CHAPTER FOURTY

20 5 0
                                    

"Grabe sobrang bigatin na ni Asher at Aruzel!" narinig ko sa kung saan.

"Hindi naman na nakapagtataka 'yon, pareho naman silang matalino at maiimpluwensiya ang mga pamilya."

"Sabagay, pero ang swerte talaga nila. Akalain mo sa edad nilang 'yon ang taas at ganda na ng estado nila sa buhay."

"Dadating din ang oras natin pare, hintay lang tayo."

"Oo nga- Pare! Ayan na sila! Sa sobrang hanga ko sa kanila konti nalang hihingi na ako ng autograph."

Hindi ko na kinaya at naglakad nalang ako palayo habang nakangiti ng mapait.

Tama, ang layo na nga talaga ng narating nila.. niya.

"Pare, long time no see!" bati ni George at sinundan din ng ibang mga kasama pa niya.

"Oo nga mga pare, kumusta na kayo?"

"Eto may anak na rin." sabay tawa ngiti niya ng malaki. "Balita ko ang lakas ng negosyo mo sa Maynila ah?"

"Ayos naman, kayo kumusta saan kayo mga nagtatrabaho?"

"Nagbakasyon lang din ako, uuwi rin ako ng States after ilang linggo." nakita kong napatingin siya sa likod ko. "Pare, uh.. alis muna ako nand'yan na kasi sila ano-"

"Sige, pare."

Ilang beses kong hiniling na makita siya, ngunit ngayong may pagkakataon na? Hindi, hindi ko yata kakayanin.

Hindi lang isa, dalawa o bababa pa sa lima ang nagawa kong pagbuntong-hininga.

Naglakad ako ng walang patutunguhan hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili na naka-tayo malapit sa isang sasakyan ngunit tama lamang upang ako'y hindi makita ng kung sino man.

Look, I just swallowed my words and thoughts again.

Nakita ko siya, ang lapit lapit niya ngunit ang layo na namin sa isa't isa.

Gustong gusto ko siyang hagkan, kahit iyon lang.

Kung sana...

Tatlong taon simula nang huli ko siyang makita, halos lahat nagbago na sa kaniya.

Ibang-iba na siya kumpara sa dating Solhera na akin pa.

Napapikit nalang ako dahil ang hirap tanggapin, ang hirap tanggapin na lahat ay nagbago na. Ngunit ang pinaka-masakit? Ang makita ang ngiti niya habang hawak na siya ng iba.

Kitang-kita sa mga mata niya kanina kung gaano siya kasaya.. Bagay na hindi ko nakita noong kami pa.

"George, this is my wife." said by Asher.

My heart ripped hearing what he just said. Gusto ko nalang tanggalin ang tenga ko para hindi nalang narinig ang susunod na pag-usapan nila at kahit makita lang siya..

That should serve as my cue to leave but the urge to stay and eavesdrop more won.

"Aru, paanong nangyari?" tanong pabalik ni George na halatang naguguluhan.

Paano nga ba nangyari?

Silence filled them, and when I was about to walk away, she spoke.

"You know George, time changes everything. We all know that change is the only permanent thing in this world, right? So yes, change made us to be together."

That voice. Her voice. I missed it. But it hurts so much hearing her voice while she's saying those words. It's like a sharp knife that keeps on stabbing my chest over and over again.

Parted WaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora