Chapter 29

146 10 6
                                    

It's been a week, and I still can't seem to grasp what just happened to us. Sa tuwing gigising ako, pakiramdam ko palaging may kulang sa buhay at pagkatao ko. I tried contacting Inus numerous times but ended up stalking his profile. Gusto ko ring bumisita sa kanila pero kapag nandoon na ako ay pagmamasdan ko lang ang bahay nila hanggang sa magsawa ako't magpatuloy lang sa pagmamaneho. I even wonder if he's also doing the same thing? Miss niya na rin ba ako? Hinahanap-hanap niya pa rin ba ako?

Napahampas ako sa manibela at napasigaw dahil sa frustration. Later on, nag-unahan na naman ang mga luha ko sa pagbagsak. I closed my eyes and leaned back against my seat. Our shared memories flashed back like a never-ending loop.

"I should move on as fast as possible..." I tried to encourage myself. "Walang magbabago kung palagi lang akong ganito." I wiped away my tears and bit my lower lip. "Alam kong masaya na siya... masaya na rin naman ako..."

This is how it is everyday. My mind and heart are constantly in conflict after checking in on him and reminiscing about our times together. Hindi ko alam kung alin ba ang dapat kong sundin pero as long as alam kong wala nang kami, uuwi't uuwi akong mag-isa.

I always drive to get away and clear my mind, but at the end of the day, it's not enough. I kept on longing for him. I'm constantly reeling from various questions and realizations. Pero sino ba naman ako para bumalik pa? Ako ang nakipaghiwalay kaya, so I should face this head on hanggang sa makaya ko na. Alam kong kaya ko. Kakayanin ko. Para sa sarili ko.

"Ngayon na lang ulit kita nakita..." panimula ni Mab nang magkita kami sa kasal ni Elio.

Kung sino pang pinakabata sa magkakaibigan ay siya pa pala ang mauunang magpakasal. He's madly in love with my cousin. Ang dami rin nilang pinagdaanan. Who would've thought that I would attend our friend's wedding without experiencing my own wedding, which I always look forward to?

"Oo nga, eh," tanging nasabi ko. To relieve the tension and awkwardness, I sipped my wine. Ngayon na lang ulit kami nagkausap after ilang years simula nang magkaroon kami ng matinding away. It was in college, so it was the toughest time of my life. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Kumusta ka? Nabalitaan ko nga pala 'yong sainyo ni Inus. Gusto sana kitang puntahan pero..."

I can feel her stares in my peripheral vision, but I can't bring myself to look at her.

"It's fine. I'm fine. Everything's fine now... I guess."

Isang taon na rin ang nakalipas. I'm glad I was able to complete my therapy with Dr. Israel. Hindi naging madali because I've lost some of my real memories as well, pero bumalik din naman.

"Mabuti naman kung ganoon."

Ni minsan ay hindi dumapo sa isip ko na darating kami sa ganitong punto. We're best friends. Halos alam na namin ang lahat ng tungkol sa isa't isa. Then, all of a sudden, everything fell apart due to a scandal. Hindi ako makapaniwalang ako agad ang pagsususpetsiyahan niya. I thought our friendship is more than that. Pero sa tingin ko, ang purpose ko lang ata sa kanila ay... taking all the blame.

"Ikaw? How are you?" I sipped on my wine once more. Parang gusto kong lunukin lahat ng boses ko. Kahit na alam kong sa sarili ko na napatawad ko na rin siya ay hindi ko yata inasahang makakapag-usap pa kami. I just thought that we just knew each other now, with no ties or anything. Pero kung maibabalik pa namin ang pagkakaibigan namin, I still believe we can do it.

"Sino bang hindi dumaan sa hirap bago naging masaya? Heto ako ngayon, magkakapamilya na rin. Ninang at maid of honor ka, ah?"

Dala ng gulat ko ay napatingin ako sa kanya. Tinawanan niya naman agad ako. She's still the Mab I know, but something about her has changed. She is now more composed and calm. Pumayat din siya kaya lalong pumorma ang katawan at mukha niya. Para bang ang taas na rin ng estado niya sa buhay. I always believe she deserves the best in life and that she is more than worthy of anything.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon