The Truth Untold

20 0 0
                                    

Habang palayo ako sa babaeng pinaka-mamahal ko ay para akong pinagsasakluban ng langit at lupa.

Ang gago mo, Caden! Ang gago gago mo!

Nangako ako sa sarili kong kailan man ay hindi ko siya sasaktan ngunit nandito ako ngayon, binali na naman ang pangakong iyon sa hindi na mabilang pang pagkakataon.

'"Caden," diretsong sabi niya sa aking mga mata.

Hinintay ko siyang lumapit sa akin ngunit nanatili siyang nasa pintuan ng aking silid. Bumuntong hininga ako bago ngumiti ng sobrang tamis, "Happy 2nd Anniversary, mahal ko!"

Napatayo ako sa aking higaan, natatakot at naguguluhang nagtanong dahil parang may mali, "Mahal, bakit?" ilang sandali pa ang nagdaan ngunit seryoso lamang siyang nakatingin sa akin, walang emosyon ang mababatid. "Mahal may problema ba?"

Agad akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit dahil baka bigla na naman siyang tumakbo paalis sa akin. "Hmm, ano iyon mahal? Pag-usapan natin ng maayos."

Ilang minuto pa ang nagdaan ngunit katahimikan lamang ang namayani kaya naman ay akma ko na siyang haharapin ng biglang gumuho ang aking mundo sa sunod niyang sinabi, "Ayoko na, pagod na pagod na ako.. Maghiwalay na tayo."

Bago pa man ako makabawi ay nailayo niya na ang kaniyang sarili sa akin.

"Sayang ang isang taong pagpapanggap mo, Caden. Sayang ang panahon na inilaan nating muli para sa isa't isa.. Pero alam mo kung ano ang mas sayang? Sayang ang pangalawang pagkakataon na ibinigay ko sa'yo."

Bawat binitawan niyang salita ay dumurog lalo sa aking puso, ano ba ang sinasabi mo mahal ko? Hindi kita maintindihan.

"Mahal," masuyong sabi ko habang sinusubukan kong lumapit muli sa kaniya.

"Huwag mo akong lapitan. Nakakadiri ka, niloko niyo ako! Niloloko niyo lang pala ako!" galit at sobrang nasasaktan na pahayag niya habang walang tigil ang pagbuhos ng kaniyang mga luhang kanina pa nagbabadya.

Naabot ko siyang muli at mas binigyan siya ng mahigpit na yakap,"Mahal ko, ano ba ang sinasabi mo? Mahal na mahal kita, kailan man hindi kita niloko at hinding-hindi kita lolokohin."

Hinayaan ko siyang suntukin ako hanggang sa maubos ang kaniyang mga lakas at pareho na kaming napaupo sa sahig.

"Ang sakit sakit, Caden!" ayoko siyang nakikitang umiyak pero ano na naman ang ginawa ko, sinaktan ko ulit ang babaeng sobrang mahal ko. "Bakit kailangang maulit lahat, sa parehong araw pa, bakit?"

Naguguluhan ma'y mas pinili ko pa rin ang makinig sa kaniya, "Sabi mo m-mahal mo ako Caden, pero bakit mo ako kailangang s-saktan ng ganito?"

Iniharap ko ang kaniyang mukha sa akin at pinilit siyang tignan ako sa mata, "Mahal ko, sabihin mo sa akin kung anong gumugulo sa'yo, ipapaliwanag ko, hmm? Huwag kang umiyak sige na, mahal na mahal kita, sabihin mo na sa akin."

Marahas niyang tinanggal ang aking mga kamay sa kaniyang mukha at umiling, "Hanggang kailan mo ba kayang mag-panggap at lokohin ako, Caden?"

"Hindi, wala akong ginagawang masama," at dinala ko siyang muli sa aking mga bisig habang marahan siyang inaalo. "Sabihin mo, Solhera. Aayusin natin ito, hindi ko na hahayaan pang mawala ka sa'kin ulit."

"Tama na, Caden! Huwag mo na akong paniwalain pa sa mga kasinungalingan mo." hirap na hirap niyang sabi.

Suminghap ako dahil hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya, kailan man ay hindi ko kayang mag-sinungaling sa kaniya!

Parted WaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora