Chapter 23

124 5 3
                                    

"Did you know that in my dream, we had the best happy ending?"

Inus' voice is so calm that it soothes my broken heart for years. Unang tingin ng mga mata, unang haplos ng mga kamay, unang akap ng mga puso, at unang halik ng mga labi sa loob ng mahigit apat na taon. Everything feels like a fresh start for better times together. In an instant, the four years of torture became a distant memory na kailan man ay hindi na mababalikan. Isang salita niya lang, ako'y tuluyang gumagaling dahil sa wakas ay nawakasan na ang paghihintay ko sa pagbabalik niya.

Is this real? Am I really talking to Inus?

"Really?" Kahit ang boses ko ngayon ay kalmado na rin, wala nang bakas ng takot at pag-aalala. I played with our hands, my head leaning against his shoulder. Pinatong ko rin ang isang paa ko sa paa niya.

"Yes, love. Akala ko nga totoo na. It was so vivid, eh. Do you want to know about it?" Napangiti ako sa mararahang haplos niya sa buhok ko.

"Sure." Tiningala ko siya. "Kiss mo muna ako." He grinned. I pouted and closed my eyes. Naramdaman ko naman agad ang lambot ng mga labi niya sa akin. Oh God, I miss him so bad it hurts. Ito 'yong sakit na hinding-hindi ko magagawang pakawalan.

Nang buksan ko ang mga mata ko, sinalubong ulit ako ng mga malalalim na tingin niya na nagpapahiwatig ng napakaraming emosyon. Through his eyes, I feel as if I can see his burning heart. Damang-dama ko ang buong pagkatao niya na para bang parte na rin ito ng buong buhay ko.

"Hindi ko alam bakit adik na adik ako sa 'yo, Inus. I keep weighing every reason I can think of, but it's never enough. I love you because you are you."

"Alam ko, Lu. We're both the same."

I cupped his cheek and reclaimed his lips. It was so brief that I didn't notice the tears I was shedding. Hinayaan ko na si Inus lang ang magpunas 'non. Wala rin siyang sinabi dahil alam kong nagpipigil lang din siya. Alam ko kung gaano siya kasaya ngayon na bumabalik ang lahat ng sakit ng pinagdaanan namin ng magkahiwalay ang landas.

"As I was saying, it was a happy dream. Our loved ones are there, supporting us. Pagkatapos nating makasal, biniyayaan tayo ng kambal. Babae at lalaki."

"That's what I want! Pero okay lang din naman sa akin na kahit sino at ilan. Kaya kong iluwal 'yon."

He chuckled. "Two is enough, Lu. But yeah, we can always plan for it. At alam mo bang sa sobrang saya natin, dumating ako sa puntong nagduda na ako. Sabi ko, parang hindi na yata ito kapani-paniwala."

"At bakit naman? Ayaw mo 'non? Free of any problems?" Unlike what we've suffered in reality.

"No, of course I would love that. It's just so... I don't know. I can't tell the exact word." Bumuntonghininga siya. "Sobrang gaan sa pakiramdam. Parang ayoko nang umalis doon. It's hypnotizing."

"I know the feeling. Sumingit ka rin kaya sa panaginip ko. I mean, sa nightmare! Halos hindi mo na ako pinapatulog ng maayos araw-araw. Bumalik lahat ng stress ko sa 'yo pero kakaiba pa rin 'yong saya na idinulot sa akin." Habang tumatagal ang pagsasalita ko ay paiba-iba ito ng tono ayon sa kung ano man ang naramdaman ko sa mga panaginip ko.

Hindi niya magawang makapagsalita.

"Ah, kaya pala palagi kang nagkaka-seizure, 'no? Ano, nasasarapan ka sa panaginip mo?" Hinampas ko naman agad siya sa tiyan niya. Napadaing siya kasabay ng pag-react ng katawan niya sa ginawa ko. "Ang unfair, ha?"

No, it's not. In fact, this brought me more reassurance. Ayokong bigyan o magkaroon si Inus ng ideyang magkakasakitan na naman kami in the end. Hindi ko iyon kakayanin dahil alam kong kapag nasaktan siya ng sobra at naabot niya na ang limit niya, kahit na anong gawin ko, hindi na siya babalik pa sa akin. Pero ako, hindi. No matter what happens, I will always, always return to him. Kahit na gaano pa kalala ang mga nangyayari, hindi ako bibitaw kapag alam kong nangingibabaw palagi ang pagmamahal ko sa kanya.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon