Chapter 24

133 6 0
                                    

Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya. Napansin ko rin sa peripheral vision ko na humarap siya sa akin. Kumabog ang dibdib ko.

"Gayunpaman, gusto ko pa ring humingi ng tawad, Lu. I want you to acknowledge my mistakes, and not place too much blame on yourself. This would never have happened if it hadn't been for us. I'm truly sorry, Lu."

I didn't say anything.

"Matagal ko nang gustong gawin ito pero pasensiya na't pinangungunahan pa rin ako ng takot. Takot na baka mas lumala pa ang lahat at mas masira ka pa namin."

"Don't... please," I said as I closed my eyes. "I told you, hindi lang ikaw ang may kasalanan at matagal ko na kayong pinatawad."

"Paano ka? I need to do this to lighten the burden and reasons you've clung to for so long. It's time to let go, Lu."

"Ken." Hinarap ko siya. "It's not that easy to let it all go. It's easy for me to forgive, but it takes time to forget and just move on." For some strange reason, my heart began to hurt again.

"You didn't realize it but... we're just protecting you and Inus. Akala niyo masigla ang relasyon niyo pero, Lu, marami ang nakakapansin kung gaano kayo napipilitan sa isa't isa. It's more like an obligation rather than love and sincerity."

Nandilim agad ang paningin ko nang marinig ko iyon. "Huwag mong sabihin iyan." I clenched both of my fists to control myself. "Wala kang alam sa kung ano ang nararamdaman namin kaya huwag mo ulit pangunahan at diktahan ang relasyon namin." I gritted my teeth in secret, tears slowly forming in my eyes.

"I'm just saying, Lu. Paano ka gagaling kung nakadikit ka pa rin kay Inus hanggang ngayon?"

"You're telling me that Inus is the one who's making me weak?"

"Hindi, Lu. Ang akin lang ay unahin mo naman ang sarili mo ngayon."

"I warned you not to poison my mind again!" Nagulat siya sa biglaang paglakas ng boses ko. "Wala kang alam! So, stop saying bullshit things to me! I don't need any of those! Kayo ang sumisira sa akin, hindi si Inus!"

"Lu..." Sinubukan niyang lumapit sa akin pero napatili at napaatras agad ako. It made him stopped and stiffened.

Bigla akong nahilo. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para mas matingnan ng mabuti kung ano na ba ang nasa harap ko ngayon. It's Ken. But with every blink of my eyes, his expression shifts from worried and shocked to angry and evil grin. Minsan ay nakikita kong lumalapit siya para alalayan ako pero kalaunan ay nakikita ko kung para saan ang kamay niya.

"Lu, calm down."

"This is all your fault! Hindi mo deserve si Inus! Hindi ka na dapat dumating pa sa buhay namin! Gulo lang ang dala mo! Tangina ka! Dapat ka nang mamatay! You only deserve to rot in hell!"

"Stay away from me!" Sunod-sunod ang pagluha ko. Napahawak ako sa ulo ko't sinubukang patigilin ang papalakas na sakit. Ringing in my ears enveloped me, followed by voices I'd never heard before. Wala silang ibang ibinubulong sa akin kundi ang mamatay ako at magdusa.

"Lu!"

Pagtingin ko ulit sa harap ko ay nasakal na ako ni Ken. Napahawak ako sa kamay niya para alisin iyon pero pahigpit lang ito nang pahigpit.

"K-Ken..." I couldn't breathe.

Pagpikit ko, panibagong luha ang rumagasa. Nalipat din sa dibdib ko ang kamay ko dahil tuluyan itong naninikip. Pakiramdam ko bumabalik na naman ako sa madilim kong mundo, but in just a snap, all the screaming demons inside me suddenly went into silence.

"Lu, anong nangyayari sa 'yo?" Napatitig ako kay Ken. I motioned with my hand to keep him at bay and walked out of the rooftop without saying anything.

Muntik pa akong matapilok dahil sa panginginig ng mga paa ko, maging ng mga kamay ko. Sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko at hindi ko na naman alam kung paano ito kontrolin. Nang buksan ko ang pinto, umikot na naman ang paningin ko, dahilan ng pagkakamali ko ng apak. I just realized that I was rolling down the stairs before everything fades into darkness.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon