MOTS KABANATA 11

30 7 10
                                    

[Kabanata 11 - Puno]

"Dalya, masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Manang Agnese dahil napansin nya na nanahimik itong bigla, napatigil naman si Dalya at tinignan si Manang Agnese.

"H-hindi po" Sagot ni Dalya at nagpatuloy sa pagkain, mas mabilis pa sa hangin na naubos ni Dalya ang kanyang pagkain at naglakad papuntang lababo upang ilagay roon ang pinagkainan. Sya na rin ang maghuhugas ng pinggan.

Napatigil sya ng dumating si Liam at binuksan ang ilaw, nakalimutan nya pang buksan iyon dahil sa pagmamadali at sanay rin naman syang kumilos sa dilim. Nagpatuloy na lang sya sa kanyang ginagawa, sumandal naman si Liam sa pader na malapit kay Dalya at pinagmasdan ang dalaga.

"Kailan ka pa natutong maghugas ng pinggan?" Tanong nito habang nakatingin pa din sa kanya, ang boses ni Liam ay tila nagpatindig sa balahibo ni Dalya.

"Matagal na akong marunong maghugas ng pinggan" Masungit na sagot ni Dalya ng sa gayon ay umalis na ito dahil pakiramdam nya ay kinakapos na sya ng hininga ngayon.

"Hindi ko akalaing magagawa mo akong sungitan na para bang wala kang kasalanan sa akin" Napatigil si Dalya sa paghuhugas ng pinggan at gulat na napatingin kay Liam na ngayo'y nakangiti ng nang-aasar.

"Nakalimutan mo na ata ang pagpasok mo sa kwarto at umupo ka pa sa tabi ko" Patuloy ni Liam na lalong ikinagulat ni Dalya, nais na nyang magpalaman sa kalupaan ngayon dahil sa kahihiyan. Hindi nya lubos akalaing gising na pala si Liam at mukhang narinig pa ang lahat ng kanyang mga sinabi!

"Aalis na ako, salamat sa masarap na gabihan" Nakangiting sabi ni Liam at umalis na sa pagkakasandal at pagkakatitig kay Dalya, bago sya tuluyang umalis ay may sinabi muna ito na syang nagpabilis ng tibok ng puso ni Dalya.

"Sya nga pala, totoo ang sinabi ko. Maganda ka..."

*****

Kauuwi lang ngayon nina Manang Agnese at Dalya galing sa pamilihan, namili sila ng mga kailangan nila lalong-lalo na si Dalya. Nais nya sanang mamili ng mga baro't saya ngunit hindi nya agad ito natagpuan sa pamilihan at puro kakaibang damit ang kanyang nasilayan.

Sa huli ay bumili na lang din sya ng mga paldang hanggang itaas ng paa ang haba at mga damit at lahat ay mayroong mahahabang manggas at hindi rin hapit sa katawan, kahit pa nasa makabagong panahon na sya ay hindi nya pa rin nais sumayin ang kulturang kanyang kinagisnan. Pinilit pa sya ni Manang Agnese na bumili ng damit na maigsi lang ang manggas dahil mainit daw sa panahon ngayon hinayaan nya na lang ito dahil naisip nya rin na baka kailanganin nya ito.

Nagtataka rin sya sa mga suot ng mga kababaihan lalong-lalo na ang mga kabataan. Mas mataas pa sa tuhod ang mga pambabang suot nito, lahat ng mga babaeng nakita nya ay kitang-kita ang talampakan na higit na ipinagbabawal sa kanyang panahon. Wala naman syang ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at tanggapin iyon, marahil ay ito na nga ang Makabagong panahon.

Hindi rin naman nya masisisi ang ilan dahil sadyang napakainit nga, pakiramdam nya ay binilad sya sa arawan habang suot-suot ang mahahabang damit sa kalagitnaan ng kanilang pamimili. Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang mga taong napapatingin sa kanyang kasuotan at nagbubulungan, ang kanyang noo na lamang na nakakunot ang nagsilbing ala-ala na naiinis sya sa mga ito.

Maging sa pag-uwi ay wala syang ibang nagawa kung hindi magulat at mamangha sa mga sasakyang sinakyan nila, kakaibang-kakaiba. Nagpaalam muna si Dalya na magpapahinga muna sya, maging si Manang Agnese ay pumunta muna sa kanyang silid sa ibaba upang magpahinga din.

Nasa salas ngayon si Dalya at doon muna umupo dahil hindi na kaya pa ng kanyang paa na humakbang, nakapikit din ang kanyang mga mata habang nakasandal sa kanape. Hindi nya akalaing mararanasan nyang humilata sa ganoong kalambot na kanape, hindi naman sa mapagsamantala sya ngunit nais nyang damahin ang lambot ng kanapeng iyon dahil baka ito na ang huli.

Ilang sandali lang ay napatigil sya ng biglang may kumatok sa pintuan, inayos naman ni Dalya ang kanyang sarili bago naglakad papunta sa pinto at nakangiting binuksan iyon. Ngunit napatigil sya dahil mali ang kanyang inaakala, hindi si Liam ang bumungad ngayon sa kanyang harapan. Isang lalaking hindi nya kilala, napansin nyang umaliwalas ang mukha nito.

"Uh, Excuse me Miss. Alam mo ba kung nasaan si Liam? I heard na isa 'to sa bahay nya" Saad ng lalaki at ngumiti ng marahan, namamangha sya sa gandang tinataglay ng babaeng nasa harapan nya ngayon at nais nya itong makilala. Magsasalita ulit sana sya ngunit may humawak sa kanyang balikat, pagtalikod nya ay tumambad sa kanyang harapan ang seryosong mukha ni Liam.

"Hey Bro, nandyan ka pala. Hindi kita napansin, sya ba 'yong kapatid mo? Anong pangalan nya?" Interesadong tanong nito, umiling naman si Liam at naglalakad palapit kay Dalya.

"She's Dalya" Tanging sinabi ni Liam, nanlaki naman ang mata nito at napakamot sa kanyang ulo.

"Dalya, ikaw pala" Nakangiting sabi ng lalaking kaibigan pala ni Liam, ngayon ay wala na syang balak pang alamin ang tungkol rito.

"Magandang hapon po Ginoo" Nakangiting pagbati ni Dalya sa kanya, nagtaka naman ito dahil tinawag sya nitong Ginoo.

"Dennis" Wika ni Dennis, pinapahatid na Dennis na lang ang itawag sa kanya. Nagtaka naman si Dalya dahil iniba pa nito ang pangalan nya.

"Dalya po Ginoo" Pagtatama ni Dalya, hindi naman mapigilang matawa ni Liam ngunit agad nyang pinigilan iyon. Maging si Dennis ay natawa at natuwa din dahil hindi nito naintindihan ang nais nyang ipahiwatig.

"Pumasok na kayo" Anyaya ni Dalya at gumilid upang makadaan sila, nagkatinginan naman sila Liam at Dalya. Ngumiti at tumango si Liam kay Dalya bago nya kausapin ang kaibigang si Dennis tungkol sa pakay nito sa kanya.

*****

Narito ngayon si Dalya sa labas ng bahay nang maisipang lumabas muna dahil wala syang magawa, tulog ngayon si Manang Agnese habang si Liam naman ay mukhang kausap pa din ang kaibigan. Napatigil sa paglalakad si Dalya at napatingin sa malaking puno na nasa pinakagilid ng mansyon, mukhang matanda na ang punong ito.

Dahan-dahang naglakad paakyat si Dalya hanggang sa marating na nya ang punong iyon, kahit pa moderno ang disensyo ng mansyon ay hindi naman nakapangit tignan ang matandang puno dahil mukhang ginawan ito ng paraan ng taga-disenyo. May mga batong daan na kinulayan ng nababagay sa kulay ng mansyon paderetso sa puno na sinabitan ng makukulay na ilaw, umiilaw na ngayon ito. Napangiti sya ng maalala na malapit na ang pasko.

Uupo na sana sya at sasandal sa puno ngunit nagulat sya ng may humawak sa kanyang kamay, dahil sa gulat ay dumeretso ang isa pa nitong palad sa pisngi ni Liam. Nagulat naman si Dalya dahil si Liam pala iyon, nakahawak na ito ngayon sa kanyang pisngi na nasampal ni Dalya.

Hindi naman malaman ni Dalya ang kanyang gagawin ngayon, ilang beses sya nitong tinulungan ngunit palaging masama ang balik nya dito. Wala syang ibang nasabi kung hindi ang...

"P-patawad!"

********************
#MemoriesOfTheSky

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon