Chapter 3

544 13 2
                                    

Napagitla ako nang biglang may kumatok sa pinto. I closed my eyes and sighed deeply. Agad akong napatayo para buksan ito.

"Ano po 'yon?"

"Your cousins are already here." It's Mom.

"Okay po. I'll just fix myself up."

Pagkasara ko ng pinto ay biglang lumiwanag ang mukha ko. Tumakbo ako palapit sa kama at kinuha ang phone. Binura ko 'yong sasabihin ko sana kay Mab at pinalitan iyon ng panibagong mensahe.

Mabry Perez
Today 8:19 PM

We're coming!

Sa sobrang pagkataranta ko ay natapilok ako papunta sa walk in closet. Bumangon naman agad ako at naghanap ng maisusuot. Medyo nahirapan pa ako kasi hindi dapat halatang sa galaan ang punta ko. Something nice and casual lang para hindi sila magduda. But hey, we're going to a club tapos dapat casual ang suot? Oh, my!

What should I wear, Mab?

'Yong hindi sana nila mahahalata.

May oversized jacket ka ba?

Meron.

Suotin mo

Iilalim mo 'yong outfit mo talaga

What outfit? Wala pa nga akong mahanap.

Jeans, heels, tube top

Okay, thanks!

See yoouuu!

Sinunod ko kung ano ang sinabi ni Mab sa akin. Okay naman siya, I think. This is exactly my fashion style. Naglagay din ako ng konting make-up at tinali ko into a bun ang mahaba kong buhok. Hinanda ko rin 'yong bag ko para hindi talaga sila mag-isip ng kung ano. Gosh, I just hope.

Sinuri ko pa ang sarili ko bago lumabas ng kuwarto. Habang pababa ng hagdan ay hindi ko maiwasang kabahan, especially Kuya Io and Iz are talking with my parents. I wonder kung ano na ang mga napag-usapan nila.

"Kuya Io, Kuya Iz," bati ko nang makalapit na ako sa kanila. "Mom, Dad, can I get your permission now?"

"We already gave it to Io and Iz," kaswal na sabi ni Dad habang nakapamulsa. "You only have three hours, Lu."

Napatingin ako kay Kuya Io. This is his idea for sure. Nang ibaling ko naman ang tingin ko kay Kuya Iz ay napangiti lang siya sabay kibit-balikat.

"Okay po."

"Drive slowly, Io and Iz," paalala ni Mom.

I kissed them on the cheeks as I bade my goodbye. They even gave me a smile of assurance kaya mas nakalma na ako.

"I knew it!" Napapalakpak ako nang makalabas na kami sa bahay. "Papayag sila kapag kasama kayo. Thank you for doing this, guys! The best talaga kayo!" I gave them two thumbs up while smiling widely.

"Sad girl kasi," komento ni Kuya Iz.

"Hindi kaya!" depensa ko naman.

Pinagbuksan ako ni Kuya Io ng pinto kaya agad na akong pumasok.

"Please tell me we're really going to the library," si Kuya Io nang makapasok na rin siya. He gave me a serious look through the rearview mirror. Mas lumawak naman ang ngiti ko.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon