CHAPTER FOUR

36 4 0
                                    

Change is really constant. Mabilis ang naging takbo ng oras, isang buwan na lang at recognition na.

The past few weeks was tough. Nag-focus kaming lahat sa mga requirements na pinatapos sa amin. Caden remained unbothered about me kahit kung anu-anong pagpapapansin na ang ginawa ko. Everyday ko paring sinusulat sa diary ko lahat ng kaganapan ko sa buhay pero it's like 90:10, 90 for my Caden things and 10 for my daily life.

"Aru." alalang sabi ni Farah habang umuupo sa tapat kong upuan dito sa garden.

May usapan kaming dalawa na dito magkita bago pumasok sa room kasi nga wala na rin naman kaming regular classes.

"Oh ba't ngayon ka lang?" with my brows shot up.

"Nakasalubong ko kasi si Ma'am Esguerra, hindi raw.. ano," suminghap muna siya bago niya itinuloy, "Hindi raw naging maganda 'yung naging resulta ng mga pinasa mong requirements sa subject niya." Then she smiled sympathetically, "Baka raw bumagsak ka sa rank list kasi ganoon ka rin daw sa ibang subjects." huling sinabi niya bago yumuko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi nga malabong mangyari iyon dahil alam ko sa sarili kong hindi ko nga ginawa ang lahat ng makakaya ko. Ginawa ko lang ang mga iyon ng tig-iisang oras. Kulang-kulang ang mga content, hindi maganda ang pag kaka-construct. Alam ko rin syempre kung ano ang dahilan. I was too pre-occupied by Caden, I wasted my time thinking what stung to pull next para lamang mapansin niya ako. Wala namang naging improvement sa pagitan naming dalawa, ngayon grades ko ang magsusuffer.

You're so stupid, Aruzel!

"Ano nalang ang sasabihin nila Mom at Dad." tanging nasabi ko sabay tulo ng luha ko.

Their expectations for me was so high, kaya hindi ko kayang bumagsak. Hindi ako pwedeng bumagsak.

I ran without saying any words leaving my best friend behind. I'm sorry, Farrah. I know this is what you want me to do.

I knocked on the faculty room three times before I finally opened the door. I let out a big sigh before heading to Ma'am Esguerra's table.

"Good morning, Ma'am." ngumiti ako ng bahagya. "Ma'am hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Nakwento po kasi sa akin ni Farah, wala na po ba akong ibang magagawa tungkol doon?" sabi ko ng walang pag-aalinlangan.

"Aruzel, I know you are one of the best students here. Pero lately, nakikita ka raw ng ibang teachers na palaging tulala. Ito ba ang dahilan mo? Patapos na ang klase ngunit bakit naging ganito ang performance mo? What's bothering you, hmm, you can share it if you want."

"Ma'am I have uh.. well, very personal reason po." I said without looking into her eyes, I can't just say that it is all about a boy! Hell no!

"Yes, yes I understand but I'm sorry. It would be unfair if I will give you another chance. Once is enough, keep that in mind Ms. Abiera. Whatever you do, consider all the consequences that may come." she said with finality.

I nodded as a sign of defeat.

"Thank you for the time, ma'am." I smiled a bit and turned my back.

"Bumawi ka nalang next school year, I'm very sorry." Hindi na ako lumingon pa at nagsimula na akong maglakad.

Wala na, hindi ko na maibabalik yung mga oras na nasayang. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay magpatuloy at sumabay nalang sa agos ng panahon. Time runs, you can't stop, pause or rewind it. All we can only do is that don't let time pass by without doing the very best that you can.

Wala sa sarili akong naglakad patungo sa room namin. Para akong lumulutang habang naglalakad, ang sakit lang isipin na sinayang ko iyong oras ko sa isang bagay na wala naman palang kasiguraduhan.

Pagkarating ko sa aking upuan agad akong nilapitan ni Farah at niyakap.

"I'm always here, you can tell me everything." she whispered softly.

I hugged her back.

"Farah, keep this thing between us okay?" ayaw ko munang may makaalam.

"Of course." she said while tapping my back.

Nagulat kami pareho ng may umubo sa likod namin, nakaharang pala si Farah sa daanan kaya kung sino mang bruhang 'yon ang umubo, hindi nalang umikot. Nakitang nagmomoment kami eh.

I turned my back from where the cough came from.

I first saw his cold eyes.

"Excuse me, you two are blocking my way." he said in a very formal tone.

Farah stepped back to let this annoying man have his way to his seat.

Hindi pa siya nakakaupo ay may sumunod na sa kaniya.

"Asher, did you saw my message?" mababatid mo ang sobrang kasiyahan sa kaniyang boses.

"Yes." he answered in a low soft tone.

Sus, mukhang si Kara naman ngayon ang biktima niya.

Ma'am Lopez arrived.

"Good morning class." she greeted and shifted to her seat.

"Today, we'll be playing. Gusto ko lang na mag-enjoy kayo kasama ang mga kaklase niyo kasi malay natin baka magkahiwa-hiwalay na pala kayo next year, hindi ba?" they all cheered with that.

We gathered all our seats at the back and started sitting on the floor.

"I want you to get yourselves a pen and bond paper."

We ran at the back and started to get our stuffs.

"Here, I have my tape. I want you to tape the paper at your back."

"Aru, come on!" Farah cheered me.

Tumalikod nalang ako para malagyan niya ng papel ang likod ko kahit na sa totoo lang ay wala akong interes maglaro ngayon.

Dahil hindi ako makausap ni Farah, nagpalagay nalang din siya ng papel sa katabi niya.

"Okay here's the game. Bawal kayong tumingin sa likod niyo. Pero, pwede kayong maglakad kung kanino niyo gustong pumunta basta strictly, don't look at your back. Ang gamit ng papel at panulat ay para makapag-iwan kayo ng message sa sino mang gusto niyo. Walang hiya-hiya. Pwede niyong isulat doon lahat basta no foul words. I will trace you once you do. Sa mga may hidden feelings diyan, this is your time to shine." sabay tawang sabi ni ma'am. "Okay you can start now!"

Ang saya ng mga kaklase ko pero kahit gustuhin ko mang sumabay sa kanila, hindi ko kaya ngayon. Ayaw ko ngang sumulat manlang kay Caden eh, no not now.

I felt a hand on my wrist, stopping me from moving. It sent shivers down to my spine. Who the hell is this?

Ang gaan ng kamay ng sumusulat sa likod ko pero hindi manlang nagbitaw ng kahit isang salita.

"Hi Aru! I'll write ha?" I don't know who is this too.

Umalis na pala iyong nagsulat kanina, sino kaya iyon?

This person behind me tapped my shoulder as a sign na tapos na siya. I just nodded.

After a couple of minutes Ma'am Lopez spoke.

"Okay, okay, okay!" she said while clapping. "Time's up!" some growled some just laughed.

"Sana hindi niyo sinayang ang pagkakataon na binigay ko sa inyo." it hit me real bad. Hindi lang tungkol dito sa larong ito, kundi sa bagay na prinoproblema ko.

"Okay na, tignan niyo na ang mga nakasulat sa papel ninyo!" ma'am excitedly announced.

Si Farah lang ang nasulatan ko, sayang. I'm not really good at using the given chance wisely.

I started to read the paper that was on my back.

Napako ang tingin ko sa isang pamilyar na sulat.

'I'm sorry -A'

Oh my God, is this for real?

Parted WaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora