"Ang romantiko ng tinginan niyo kanina pa," dagdag pa ni Elio.
I had no idea someone was watching us — or maybe just me — and he is Inus' close friend. Well, I consider him a friend as well, but we're not close enough to have a one-on-one talk about anything personal.
Ito yata nag kauna-unahang pinansin ako ni Elio kahit na sinusubukan ko naman siyang kausapin kapag kasama namin ang iba. Makuwento naman siyang tao pero kapag kausap mo na siya ay napakatipid ng salita niya kaya much better na maghintay ka na lang na siya mismo ang kumausap sa 'yo. Though masiyahin naman siyang tao gaya ni Inus pero may kakaiba pa rin sa ugali niya na hindi ko makuha-kuha.
"Well..." I cleared my throat before looking away to avoid his curious look that makes me wanna tell him everything. Wala akong choice kundi gamiting excuse ang pagkuha ko ng pagkain. "Iba yata ang pagkakaintindi mo. I mean, I'm just enjoying the song. Ang kalmado kasi at ngayon lang ako... uhm... nakaranas ng ganito." Napapikit ako ng mariin. Hinarap ko siyang muli. "Just..."
"Okay, okay." Napatawa siya at napapamulsa sa bulsa ng shorts niya. "I'm sorry I put you in an awkward situation. I... I should've never ask that question. Sorry."
I didn't know what to say.
"Sige, balik na ako 'don." Turo niya sa may campfire gamit ang kamay niyang may hawak na bote ng beer.
Napangiti ako kaya ganoon din siya. Nang talikuran niya ako ay ako naman ang hindi makaiwas na magtanong.
"Why... why did you ask, by the way?" I took steps forward. Glad to see that he immediately turned his back to me again.
"Napansin ko lang na..." He looked through my eyes. "Ah, wala. Wala."
I sighed disappointedly. "Elio, tell me."
Unti-unti siyang mas lumapit sa akin. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin bukod sa pagtanong niya 'non. Malakas ang kutob ko kaya mas lalo akong naintriga.
"Advice ko lang... hindi sana dumating sa punto na may masisira dahil sainyo." He tapped my shoulder, making it a signal that something will happen tonight.
Kumunot agad ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? I already–"
"Lu!"
Agad inalis ni Elio ang kamay niya sa balikat ko nang marinig namin ang boses ni Inus na papalapit sa puwesto namin. Saglit pa kaming nagkatinginan na para bang nag-uusap pa rin hanggang sa tumabi sa amin si Inus.
"Inus." I gave him a smile.
"Sige, iwan ko na kayo." Itinaas ni Elio ang bote ng beer sa amin bago ito tinungga.
I didn't want to stop my conversation with Elio yet, so I remained gazing at him even after he sat in his chair and began chatting with others. Ayan na naman iyong tawa niya na parang wala siyang nasabing masama sa akin. It's simply a piece of advise from a friend, but my instincts tell me differently.
"Anong pinag-usapan niyo?"
"It's nothing." Nanatili ang tingin ko kay Elio.
"Okay. Did you like the song?"
Nalipat agad ang tingin ko kay Inus nang harangan niya ang tinitingnan ko. So, I had no choice but to look at him too.
"Uh, yes. It's a... uhm... it's a soothing song."
"Binago ko lang naman ang tono. Alam mo ba kung tungkol saan ang kanta?"
I blinked. Mula sa mga mata niya ay nalipat ang tingin ko pababa sa mga labi niyang nakangiti. Masyado iyong nakakahawa kaya kahit na nawala na ako sa mood ay nagawa ko pa ring ipakita sa kanya na nag-e-enjoy ako.
BINABASA MO ANG
The Embers of Hope
RomanceA couple with an illness: one who cries for help to be free from the inner demons, and the other fights for a chance of survival, embarking on a separate life journey against their everlasting love. Regardless of the hardships they continue to face...