Time flies by so fast when you're so happy that you're always looking forward to how you're going to spend the day with your favorite person. Kahit na wala naman kayong ibang ginagawa kung hindi ang mag-usap lang tungkol sa mga bagay-bagay ay namamalayan niyo na lang na natatapos na naman pala ang araw. For me, that was the sweetest thing a couple could do to get closer, and that's what Inus and I do all the time while I'm still in the hospital.
"Kailan 'to?" Holding his phone while lying on the bed with Inus' arm as my pillow, I zoomed in on his topless mirror selfie. Napahagikhik ako.
"Hmm, I don't know. Mas napadalas ako sa gym simula nang maospital ka. Magpapapawis muna ako bago ka bisitahin dito." Hinalikan niya ang ulo ko bago ako hinawakan sa baywang. Patuloy niya ring isinisiksik ang sarili niya sa akin. I can even feel his manhood against my back, pero hindi na lang ako nagre-react. Mas gusto ko pa itong nakikita ko sa phone niya, tamang laway lang na parang hindi ko pa nahahawakan in person. "Ano ba 'yan, Lu. Wala atang picture ko na hindi mo z-in-oom, kahit na pagkain lang, papel, o daan."
"Eh, ikaw ang kumuha, eh. Ang gaganda, puwede ka na maging photographer." I swiped next and zoomed in on it again.
"Iniinsulto mo na naman ako. Wala ngang kaangle-angle ang mga kuha ko."
"Anong wala? Totoo kasi, Inus." Tumawa ako. "Ayaw mo ba maging photographer? Tapos ako lang ang model mo?"
"Hindi na dapat iyan pinag-iisipan pa. Magpapatayo na agad ako ng studio na may pangalan mo. Saan mo gusto?"
"Sira ka talaga!" Tumagilid ako para mayakap din siya, hindi pa rin binibitawan ang phone. Sinandal ko rin ang paa ko sa may legs niya.
"Puwede ring katabi lang siya ng clinic mo kapag naging doctor ka na."
"Ang taas naman ng pangarap mo. Nursing student palang nga ako. Ang dami ko pang pagdadaanan."
"Walang mataas na pangarap sa pursigidong tao. Besides, I'll be there for you through the ups and downs. We'll always find a way to uplift ourselves while fulfilling our life goals."
"Weh? Sure ka na niyan sa 'kin?"
Kiniliti niya agad ako kaya nabitawan ko na 'yong phone niya. "Bakit ikaw hindi?"
"Gago ka! Tumigil ka nga!" Napahalakhak ako. Para na akong uod na binudburan ng asin dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagkiliti sa akin habang kinukulong niya ako sa mga braso niya. Ang hirap tuloy gumalaw! "Ang suero ko, Inus! Pag ito dinugo na naman, magpapalit na naman! Ikaw tusukin ko riyan, eh!"
"Ayaw mong ako ang tumusok sa 'yo?"
Sinapak ko agad siya. "Pasmado na naman 'yang bibig mo!"
Ganito kami palagi. Maya't maya lambing at asaran. Hindi na nahiya sa mga taong pumapasok dito. Pinipigilan naman namin, lalo na kapag nandiyan ang parents ko, pero nagiging natural na kasi ang dating. Wala na kaming magagawa pa roon. Tanggap na rin naman nila si Inus kahit na anong mangyari, which seems to be a miracle.
"Bibisita raw ulit 'yong mga ugok." He's pertaining to Elio and Kenneth. Nakailang punta rin sila rito sa loob ng isang buwan pero ang madalas talaga ay si Mab tapos itong ugok din na ito ay halos gawin niya nang bahay dito. Pano ba naman, dito uuwi after class tapos umaga na uuwi sa kanila para naman makapaghanda sa panibagong klase, then the cycle goes on. Kapag weekend naman ay buong araw talaga siyang nandito, puwera na lang kung may gusto siyang gawin o asikasuhin, gaya ng pag-gym niya. I know, mas priority niya pa ata 'yon kaysa sa 'kin. Kidding! Mas marami pa rin ang oras niya sa akin kaysa sa ibang bagay.
"Kailan? Baka kasi pauwiin na rin ako ng doktor within this week." I pouted my lips and he immediately gave it a swift kiss. "Isa pa." Sinunod niya naman. "Isa pa." At sinunod niya ulit suot ang isang ngisi.
BINABASA MO ANG
The Embers of Hope
RomanceA couple with an illness: one who cries for help to be free from the inner demons, and the other fights for a chance of survival, embarking on a separate life journey against their everlasting love. Regardless of the hardships they continue to face...