Chapter 13

224 7 8
                                    

Ang plano ay uuwi agad kami kinabukasan ng gabi pero na-extend pa ito into two days and two nights. So, I needed to call my cousins to cover up for me again.

"I'm at a camping site." I bit my bottom lip.

"Kailan pa? Tita Eleanor and Tito Cailan are worried sick. Umuwi ka na." 

Yup, todo mando na naman sa akin si Kuya Io.

"Just give me two more days. Kayo na bahala magpalusot sa parents ko. Please? I'll... I'll treat you something nice pag-uwi ko. Kahit magkano pa."

"Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa amin, Lu? Get your fucking ass back here. Right now."

"Bahala kayo. Nakikiusap na ako pero fine, kung ayaw niyo, eh 'di huwag. Pasensiya na kung masyadong makapal ang mukha ng maganda niyong pinsan."

"Yuck, Lu! Kilabutan ka nga! Hindi mo na kami madadaan diyan!" Narinig kong sigaw ni Kuya Iz sa kabilang linya. 

My eyes immediately rolled. "Shut up, Iz!"

"Ano? Iz? Aba!"

"Bye!"

I was about to end the call when Kuya Io spoke again.

"End the call and I will forever shut you out for good."

Hindi ako nakaimik. Pinili ko na lang makinig sa mga sermon at paalala nila sa akin. I'm just nodding my head and agreeing in sarcasm. Naku, kung kaharap ko lang talaga sila ay napatay ko na sila sa tingin ko.

"Or you want us to go there?"

"What? No!" This is the only time I responded aggressively again. Ano, sisirain na naman nila ang moment ko? "Listen, Kuya Io. I'm okay. I'm with the kind and caring people right now. I'm safe here. You don't need to come here. I've taken note of everything you've said to me, and I vow to do it. So please, please, please, stop nagging. My ears are hurting."

"Kung nagpaalam ka lang ng maayos, wala sanang problema."

"I couldn't, alright? I'm sure they'll decline right away."

"Pero pinilit mo pa rin ang sarili mo na sumama sa kanila."

"Because I want to experience this too!"

"You're selfish. We'll just pick you up on your last day. Send me the address."

"Kuya Io naman!"

"This ends here. Are we clear?"

I groaned. "Fine!"

Kung gaano kabilis natapos ang tawag ay ganoon din kabilis natapos ang camping namin. I expected my relationship with Inus to grow stronger and deeper after this. I mean, akala ko magle-level up din kahit papaano pero mukhang mas lumalayo pa yata.

He's okay. Madaldal at palatawa pa rin siya pero kapag tungkol na sa akin o kapag ako na ang sumusubok na kumausap sa kanya ay nagiging mailap siya. Ang titipid na ng mga sagot niya. It's as if he doesn't want to talk to me or wants to finish the conversation quickly and just move on. Nainis din siya one time nang pinilit nila siyang kunan kami ng picture.

"Dali na kasi, Inus. Parang picture lang."

"Oo nga. Ang aarte niyo, gusto niyo naman."

"Sige na, boy. Pagbigyan mo na. Okay lang naman sa 'yo, Lu, 'di ba?"

"Oo naman." Ngumiti ako at tumingin kay Inus.

"Oh, gusto naman pala. Gora na!" Pinilit kaming ipaglapit ni Sas pero...

"I said no once. Kailangan pang ulitin?" Matapos iwaglit ni Inus ang kamay ni Sas na nakahawak sa kanya ay tinalikuran niya kami, gulat at hindi makapaniwala sa inasal niya.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon