[Kabanata 24 - Araw ng mga Patay]
Araw ng mga patay, maaga pa lang ay gumising na Dalya. Ginising nya na rin si Laureen na grabe kung humilik, nagpasalamat ito bago umalis sa kwarto ni Dalya at dumeretso sa sariling kwarto nito upang maligo. Naligo na rin si Dalya at nagbihis, patagal ng patagal ay nasasanay na sya sa ganitong buhay. Ang buhay na malayong-malayo sa kanyang tunay na buhay.
Pagkatapos mag bihis ni Dalya ay napatingin sya sa pinto ng bumukas iyon at tumambad sa kanyang harapan si Laureen. Parehas ng suot na palazzo pants si Dalya at Laureen, kulay puti ang kay Laureen habang ang kay Dalya naman ay itim. Sa pang itaas naman ay kulay kalimbahin na walang manggas ang suot ni Laureen kung kaya't kita ang kanyang braso, si Dalya naman ay kulay puti ang suot na damit na hanggang siko ang manggas at lawlaw ang dulo nito.
"Sinasya ko talagang mag suot ng pants— I mean pang ibaba na ganito para partners tayo" Ngiti ni Laureen at ilinapag sa paanan ni Dalya ang isang sandalyes na kulay itim at may takong.
"Ito ang suotin mo Ate Dalya, mas bagay sa style ng damit na suot mo" Wika ni Laureen at umupo sa tabi ni Dalya, ilinapag nya na rin ang hawak nyang pouch na naglalaman ng kanyang mga kalorete. Napatingin si Dalya sa suot na panyapak ni Laureen na kulay kalimbahin, mataas din ito.
"Bakit naman? Ako'y hindi sanay mag suot ng mga matataas na panyapak" Pagtanggi ni Dalya, napanguso naman si Laureen.
"Sige na, please? Hindi ako mapapakali kung hindi tugma ang kulay ng suot mong damit at panyapak, pati lalagyan kita ng kaonting kalorete sa mukha. Slight lang promise" Saad ni Laureen, hindi naman magagawang matiis ni Dalya si Laureen kung kaya't tumango na sya at sinuot ang sandalyes na iyon. Tinulungan din sya ni Laureen dahil mukhang hindi nito alam kung paano ikabit ang sandalyes.
"Ika'y nakasisiguro ba na lagyan ako n'yan?" Tanong ni Dalya, sinimulan na syang ayusan ni Laureen. Napansin ni Dalya ang mabilis nitong pag kilos pag dating sa pag-aayos, maging ito ay nakapag ayos na bago pa sya ayusan nito.
"Oo naman! Light lang naman eh, ano bang tagalog ng light make up?" Tanong ni Laureen sa kanyang sarili at napaisip. "Basta, hindi naman makapal ang ilalagay ko sa'yo. Light lang" Ngiti ni Laureen, tumango si Dalya ng may pag-aalinlangan.
"Ayan, okay na. Ang ganda mo!" Tuwang-tuwang sabi ni Laureen at hinarap si Dalya sa isang malaking salamin. Nakahinga naman ng maluwag si Dalya dahil naging mas maayos at maaliwalas ngayon ang kanyang mukha.
"Apir!" Sigaw ni Laureen at itinaas ang kanyang kamay para makipag apir kay Dalya, nagtaka naman si Dalya. Kinuha ni Laureen ang kanyang kamay at itinama iyon s kamay nya.
"A-apir" Hindi siguradong saad ni Dalya, napangiti naman ng malawak si Laureen at sabay silang umalis sa kwarto ni Dalya.
*****
Pagkababa nina Dalya at Laureen ay naabutan nila si Liam na kausap si Manang Agnese, lumapit na rin silang dalawa kay Manang Agnese. Napatingin sa kanila si Liam at napatigil sya ng magtama ang paningin nila ni Dalya, ang kagandahan na mayroon ang lahat ngunit pagdating kay Dalya ay tila nagiging pambihira sa paningin nya.
"Kayo na lang munang tatlo ang pumunta sa simenteryo, huwag nyo na akong alalanin dahil kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Umalis na kayo dahil patagal ng patagal, padami din ng padami ang mga tao" Saad ni Manang Agnese, sumama ang pakiramdam ni Manang Agnese kagabi pa. Hindi nya na nais sumama dahil nahihilo sya kapag maraming tao, sa labas na lang sya magtitirik ng kandila mamaya para sa kanyang mga minamahal na namayapa na.
"Sigurado po kayo Manang?" Nag-aalalang tanong ni Liam, tumango sya at ngumiti upang hindi na sila mag alala pa.
*****
Narito ngayon sina Dalya, Liam, at Laureen sa kotse ni Liam at papunta na sila ngayon sa simenteryo kung saan nakalibing ang Ina ng magkapatid. Parehong nasa harap si Dalya at Liam habang si Laureen naman ay nasa likod, minsan ay hindi mapigilang mapakanta ni Laureen lalo na kung paborito nyang kanya ang tumutugtog sa radio ng kotse.
Nnaalala ni Dalya ang unang beses na makasakay sya sa behikulo at pinaulanan nya ng tanong si Liam, napangiti na lang sya. Hindi nya akalaing ang mga bagay na iyon ay isa na sa kanyang mga memorya, ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan. Napaangat ang tingin ni Dalya sa itaas na pader dahil may nakasulat roon.
Manila North Cemetery.
Hindi nya nabasa at naunawaan kung ano ang nakasulat roon, kusa nyang binuksan ang pinto at lumabas. Bago sya tuluyang makalabas ay napatigil sya ng makita ang nakalahad na kamay ni Liam, hindi nya napansin na aalalayan pala syang bumaba nito. Ngunit huli na ang lahat, nakalabas na sya ng sasakyan.
Hindi naman malaman ni Dalya ang kanyang gagawin, hindi nya nais ipahiya ito. Itinaas nya ang kanyang kamay at inihampas iyon sa palas ni Liam nang maalala ang itinuro sa kanya ni Laureen kaninang umaga.
"A-apir" Puno ng kahihiyan na saad ni Dalya, habang si Laureen naman ay napanganga sa gulat nang makita ang ginawa ni Dalya.
"H-halika na" Nakayukong sabi ni Dalya at lumapit kay Laureen na nasa labas na ng sasakyan, isinara ni Dalya ang bibig nito dahilan upang matauhan ito.
"Sabi ko nga, halika na" Wika ni Laureen, sabay na naglakad si Laureen at Dalya habang nakakapit si Laureen sa braso ni Dalya.
Habang si Liam naman ay nakasunod sa kanila, umihip ang sariwang hangin na ang dahilan nang paglaglagan ng mga patay na dahon sa punong pinanggalingan nito. Kulay asul ang kalangitan at unti-unti nang sumisibil ang liwanag, nagsimula na ding dumami ang mga tao.
Ilang sandali pa ay napatigil sa paglalakad si Dalya dahil tumigil si Laureen, tumigil sila sa isang modernong tila bahay. Naglakad si Liam papunta sa tarangkahan (gate) at binuksan iyon dahil nasa kanya ang susi, linawakan ni Liam ang bukas ng tarangkahan upang makadaan ang dalawa nyang kasama. Kulay puti ang pader habang ang parilya ay kulay ginto, may nakasulat sa itaas ng mausoleum.
Sevilla Familia.
Nang makapasok na sila ay sinara na ni Liam ang pinto at pumasok sa loob, ilinibot ni Dalya ang kanyang paningin. Maraming ng nakalibing sa loob at lahat ay iisa ang apilyedo, at iyon ay 'Sevilla'.
"Sevilla pala ang inyong apilyedo" Wika ni Dalya, tumango naman ang dalawa. Dumeretso na sila sa isang mahabang libingan, mayroong larawan na nakalagay sa kuwadro at kamukha nito si Laureen. Napatingin sya sa pangalang nakaukit roon.
Lacey Sevilla.
Sinindihan na ni Liam ang hawak nyang kandila, idinikit nya ang apoy sa hawak na kandila ni Dalya at Laureen upang magkaroon din ito ng apoy. Itinayo na nila ang kanya-kanyang mga kandila sa libingan ng Ina nila Liam at Laureen, nakita ni Dalya na pumikit na si Liam at ganoon din si Laureen. Pumikit na rin si Dalya upang mag alay ng dasal para rito kahit pa hindi nila kilala ang isa't isa.
Ipinapahatid ko po ang aking pakikiramay sa inyong pagkamatay kahit na labing walong taon na po ang nakalipas, nawa'y gabayan nyo po palagi ang inyong mga anak at maraming salamat po dahil dumating sila sa buhay ko...
Nang idilat ni Dalya ang kanyang mga mata, sa hindi malamang dahilan ay tila pamilyar sa kanya ang apilyedo ng mga taong nasa paligid nya ngayon.
********************
#MemoriesOfTheSky
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historical Fictionmemories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...