MOTS KABANATA 12

27 6 4
                                    

[Kabanata 12 - Kaarawan]

"P-patawad!" Nabibiglang sabi ni Dalya, agad nyang hinawakan ang mukha ni Liam at tinignan ito.

Napasimangot naman si Dalya nang makitang nakangiti at natatawa si Liam habang hawak pa din ang pisngi nitong nasampal nya, napansin nya na hindi naman ito gaanong kalala kung kaya't inis na binitawan na nya ang mukha nito. Umupo na sya at sumandal sa puno.

"Kay arte mo naman, hindi naman ganoon kalakas ang tama ko sa'yo" Inis na sabi ni Dalya at tinignan si Liam na umupo na ngayon sa tabi nya ngunit may kaonting distansya, sumandal din ito sa puno bago sya tignan.

"Ngunit sa akin ay malakas" Natatawang sabi ni Liam, napaiwas na lang ng tingin si Dalya at tumingin sa itaas ng puno kung saan may mga nakasabit na iba't-ibang kulay na kumikinang ngayon. Pakiramdam nya ay doble ang ibig sabihin nito.

"Sa susunod ay pumili ka ng mga salitang hindi magdadala ng isipin sa ibang tao" Saad ni Dalya, maging sya ay hindi maunawaan kung bakit lumabas iyon sa kanyang bibig.

"Ano bang iniisip mo tungkol sa sinabi ko?" Gulat na napatingin si Dalya kay Liam ng diretso nitong sinabi iyon, napalunok naman sya.

"W-wala, hindi ko naman sinabi na ako ang ibang taong iyon" Pagsisinungaling ni Dalya, pilit nyang linalabanan ang tingin ni Liam na tila nangungusap.

"Pero hindi iyon ang sinasabi ng mga mata mo" Dagdag ni Liam, napahinga naman si Dalya ng malalim. Tanggap na nyang natalo sya, umiwas na lang sya ng tingin at iniba ang usapan.

"P-paumanhin nga pala sa aking nagawa kanina" Paghingi ng tawad ni Dalya, tumango naman si Liam bilang pagtanggap nito.

"Patawad din sa aking pang-aabala sa iyo. Huwag kang mag-alala, sa oras na makabalik ako sa aking panahon ay hindi na ako magiging abala pa sa iyo. Ngunit..." Napatigil sa pagsasalita si Dalya ng may pumasok na katanungan sa kanyang isipan.

Ngunit may daan pa nga ba pabalik doon? Ako'y binaril at hindi ko alam kung may karapatan pa akong makabalik sa panahon ko...

*****

Narito ngayon si Dalya sa salas habang malalim ang iniisip, hindi nya namalayan na umupo na pala si Manang Agnese na kanyang tabi. Nagulat si Dalya at natauhan ng may humawak sa kanyang balikat, muntik na nyang masampal ang kanyang katabi ngunit mabuti na lang at na-kontrol nya ang kamay nya.

"Manang Agnese, kayo po pala" Ngiti ni Dalya at umayos ng upo, napatingin si Dalya sa bintana at hindi nya namalayan na hapon na pala.

"Ang lapit na po ng pasko ano? Ito na po siguro ang sunod na kaganapan rito" Wika ni Dalya, nagtaka naman si Manang Agnese na napansin ni Dalya.

"Tapos na ang aking kaarawan, kailan po ba ang kaarawan nyo?" Tanong ni Dalya kay Manang Agnese.

"Tapos na ang aking kaarawan, nagtaka ako dahil nakaligtaan mo ata na kaarawan ni Liam bukas" Wika ni Manang Agnese na ikinagulat ni Dalya.

"A-anong araw na po ba ngayon?" Gulat na tanong ni Dalya.

"August nineteen na ngayon" Sagot ng matanda, napahawak naman si Dalya sa kanyang noo.

"Maaari nyo po bang tagalugin ito?" Pakiusap ni Dalya, nagtaka naman si Manang Agnese pero napaisip din sya.

"Ika-labing siyam na ngayon, bukas ay ika-dalampu" Saad ni Manang Agnese, napatango-tango naman si Dalya. Ganoon rin naman ang araw sa kanyang panahon, hindi nya akalaing bukas na pala ang kaarawan ni Liam.

"U-uh, Manang Agnese? Maaari po ba akong makiusap sa inyo?" Tanong ni Dalya, may naisipan syang ideya para sa kaarawan ni Liam.

"Oo naman, ano iyon?" Dahan-dahang napangiti si Dalya at ibinulong sa matanda ang kanyang plano kahit pa silang dalawa lang naman ang nasa bahay.

*****

"Ilang taon na po pala si Liam ngayon Manang?" Tanong ni Dalya, narito sila ngayon sa kusina at parehas silang abala sa pagluluto ng mga espesyal na pagkain para kay Liam.

Naisipan ni Dalya na lutuan ng mga putahe kung saan napupuri sya sa kanyang panahon na masarap daw ito, masasabi rin naman nyang masarap ang mga iyon. Hindi nya alam kung paano sisimulan ito ngunit mabuti na lang at nariyan si Manang Agnese upang tulungan sya, kahapon ay namili sila at ngayong umaga ay lulutuin na nila ang mga ito. Nasabi sa kanila ni Liam na mamayang hapon pa ito babalik, napatingin naman si Manang Agnese kay Dalya.

"Twenty seven" Sagot ni Manang Agnese, nagtaka naman ang mukha ni Dalya.

"Dalawampu't pito" Awtomatikong pagsasalin ni Manang Agnese sa tagalog para kay Dalya, napangiti naman si Dalya at naisip na magka-edad sila ni Liam ngunit hindi na ngayong araw.

"Bakit nga pala hindi ka nakakaintindi ng english? Nag-aral ka naman siguro" Wika ni Manang Agnese, napayuko naman si Dalya.

Hindi naman sya nag-aral sa buong buhay nya, kahit nag-aral naman sya ay hindi nya pa rin naman mauunawaan ang mga tao sa panahong ito dahil hindi naman Ingles ang itinuturong wika sa kanila kung hindi espansyol. Kapag sinabi nya ang kanyang dahilan, malamang ay hindi naman maniniwala ang matanda.

*****

Narito ngayon si Dalya sa hapag kainan habang inaayos ang pagkakalagay ng mga plato, nakalagay na ang mga pagkain sa lamesa. Matapos gawin ni Dalya iyon ay naglakad na sya papalapit kay Manang Agnese.

"Manang Agnese, ipatay nyo na po ang mga ilaw" Nakangiting sabi ni Dalya, tumango naman si Manang Agnese at kinuha muna ang kumpitis bago ipatay ang ilaw. Kinuha naman ni Dalya ang keyk na binili ni Manang Agnese, tsokolate ang lasa nito.

Ilang segundo pa ang nakalipas at narinig na nila ang dahan-dahang bukas ng pinto, nakaramdam naman ng kaba si Dalya. Ito ang kauna-unahang beses na gagawin nya ang bagay na ito, naririnig nya ang dahan-dahang hakbang ni Liam at maging ang tibok ng kanyang puso dahil sobrang tahimik ng bahay.

Maya-maya lang ay bumukas na ang ilaw kung kaya't agad pinagana ni Manang Agnese ang kumpitis at sumabog ang mga laman nitong iba't-ibang kulay mula sa itaas, nagulat si Liam dahil doon. Hindi nya inaasahang maghahanda si Dalya sa tulong ni Manang Agnese sa oras ng kanyang kaarawan.

Habang patuloy na bumabagsak ang laman ng kumpitis mula sa itaas ay naroon si Dalya at Liam na nagtama na ang paningin. Dahan-dahang lumapit si Dalya kay Liam habang nakapatong ang keyk sa kanyang dalawang kamay, ngumiti ng marahan si Dalya at nagsalita na syang nagpatibok sa nananahimik na puso ni Liam.

"Maligayang kaarawan, Liam..."

********************
#MemoriesOfTheSky

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon