CHAPTER TWO

61 5 0
                                    

"Class dismissed, see you tomorrow." sabay alis ng aming guro na si Ma'am Lopez.

"Tara na, Asher!" rinig ng buong klase na sigaw ni George.

Maya-maya lang ay may rumampa patungo sa kanila.

"Saan kayo pupunta? Hmmm. Ang dami nating requirements, sige kung ayaw niyong gumawa hindi kayo aabot ng Grade 10." nananakot na banta ng aming class president.

Medyo hectic nga talaga ang schedule namin ngayon, maraming requirements dahil malapit nanaman ang end of school year.

Napatitig ako kay Caden, ang amo-amo talaga ng mukha niya. Ano kayang pakiramdam mahawakan ang mga pisngi niya? I want to touch him. His hooded eyes, thick brows and eyelashes, pointed nose, perfect jaw and oh, the lips!

I'm in the middle of daydreaming when I heard my name for how many times.

"Aruzel" from a soft voice.

"Aru"

"Zel"

"Aruze-"

"What do you want?" I shouted just enough for the people around us can hear.

"Sungit mo naman, papatulong lang sana ako eh." he answered like a scared little boy.

"At bakit sa akin? Wala akong pakialam kung hindi ka umalis ng Grade 9 ano!" I said not being affected by his face.

"Sige na, may pustahan kasi kami ng dota ngayon. Promise babawi ako sa'yo!" he said smiling widely. "Kahit iyong kailangan lang ipasa bukas ang gawin mo. Ilalakad kita kay Cad-" tinakpan ko nga ang bibig ng walanghiya! Siya na nga ang may pabor balak pa akong ilaglag.

"This is your last favor from me." I glared at him. "You're not a keeper of your words."

Isang araw kasi kwinento ko kay Farah na parang may crush ako kay Caden, I mean what's not to like about him? He's just too perfect in my eyes. At hindi lang ako, halos kalahati yata ng babae rito sa school. Narining pala ni Asher! Pulang-pula ako noon habang siya ay tumatawa. Nangako naman siya na 'di niya sasabihin eh! Pero tuwing nagkakagipitan na, ginagamit niya iyon! Walanghiya talaga siya.

He left with a smirk on his lips and then winked at me.

"Aru, ba't mo na naman sinigawan iyon?" lumapit si Farah.

"Lagi akong bina-blackmail eh! Lagi niyang ginagamit iyong narinig niya sa atin." I covered my face with my palm.

She just laughed and invited me to go to cafeteria.

"Let's just go to the garden after, doon nalang natin gawin lahat." she said while we are eating.

Naiwan ang kamay ko na may hawak na sandwich sa ere noong nakita ko ang pumasok, Caden with his friends. Litaw na litaw talaga ang kagwapuhan niya, oo gwapo silang magkakaibigan pero iba talaga ang aura niya. There are 4 boys and 3 girls in their group.

"Aruzel!" sigaw kung saan. Napatalon ako at muntik nang mahulog ang pagkain ko.

Napabaling ako sa aking kaliwa at nakita ko si Kara, na patay na patay kay Asher! Napatampal na lamang ako sa aking noo.

"Kanina pa kita hinahanap, ano na naman ang pinagawa sa'yo ni Asher?" tanong niya na puno ng kuryusidad.

"Uh yung requirement sa Englis-" she cut me off.

"Ako nalang ang gagawa!" she giggled and excitedly said.

"Oh okay, here." inabot ko sakanya with full smile iyong mga materials na gagamitin para sana sa visual aid na gagawin ko para kay Asher. Buti nalang wala na akong problema. I felt relieved kasi una, hindi na'ko maistress, iyong akin nalang ang gagawin at marami na akong time mamaya para tumunganga.

She gladly accepted it too and walked away from us.

"Hay salamat!" I said after exhaling.

"Lagot ka! Baka lalo kang iblackmail." I just shrugged with Farah's conclusion.

Bumalik kami sa room para kunin ang mga materials na gagamitin namin para sa kaniya-kaniya naming requirements.

"Fara-" lumingon ako sa banda niya ngunit hindi ko inakala na iba ang mukhang sasalubong sa akin.

Hindi nako magkamayaw, nagsilaglagan na ang mga ballpen ko. Bye Pilot! Pero ayos lang, hindi naman mababayaran ng kahit anong bagay ang sandaling ito.

Nilagay ko ang takas na mga buhok sa likod ng aking tenga bago tumikhim.

"Oh Caden." I tried not to sound excited but it didn't worked.

"Pwede ba akong humingi ng tulong?" sabay lagay ng palad niya sa kaniyang batok.

"Sure, ano ba iyon?" I smiled a bit.

"Pwede mo ba akong tulungan dito sa Geometry?" he shyly asked.

"Ay iyon lang pala, hehe. Kaso doon kami sa garden gagawa eh, ngayon mo na ba kailangan?"

"Sige sasama ako." sabay balik sa kaniyang upuan para kunin ang kaniyang mga gamit.

Ang bilis ng oras. Ganoon siguro tuwing masaya tayo ano? Salungat sa kagustuhan natin. Sabagay, hindi naman natin hawak ang panahon. Kahit anong oras, maaaring may magbago at may matapos.

Mabilis natapos ang aming interaksyon ni Caden ngayong araw, not that we interact everyday though.

It's already 5:30 PM at papalubog na rin ang araw ngunit wala pa iyong sundo ko.

I received a text message shortly.

Dad: Anak, hindi kita masusundo ngayon. Nandito ako sa office dahil may emergency. Sorry, go home safely. I love you.

Aruzel: Yes dad, take care. I love you too.

Paano ba ito? Maglakad nalang kaya ako. Wala na kasing tricycle sa mga oras na ito eh.

"Aruzel? Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong niya sabay linga sa paligid namin. "You don't have your car?"

"Wala eh, may emergency daw si Dad. Maghihintay nalang ako ng dadaa-"

"Wala nang papasada ng ganitong oras, sabay nalang tayo." wow, Calien Aden inviting me to join him? I'm so lucky today.

I nodded. Tahimik akong pumasok at umupo sa kanilang sasakyan. Walang nagsalita sa amin. Nang malapit na kami sa aming bahay ay binasag niya na ang katahimikan.

"Thank you for today, Solhera" he said looking at me.

I know I'm red like a tomato now so I just nodded and get out of his car. I waved my hand as I watched their car vanish from my sight.

I don't know how he knew about my home, and I don't know why he called me Solhera! People know that I don't wanted to be called by my first name! Lumilipad na ang aking isip, basta ang alam ko lang sobrang saya ko ngayong araw.

Dear Diary,

I'm so happy today. Caden noticed me! He even brought me home and called me by my first name. Nawala lahat ng stress ko sa buhay!

- Solhera.

Parted WaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora