Chapter 9

287 7 3
                                    

"Ahhh, si Inus pala ang dahilan!"

Namilog ang mga mata ko. Muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko. Pinunasan ko naman agad ang baba ko gamit ang likod ng kaliwang kamay ko bago nilapag pabalik sa mesa ang baso. I raked my hands through my hair and gave Mab a look.

"Gosh! Can you lower your voice, Mab? Lalo na't may pangalan kang binanggit," dahan-dahan ngunit mariin kong sabi kay Mab.

"Sus, hindi naman nila 'yan kilala. Ang daming In — oo na!" She rolled her eyes and laughed. "Landian lang? Wala pang progress or label? O baka naman friends with benefits 'yan, Lu?"

"Oh, my Gosh, Mab! How could you think of that? Kilala mo naman ako. Mabilis akong ma-fall kaya pili lang din ang mga ini-entertain ko. Papatol ba ako kapag napansin kong may ibang habol?"

"Sure ka pinipili mo talaga? Bakit napaglalaruan at naloloko ka pa rin?"

Natameme ako roon.

"Hindi mo naman agad mapapansin kung may ibang habol ang lalaki sa 'yo kapag napalabas mo ang tunay na ugali. Iyang sainyo, naku, first starters palang 'yan. Huwag kang masyadong umasa dahil lahat ng lalaki ngayon ay hindi na lang basta pagmamahal ang habol."

"Teka lang naman, Mab. Masyado mong siniseryoso. I'm just sharing."

"Pero kilig na kilig ka na kahit na confusing ang ugali niya?" She stood up and picked another glass of alcohol. "Huwag ako, Lu. Alam na alam ko na 'yan. Ang akin lang... ingatan mo ang peace of mind at love of heart mo."

"Patapusin mo muna kasi ako—"

"Baklaaa!"

Sabay kaming lumingon ni Mab sa tiling nangibabaw sa tugtog. Napangiti na lang ako nang makita si Sas na papalapit na sa amin. Tumayo ako para salubungin at batiin siya. When I was about to grab his hand, Mab shoved me away. Ay, attitude?

"Akes pretty!"

"Gaga, linya ko 'yan!"

I made a face sa kaharap kong mga gaga. "Aba close na close?"

"Baklaaa!" tili ulit ni Sas bago ako niyakap at bigyan ng halik. "Pano kasi, itong si Ate Girl—"

"Wow, Ate Girl?" singit naman ni Mab.

"Yes! Chinat ko tapos ayorn, tumpak ang ugali namin! Perfect!"

Unti-unting naglaho ang malawak na ngiti ko nang makita si Inus na palapit na rin sa puwesto namin. Kumalas na kami ni Sas sa yakap pero nanatili ang tingin ko kay Inus. He's wearing a white polo shirt tucked in the gray pants and a slip on shoes. Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang brown jacket at sa kaliwang kamay naman ang phone. Nang madako ang tingin niya sa akin ay saktong binasa niya ang mga labi niya gamit ang dila niya. Tila bumagal yata ang mundo ko nang bigla siyang ngumiti habang ako ay hindi pa rin makakibo at makaimik mula sa kinatatayuan ko.

"Inus!"

My brows furrowed and I immediately closed the small gap of my mouth. I looked at Mab and she gave me a meaningful look before greeting Inus and the other two guys he's with. Meanwhile, I think my spirit left my body. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko! Hindi naman kasi ako na-informed na isa pala si Inus sa mga kasama ni Sas ngayon. So, kilala na pala ni Sas si Inus? Oh, right. The photo. Hindi naman siya magsi-send basta-basta ng picture na hindi niya kilala.

I bit my bottom lip. Bahagya akong lumapit sa may mesa. I took a quick shot of black label whiskey. Muntik ko pa iyong matapon nang mapansin ko sa peripheral vision si Inus na nakatingin sa akin. Napatakip agad ako ng bibig pagkalapag ko ng baso sa mesa. Akala ko nga ay mababasag ko ang baso dahil sa biglang panginginig ng kamay ko.

The Embers of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon