"What happened to your face?" Hinawakan ko agad ang pisngi ni Inus na may pasa. He also has a cut on his lower lip and nose. "Akala ko ba hindi ka nakikipagbasag-ulo? Anong nangyari sa babae lang ang tinitira mo?"
"Lu naman. Saan mo na naman 'yan narinig?"
I shrugged. "Famous ka sa mga babae, hindi mo alam?"
"Paano naman ako magiging famous sa kanila?"
"Malandi ka, eh." Inalis ko ang kamay ko sa pisngi niya't umiwas ng tingin.
"I didn't even know them!"
"Sus!" I rolled my eyes before going out of the car. Naglakad ako papunta sa kabilang side at agad binuksan ang pinto. "I'll drive."
Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo bago kusang lumabas at tahimik na pumunta sa kabilang side. Napangiti na lang ako't pumasok na kasunod niya. We fastened our seatbelts before I started the engine.
"How did you learn to drive?" basag ni Inus sa katahimikan.
"From my cousins. Kaya lang hindi pa ako pinapagamit ng sasakyan dahil hindi pa raw ako legal—"
"Ano? Stop the car, Lu. I'll drive." Naramdaman kong napaayos siya ng upo kaya mabilis ko siyang binigyan ng tingin.
"They wouldn't know. Besides, it's late night. I doubt there will be any police officers inspecting."
"Not at all, Lu. Itigil mo na lang."
"I'll be eighteen soon. Kusa ka namang pumayag, eh."
"I forgot about it for a moment."
I groaned. "Malapit na naman ata tayo. Just this once, Inus."
"Stop the car, Lu."
I ragely stepped on the brake. Muntik na kaming mauntog sa may dashboard. Narinig ko naman agad ang mura niya pero tinarayan ko lang siya bago ko inalis ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Nagkasalubong kami sa may likod kaya tinarayan ko lang ulit siya. Padabog kong sinara ang pinto na siyang ikinagulat niya dahil napamura na naman siya. I put on the seatbelt once again and crossed my arms against my chest.
Ang arte! Wala namang makakaalam! At hindi ba't ako dapat ang magsabi ng 'stop the car'? Ganoon ang nangyayari sa mga napapanood at nababasa ko, eh. When the couple is arguing in their car, the girl will say it to avoid the burning heat of the situation. Pero bakit parang baliktad yata ang nangyayari sa amin ngayon? Nakakainis! Ang babaw niya talaga masyado!
"I heard from Mab."
Lumiko agad ang mga mata ko sa kanya. Sakto namang nakatingin pala siya sa akin kaya bahagya kaming nagkatitigan. Umiwas agad ako.
"About what?"
"About your... scandal."
"Anong scandal?" I scoffed. "Paano naman naging scandal ko 'yon kung hindi naman ako 'yong nasa photos at video? Pati ba naman ikaw ay naniniwala roon?" Agad akong nanlumo pero hindi ko iyon pinahalata. Instead na sa harap dapat ako nakatingin, sa may side ng bintana na lang ako tumingin. I even rested my head on the headrest.
"Hindi ko sinabi na naniniwala ako. May tiwala ako sa 'yo. Besides, I know you. It's easy for me to tell if it's you, but it's not," seryoso niyang sabi. "Kaya huwag mong lunurin ang sarili mo sa mga ganyang bagay. They'll push you even harder because of the evidence they have, but I want you to just laugh at it. Prove to them that you are not guilty of anything. Ngumiti ka lang at lumaban ayon sa maayos na paraan. This will be over before you know it."
It's just a simple piece of advice that I usually wanna hear since I know it already. There's nothing special in it. Pero bakit kapag si Inus na ang nagsasabi, palaging may ibang laman? It's also unusual for him to say such things. Puro lang siya mga biro at kulit palagi kaya hindi ko maiwasang magulat kapag lumalabas ang ganitong side niya.
BINABASA MO ANG
The Embers of Hope
Любовные романыA couple with an illness: one who cries for help to be free from the inner demons, and the other fights for a chance of survival, embarking on a separate life journey against their everlasting love. Regardless of the hardships they continue to face...