapaligiran.

Tulog na kaya sya ngayon? Malamang ay oo, pagod sya sa kanyang trabaho.

"Nais sana kitang tulungan upang mabawasan ang iyong pagod ngunit hindi ko alam kung paano" Malungkot na saad ni Dalya sa kanyang sarili, pakiramdam nya ay nagiging pabigat lamang sya sa buhay ni Liam. Dinadalaw na sya ngayon ng kanyang kunsensya kahit wala naman syang ginagawang masama.

"Nawa'y ingatan mo ang iyong sarili, kumain ka sa tamang oras at huwag magpapalipas ng gutom. Hindi ko man alam kung ano ba ako sa buhay mo ngunit nais kong malaman mo na mahalaga ka sa buhay ko" Wika ni Dalya at napangiti, tinutukoy si Liam. Nakatitig sya ngayon sa kalangitan kung saan naroon ang buwan at mga bituin.

"Masusunod, mahal kong binibini..."

Gulat na napatingin si Dalya sa kanyang gilid nang may magsalita mula sa 'di kalayuan, gulat syang napatingin sa kabilang balkonahe kung saan naroon si Liam na syang tinutukoy nya kanina pa.

Nakasuot na ito ngayon ng puting kamiso at hindi nakabutones ang tatlong butones ng suot nitong kamiso kung kaya't napalunok si Dalya dahil napagmamasdan nya ngayon ang kakisigan ng binata, nakasuot din ito ng pajama na kulay itim at puti at ang disensyo ay pranela. Nasa likod ang kamay nito at tahimik na nakikinig at pinagmamasdan si Dalya.

"A-anong ginagawa mo riyan?!" Gulat na tanong ni Dalya at inaninag kung si Liam ba talaga iyon, naglakad sya papalapit kung nasaang banda si Liam. Napalunok sya ng mapagtanto na si Liam nga iyon.

"K-kanina ka pa ba riyan?" Gulat pa ding tanong ni Dalya, bigla ay nais na nyang magpalamon sa lupa nang tumango si Liam.

Malamang ay narinig nya ang mga sinabi ko! Ngunit wala naman akong sinabing sya ang aking tinutukoy hindi ba? Ngunit bakit sa mga salitang binitawan nya ay tila alam na nyang sya ang tinutukoy ko? Hindi kaya may kausap syang engkanto?

Habang pinagmamasdan ni Liam si Dalya na nakatingin din sa kanya ngayon ay nakita nya kung paano nag-iiba ang mga reaksyon ni Dalya, naisip nya na baka kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip nito.

Inilibot ni Dalya ang kanyang paningin sa paligid ni Liam ngunit wala naman syang nasilayan na engkanto o kung ano mang pwedeng makausap, muling nagtama ang kanilang paningin. Napaiwas na lang ng tingin si Dalya at ibinaba sa kanyang balikat ang suot nyang balabal, naglakad sya papalapit sa baranda at isinandal ang kamay roon. Naisip nya na baka dinalaw na naman sya ng kanyang kabaliwan, kabaliwan kay Liam.

Naglakad na rin si Liam sa tapat ng baranda at isinandal ang kamay roon, umihip ang malamig na hangin na ang dahilan upang hanginin ang mahabang buhok ni Dalya. Pareho silang nakatingin ngayon sa kalangitan.

"Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ako'y magtatagal rito gayong kakaiba ito sa mundong nakasanayan ko. Hindi ko inaasahan na magiging maganda ang buhay ko dito at hindi ko din inaasahan na may isang tao na buong pusong tutulong sa akin kahit pa hindi nya naman ako kilala" Nakangiting saad ni Dalya habang nakatingin pa rin sa kalangitan, napansin nya ang unti-unting pagbaba ng buwan.

"Ang sabi sa akin ng aking Inay, tutulungan ka at pakikitaan ng bait ng isang tao kung may kailangan sya sa iyo. Ano ba ang nais mo sa akin? Wala naman akong pera maging ang kayamanan at hindi din ako maganda" Wika ni Dalya at napatingin na kay Liam na nakatingin na sa kanya ngayon. Bigla ay napahakbang paatras si Dalya at napayakap sa kanyang sarili ng may maisip na dahilan kung bakit sya tinutulungan at pinakikitaan ng kabaitan ni Liam.

"H-huwag mong sabihing—" Hindi na natuloy ni Dalya ang kanyang sasabihin dahil pinutol na iyon ni Liam.

"Hindi ako katulad ng iniisip mo" Seryosong pagpigil ni Liam sa sinasabi ni Dalya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Dalya, napalunok naman si Dalya at napayuko.

"Paumanhin" Paghingi ng tawad ni Dalya, dadagdagan nya sana iyon ng 'hindi na mauulit' ngunit alam nya namang maaari syang magkamali at hindi mapigilan ang sarili sa pag-iisip ng kung ano-ano.

"K-kung babalik tayo sa usapang kagandahan, sa aking palagay ay kumupas na ang aking ganda" Naisipan ni Dalya na ibahin na lang ang usapan, hindi nya alam kung bakit iyon pa ang napili nyang paksa ngunit bahala na.

Kahit pa ilang metro ang pagitan nila ay naririnig naman nila ang isa't isa, napakurap ng dalawang beses si Liam dahil sa sinabi ni Dalya. Madaling araw na ngunit kahit isa sa kanila ay hindi dinadalaw ng antok.

"Maganda ka pa rin naman" Pagtatama ni Liam sa sinabi ni Dalya, ang mga salitang binitawan ni Liam ay tila nagdudulot ng kung anong kiliti kay Dalya.

"Siguro? Minsan? hindi ko alam" Saad ni Dalya at natawa.

"Lagi..." Puno ng katotohanan na sabi ni Liam, kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin ay muling Pagtatama ng kanilang paningin at sabay na napangiti. Hindi lang ang kanilang mga labi kung hindi ang kanilang mga puso na bumibilis ang tibok sa tuwing nakikita ang isa't isa.

********************
#MemoriesOfTheSky

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon