Chapter 11

270 7 1
                                    

Inus Tansley
Today 9:45 PM

Nasaan na kayo?

Ang tagal niyo naman.

Kalmahan mo lang hahaha

Papunta na kami

Sure na? Kanina pa 'yan, eh!

Oo nga, Lu!

Galit na 'yan?

Para namang tanga hahaha

'Yong totoo kasi, Godvynus!

Nawiwili ka ata sa pangalan ko

Maling desisyon talaga na sabihin iyon sa 'yo

Hahaha

So, maling desiyon na rin na i-chat mo ako?

Gago hindi

Mas gago ka!

Lahat na lang kasi sa 'yo issue

Luh? Baka ikaw ang issue!

Basta papunta na kami

Hindi na ako nag-reply pa. Nilapag ko sa bedside table ang phone suot ang malawak na ngiti. I hummed as I fixed my clothes, cardigan and jeans, for tonight. Of course, pares ito sa boots. Napatingin din ako sa bag na nasa lapag. Yes, we're heading out again. On the mountain, most likely a campaign site.

We were supposed to do this last week, but it didn't happen due to personal reasons, so I've been looking for it for a week. It excites me to the point that I'm unable to concentrate on my studies. Kahit na gabi-gabi naman kaming lumalabas ay hindi pa rin mawala ang excitement ko tuwing magkakasama kami. Kampante na naman ako kasi malapit na matapos ang finals.

Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit, sabay higa sa kama. Oh, Inus, hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya. I simply hope it lasts until we no longer desire it. May we always find a hope to pull each other up, even in the darkest and most difficult of times.

When the door creaked, I panicked and instantly opened my eyes. Mabilis pa sa oras ang pag-ayos ko ng higa at pagtalukbong ng comforter hanggang leeg. Nang tuluyan itong bumukas ay agad akong napapikit ulit. It's unusually quiet, and my heart continues to race.

The footsteps did not go any closer to my bed. Pakiramdam ko nanatili lang ito malapit sa may pinto. Hindi ko rin mahulaan kung magulang ko ba ito o ang mga katulong lang. Nevertheless, I still need to do this. Ayokong masira na naman ang plano namin ngayong gabi.

Napabuntonghininga ako nang sumara ulit ang pinto. Bumangon ako't kinuha agad ang phone. I was going to compose a new message for Inus when I received a message from Mab and Sas.

Mabry Perez
Today 10:05 PM

Nandito na kami!

Okay. I'll be there in a minute.

Sasithorn San Jose
Today 10:05 PM

Bakla

Labas na

Oo, saglit lang!

Gusto mong pumasok pa kami?

Gago 'wag! Atat lang, bakla?

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon