MOTS KABANATA 27

13 4 1
                                    

[Kabanata 27 - Isa't isa]

"Ang sabi nila, iilaw daw ng kusa ang fountain na 'yan sa oras na may dalawang taong nanatili sa mismong harap ng fountain at ang puso nila ay parehong tumitibok para sa isa't isa!" Wika ng isang ale, nagulat at namangha naman ang lahat at napatingin sa dalawang tao na nasa harapan ngayon ng fountain.

"A-ano nga ulit iyon?" Tanong ni Dalya at pinunasan ang kanyang nangilid na luha dahil sa wakas ay dumating na si Liam, hindi nya ito masyadong narinig dahil lumakas ang agos ng tubig sa fountain.

"Basta, umalis na tayo dito" Saad ni Liam nang makitang nakatingin ngayon lahat ng tao sa kanila, hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni Dalya at hinatak paalis.

Habang tinatangay ang kanyang mahabang buhok at patuloy na lumalakad takbo si Dalya ay napatingin sya sa kamay nila ni Liam na magkahawak, ilang beses na silang naghawak kamay at tulad ng dati ay nagdudulot ito ng kung anong kuryenteng pakiramdam sa puso ni Dalya.

Tumigil sila sa tapat ng kotse ni Liam habang parehong hinahabol ang hininga dahil sa kanilang ginawang lakad takbo, pareho silang napasandal sa kotse. Walang distansya sa pagitan nila, hindi na alintana iyon sa kanila dahil kumportable na sila sa isa't isa.

Ipinikit ni Dalya sandali ang kanyang mga mata at nang makuntento ay muli syang dumilat, dumeretso ang kanyang tingin sa kalangitan na nababalot na ngayon ng dilim ngunit naroon ang buwan at mga bituin upang magdala ng liwanag dito.

"Napakagandang pagmasdan ngayon ang kalangitan, ito ay naging parte ng aking buhay simula pa nung una. Napakasarap din sa pakiramdam ng malamig na hangin dahil ito ay nagparamdam sa akin ng mahalagang araw ngayon" Ngiti ni Dalya at tumingin kay Liam na noo'y nakatingin din sa kalangitan at tumingin din sa kanya.

"Maligayang pasko" Bati sa kanya ni Liam, lumawak ang ngiti sa labi ni Dalya.

"Maligayang pasko din, naabutan mo ba ang misa?" Tanong ni Dalya, tumango si Liam.

"Oo, hindi man buo pero mabuti na lang at naabutan ko. Eksaktong pagtatapos ng misa ay nakita-kita, nakita kitang umiiyak. Bakit?" Napatigil si Dalya dahil sa tanong na iyon ni Liam, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso na palagi nyang nararanasan sa tuwing kasama nya ito. Umiwas sya ng tingin.

"Wala, mapuwing ako dahil kay hangin sa labas kanina" Palusot ni Dalya, napapikit sya ng mariin dahil sa kabang nararamdaman. Alam ni Liam na nagsisinungaling ito ngunit tumango na lang sya upang hindi ito kabahan, nakahinga naman ng maluwag si Dalya.

"Oo nga pala, ano ba kasi ang iyong itinuran kanina?" Maging si Dalya ay napatigil dahil naging masungit ang kanyang pananalita, tumikhim sya.

"S-sagutin mo na lamang ang aking katanungan" Ngayon ay mahinahon nang saad ni Dalya, napakurap ng dalawang beses si Liam habang nakatingin ng diretso kay Dalya. Minsan ay hindi nya din maintindihan ang Dalaga.

"Handa ka na bang malaman ang totoo?" Tanong ni Liam na nagpagulat at nagpatigil muli kay Dalya, tinignan nya si Liam ng diretso sa mga mata nito habang pilit na binabasa ang nais ipabatid nito ngunit nabigo sya.

*****

"Dalhin ko na rin kaya doon sa fountain ang aking ginoo para umilaw ulit tapos titingin sa amin lahat ng tao ng mamamangha?" Suhestyon ni Laureen, narito na sila ngayon sa bahay at kumakain ng noche buena.

Nasa salas sila ngayon at nasa lamesa ang mga pagkain, nakaupo si Dalya at Laureen sa mahabang kanape at magkatabi habang si Manang Agnese naman ay hindi na kinaya pa at maaga nang natulog sa kanyang kwarto. Si Liam naman ay nakaupo sa kabilang kanape kung saan pang isahang tao lang, nakasandal ito sa kanyang kinauupuan habang nakapandekwatrong upo. Umiinom ito ngayon ng alak sa baso at tahimik na nag iisip at nakikinig sa usapan ng kanyang kapatid at ni Dalya.

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon