Chapter 8

316 6 2
                                    

"Hoy!"

Mabilis akong napatingin kay Mab. I blinked several times before sighing. Binaba ko ang dalawa kong kamay na kanina pa pala nakasuporta sa baba ko. Hindi ko na rin binalik ang tingin ko sa may binatana at sinimulan na lang ayusin ang mga gamit ko.

"Kanina ka pa tulala. May hinihintay ka ba?" dagdag pa ni Mab bago itinapat ang upuan sa harap ko. "Isang himala yata na hindi ka nakinig sa klase ngayon. Hindi ka rin nakasagot sa recitations."

I smiled faintly as I continued fixing my things. "I'm just not in the mood. Maybe because of..." Natigilan ako. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa sakit ko at pagpunta ko sa ospital para sa treatment. "Never mind. Ang bilis ko lang kasing mapagod lately."

"Para namang tanga! Ikaw mawawala sa mood sa pag-aaral? Huwag nga ako, Lu."

"It's true. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palaging magana ako sa pag-aaral. You just don't notice at times that it annoys me too to the point that I got tired of it." I stood up and walked straightly to the door.

"Akala mo lang din hindi ko pansin." Nakasabay naman agad siya sa paglalakad ko. "Hindi naman pag-aaral ang palagi mong major issue sa buhay, eh. It's your family."

"Mab, it's—"

Inakbayan niya ako. Halos same height lang kami kaya hindi iyon naging mahirap sa kanya. "Alam ko!" When I looked at her, she's smiling widely again. "Halos parehas lang tayo ng issue, 'no! Huwag mong dibdibin ang mga ganyang bagay. Dapat happy lang."

It's not like that, Mab.

Hindi ako umimik. Binalik ko na lang din sa harapan ang tingin ko.

Iba ang energy na palaging dala ni Mab that it always cheers me up, lalo na ang iba-iba niyang chika at ganap sa buhay. I don't know why I find it attractive and fun to see Mab talk. Iyong tipong magiging interesado ka rin kaya tutok ka sa pakikinig. Palagi kasing may buhay ang way ng pag-kuwento niya. Iyon bang feel mo talaga ang bawat emotion, stresses at tono ng mga salita, na binagayan ng hand gestures.

Pero kapag malungkot naman si Mab, dama mo rin iyon at talaga namang mahahawa ka. You see, Mab is the mood setter. She's also one of my happy pills. She is constantly present at every moment of my life, ready to listen, encourage, and support me throughout the process. Hindi siya nawawala sa tuwing kailangan ko siya, pero ako... nasaan ako nang kailangan niya ako?

I know I tried, but she doesn't talk much about her personal problems, which I want to be part of. Ayoko namang pangunahan siya kasi ni minsan ay hindi pa kami nag-aaway. Iyong malalang away na aabutin ng isang araw o higit pa, hindi lang dahil sa asaran. I don't want to give her any reasons for that — deep reasons to be exact. Baka parehas namin iyong ikawasak.

"Hindi ka na naman nakikinig!" Binitawan niya ako at tiningnan ng masama na siyang tinawanan ko lang.

"I'm sorry. Hindi ko naman kilala 'yang mga kinukuwento mo."

"Kahit na! Ano, ayaw mo na sa tsismis ko?"

"Sino bang aayaw sa detailed tsismis mo na parang ikaw 'yong nasa sitwasyon o kaya palaging nakaka-witness?"

"Compliment ba 'yan? Matutuwa na ba ako?" She rolled her eyes.

"Oo." I stopped from walking when we reached the parking area. "Sige na. Mamaya na lang ulit, Mab."

"Ewan ko sa 'yo!" Tinalikuran niya na agad ako. "Hindi na ako magkukuwento ulit sa 'yo! Napakapangit mong ka-bonding!"

Napahalakhak ako at napailing na lang. I was about to open the car door when she called me.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon