MOTS KABANATA 13

29 7 2
                                    

[Kabanata 13 - Pambihira]

"Maligayang kaarawan, Liam..." Nakangiting bati ni Dalya kay Liam, lumapit na sa kanila si Manang Agnese at sinindihan ang keyk.

"Maaari ka ng humiling ngayon" Nakangiting sabi ni Dalya at itinaas onti ang keyk upang hindi na yumuko pa si Liam.

Napangiti naman si Liam habang pinagmamasdan ang dalaga, sa buong buhay nya ay ito ang unang beses na sya'y supresahin kung kaya't labis ang sayang nararamdaman nya ngayon. Pumikit na sya at binulong sa isip ang kanyang kahilingan.

"Ano ang iyong hiniling?" Hirit ni Dalya nang mailagay na sa lamesa ang keyk, hindi na sasabihin pa ng may akda na napatingin sa kanya si Liam sapagkat kanina pa ito nakatingin sa kanya.

"Naku, 'wag mo nang alamin pa Dalya. Baka hindi magkatotoo 'yan" Pananakot ni Manang Agnese na may halong pagbibiro, natawa na lang si Dalya at tumango.

"Sya nga pala, paumanhin kung hindi ganoong kagarbo ang aming naihandang supresa para sa'yo. Kahapon ko lang kasi nalaman na kaarawan mo pala sa ika-dalampu ngayong buwan, nawa'y nagustuhan mo" Medyo nahihiyang saad ni Dalya, ang lakas din ng tibok ng kanyang puso dahil kinakabahan sya sa kung anong sasabihin ni Liam. Itinatanong nya rin sa kanyang sarili kung sino ba sya sa buhay ni Liam upang gawin ito para sa kanya.

"Maraming salamat..." Napaangat ang tingin ni Dalya nang marinig ang sinabi ni Liam, nagulat ito ng lumapit ito sa kanya at marahang yinakap kahit pa nasa harap sila ni Manang Agnese ngayon.

Gulat syang napatingin kay Manang Agnese na nakangiti habang pinagmamasdan silang dalawa, hindi nya alam kung bakit hindi man lang ito nagulat nang yakapin sya ni Liam. Isa itong kapangahasan sapagkat hindi naman sila magkasintahan o kasal, ngunit naalala nya na nasa makabagong panahon na nga pala sya kung saan wala lang iyon sa mata ng tao.

Naririnig at nararamdaman ngayon ni Dalya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Liam, tahimik na huminga sya ng malalim at dahan-dahang yinakap si Liam pabalik. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso ngayon, si Liam ang unang lalaking yinakap nya maliban sa kanyang ama't ina at sa babaeng kaibigan. Amoy na amoy nya ngayon ang bango ni Liam na nakakahalina.

Ilang sandali pa ay bumitaw na si Liam at lumapit kay Manang Agnese, yinakap nya ito at nag pasalamat. Si Manang Agnese ang pangalawang ina na tumayo para sa kanya mula pagkabata kung kaya't labis syang nagpapasalamat na naririto pa rin ang matanda hanggang ngayon, habang si Dalya naman ay tila nanigas sa kanyang kinatatayuan ngayon.

Pakiramdam nya ay kinikilabutan sya, namalayan nya na lang na hinatak sya ni Manang Agnese papunta sa hapag. Nagdasal muna sila bago kumain, nagsimula ng kumain si Liam at Manang Agnese habang si Dalya naman ay nanginginig ang kamay na kinuha ang baso nya at uminom ng tubig. Pakiramdam nya ay natuyot ang kanyang lalamunan

Nagsimula na din syang kumain dahil nagugutom na sya, kanina pa sya hindi kumakain dahil abala sya sa pag-aayos at pagsisiguro na maayos ang kanyang ginawa. Hindi nya maunawaan kung bakit nanginginig ang kanyang kamay ngayon habang hawak ang kutsara, binitawan nya muna ito at ibinaba ang kamay upang pigilan ito sa panginginig.

Inangat nya ang paningin at nakita nya si Manang Agnese na masiglang kumakain na tila ba sarap na sarap ito sa pagkaing kinakain nya, habang si Liam ay ganoon din naman ngunit marahan lang ang kanyang pagkain dahil kanina pa ito sumusulyap kay Dalya dahil napansin nya na balisa ito ngayon.

"May problema ba, Dalya?" Nag-aalalang tanong ni Liam, napatitig naman si Dalya kay Liam.

Ang makapal na kilay, nakakahalinang mga mata, matangos na ilong, manipis na labi, ang tindig at boses nito ay tila nagdadala ng kung anong kaba at ngiti kay Dalya. Pilit namang kinontrol ni Dalya ang kanyang sarili at ngumiti ng marahan, tumigil na rin ang panginginig ng kanyang kamay ngunit ang puso nyo ay tila nawawala pa rin hanggang ngayon.

"A-ayos lang ako, huwag mo akong intindihin" Nakangiting sabi ni Dalya at nagsimula ng kumain, tumango si Liam at nagsimula na ding kumain.

"Ang sarap ng mga pagkaing nakahain dito. Sinong nagluto?" Nakangiting tanong ni Liam, napatingin naman si Manang Agnese kay Dalya.

"Aba'y sino pa ba? Edi si Dalya" Wika ni Manang Agnese sabay ngiti, ang boses nito ay may halong pagmamalaki na ikinatuwa ng puso ni Dalya. Napangiti naman si Liam dahil doon.

"Sya nga pala! Gagamitin natin ang videoke ngayon. Maliban sa akin, sinong gustong kumanta?" Nakangiting tanong ni Manang Agnese at tinignan ang Dalaga't binata, nagtaka naman si Dalya.

"Videoke? Ano po ang bagay na iyon?" Usisa ni Dalya.

"Naku po, Dalya. Talaga bang napag-iwanan ka na ng panahon? Videoke, pwede kang kumanta doon at lalakas ang boses mo dahil sa mic" Paliwanag ni Manang Agnese, medyo nalinawan na si Dalya ngunit may katanungan pa rin sa kanyang isipan.

"Mayk? Ano naman po iyon?" Nagtatakang tanong ni Dalya, napasapo naman si Manang Agnese sa kanyang noo.

"Hindi mo rin alam? Dalya hija, saang bundok ka ba nakatira at hindi mo rin alam kung ano ang mic?" Sumasakit ang ulong tanong ni Manang Agnese, hindi naman alam ngayon ni Dalya ang kanyang sasagutin.

"Microphone, lalakas ang boses mo kapag itinapat mo 'yon sa iyong labi" Si Liam na ang sumagot para sa tanong ni Dalya, namangha naman si Dalya at bigla syang nanabik. Mabilis nyang tinapos ang kanyang kinakain at kinulit si Manang Agnese na kunin na iyon.

*****

"Ito na po ba iyon?" Namamanghang tanong ni Dalya habang pinipindot ang mga numerong bilog na nasa harapan nya ngayon, napasigaw sya sa gulat ng biglang may nagsalita nang pindutin nya ang numerong walo.

"M-may tao sa loob ng bagay na iyan?! At bakit ang lakas ng kanyang boses?!" Natatakot na tanong ni Dalya at nagtago sa likod ni Manang Agnese, nagulat si Dalya ng tumawa ito.

"Pambihira talaga ang mga tanong mo, Dalya" Natatawang sabi ni Manang Agnese at kinuha na ang mike, sya na ang unang kakanta dahil maipagmamalaki naman ang boses ng matanda.

Nagsimula na itong kumanta, kinanta nito ang Here Comes the Rain Again by Eurythmics. Hindi naunawaan ni Dalya ang mga salitang binibigkas nito, nagtataka din sya kung bakit mga salitang Ingles ang winika nito sa kanta. Hindi man nya naintindihan ngunit masasabi nya na maganda ang musika, naroon pa rin ang kanyang pagkamagha dahil tama si Liam, kapag itinapat mo ito sa iyong labi at nagsalita ay lalakas ang boses mo.

"Kay ganda po ng boses nyo" Papuri ni Dalya, napangiti naman si Manang Agnese at nagpasalamat. Ibinigay na nya ang mike kay Dalya na ikinagulat nito.

"Ano pong gagawin ko rito?" Nagtatakang tanong ni Dalya, napangiti sya bigla ng may maisip. Napatingin sya kay Liam na nakaupo sa sofa at tahimik na nakikinig sa kanila.

"M-maligayang kaarawan muli sa iyo Liam! At dahil kaarawan mo naman ngayon, maaari mo ba kaming handugan ng kanta na iyong nais?" Nakangiting hamon ni Dalya kay Liam, nagulat naman ito at maya-maya lang ay napangiti. Tumango ito at kinuha sa kamay ni Dalya ang hawak nitong mike.

Inilagay na nya ang numero ng kanta at tumugtog na ang minus one nito, pinili nyang kantahin ang tagalog na salita upang maintindihan ni Dalya. Minahal kita by Michael Laygo, napangiti si Dalya. Hindi lang ang kanyang labi ngunit ang maging ang kanyang puso, kay ganda ng boses nito.

"Minahal kita sa taglay mong pambihira..." Kanta ni Liam sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Dalya, hindi maunawaan ni Dalya kung bakit tila nais ipahiwatig nito na minahal sya ni Liam dahil sa taglay nyang pambihira. Sa pagkakataong iyon ay sabay na tumibok ng mabilis ang puso ni Dalya at Liam at pareho nitong isinisigaw ang pangalan ng isa't isa.

********************
#MemoriesOfTheSky

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon