Chapter 2

619 15 4
                                    

I'm in my first year of college and studying for Bachelor of Science in Nursing. I honestly have no idea why I chose this path. What I only know is that...

Maybe because I used to see a lot of nursing students and registered nurse who were always clean, cautious, and professional. Baka nadala ako sa hanga ng pagdala nila sa uniporme at pag-aalaga sa mga pasyente kaya gusto ko ring ipakita sa kanila na kaya ko rin iyang gawin.

Puwede ring naimpluwensiyahan lang ako ni Mab since I'm so close to her to the point na ayaw na naming mapaghiwalay pa. Pitong taon na rin kaming magkaibigan kaya masyado nang nasanay. And guess what? Madiriin kaming tao. Medyo takot din sa dugo si Mab, buti na lang ako hindi naman. So, tell me, how are we supposed to survive the whole four years? Naka-survive naman sa first sem, pero paano sa mga susunod?

Naisip ko rin na baka gusto kong makuha ang atensyon ng mga magulang ko. Their job is business-related, which is draining, so I want to take care of them.

That's just it. I tried to look for another reasons, something deeper to which I can connect to. I'd like to tell myself that I'm doing this for myself, that I'm just having fun with it. Pero hindi, eh. It's for something else. It's for proving my capabilities and knowledge to others, not for my own benefit.

"Anong nangyari sa 'yo last week? Bigla kang nawala't ngayon lang ulit nakapasok," salubong agad sa akin ni Mab pagkapasok ko sa room. Sinundan niya ako hanggang sa upuan ko, hinihintay ang magiging sagot ko.

I stared at her, pondering if I should tell her about it.

"I needed to go home and... rest," tanging nasabi ko.

"Anyare? Share naman." Umupo siya sa katabi ko. "Pero bakit ang putla mo?"

"Ngayon ka pa nagtaka," marahan akong napatawa. "Eh, palagi mo ngang sinasabi sa akin na maputla ako."

"Gaga, iba ang dating ng putla mo ngayon. Parang mas pumutla pa lalo."

Akala ko kukulitin niya na naman ako, buti na lang dumating na ang instructor namin para sa unang subject ngayong araw. Kahit nang mag-lunch time na ay hindi ko pa rin nasabi kay Mab 'yong tungkol last week, maybe not now. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin. And the paleness she noticed earlier is probably the effect of the therapy and medication the past week. Mab is a keen observer, so soon enough, she'll notice what's wrong with me.

"You're going out tonight, right?" tanong ko kay Mab habang nag-aayos na kami ng mga gamit para makauwi na. Kakatapos lang kasi ng last subject namin for today.

"Tinatanong pa ba 'yan? Alam mo namang every friday ang labas namin."

Napatingin ako sa kanya. "Can I join you?"

Napatigil siya bigla at dahan-dahang napatingin sa akin.

"Tama ba ang rinig ko?" Her eyes narrowed.

I merely nodded and chuckled. It took her a minute to properly comprehend what I had just said.

"Pakshet!" Her hands flew up to cover her mouth. Kalaunan ay tuwang-tuwa siyang napatayo. "Totoo na ba talaga 'yan? Hindi prank?"

I nodded again. Tumayo na rin ako matapos masukbit ang bag sa balikat ko.

"Magpapaalam ako. I'll try to use Kuya Io and Iz to cover me."

"Sa wakas! Lalabas na si Elu Gonora sa comfort zone niya! Tara, tara, tara!"

Hinila niya na ako palabas ng room. 'Yong lawak ng ngiti niya hindi na maalis sa mga labi niya. It's kind of OA, but yeah, sino ba naman ang hindi magugulat kapag isang araw bigla na lang pumayag sa gala 'yong taong hindi nakakalabas ng bahay? This is only the first time. I just hope that it goes well. Ito na rin siguro ang simula sa pagbibigay kulay sa mga nilista kong gusto kong gawin.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon