#KMSDPPainfulChildhood

2.6K 47 6
                                    

Gabriel's Point Of View

Nakakatawa talagang asarin yung si Miracle. Haha! pero i'm super shocked when I found out na Kuya niya si Daniel Padilla.

"Gab, musta tol?" tanong saakin ng kaibigan kong si Stanley.

"Ayos lang, Stan." nakangiti kong sagot sakanya.

Nways, I'm Gabriel Caleb Knight. Same age as Miracle.

"Lawak ng ngiti natin ha?" tanong naman ng isang kaibigan ko na si Kaiser.

"Haha! dahil ba yan dun sa girl na sinasabi mo?" tanong saakin ng isa ko pang kaibigan na si Gino.

"Congrats pare! binata kana!" natatawang sabi ni Stan.

"Tigilan mo ako Stanley Santiago!" sigaw ko sakanya sabay bato ng crumpled paper.

"Tol, sino ba kasi yon? pakilala mo naman kami." isa pa tong lokong to eh.

"Isa ka pa Kaiser Chent Ford! tigilan niyo ako! kayong tatlo!" oh yeah. Mga baliw yang mga kaibigan ko.

Kaiser is Faith's cousin.

"Ako Gab. Di mo babanggitin name?" pang-aasar saakin ni Gino sabay tawa nila. Hilig ko na kasi sila tawagin full name.

"Gino Dixon. Ayos kana?" tanong ko sakanya.

"Ayos na." sagot niya chaka pa nagthumbs up.

Nandito kami ngayon sa bahay. Just chillin. Nakakainip nadin eh.

Kit's Point Of View

Mukhang badtrip talaga si Ate Iya dahil kay Kuya Gab. Haha! napagalitan yata siya kagabi kay Kuya DJ eh.

Ngayon, kausap siya ni Kuya Jc. Nalagot na. Nakapila pa nga sina Kuya Kats, Kuya Seth at Kuya Lester eh.

Ang hirap pala magkaroon ng napakaraming Kuya. Tsk.

"Kit, are you okay there?" tanong saakin ni Kuya DJ. Ewan ko ba kung bakit nandito siya. Mamaya pa yata work niya.

"I'm fine Kuya." sagot ko. Pero gusto ko pumunta kina Mama. Miss ko na din kasi sila eh.

"Ahm. Kuya, can I visit Mama and Kaycee?" tanong ko kay Kuya na nakaupo sa tabi ko.

"Why?" kunot noo niyang tanong saakin.

"I miss them so much. So, can I?" tanong ko ulit sakanya. Miss ko na din mga cupcakes ni Mama.

"Are we not enough?" naguluhan naman ako sa tanong ni Kuya DJ saakin.

"Huh?" tanong ko sakanya.

"Kit, are we not enough for you? hanggang kailan ba kami makikihati sakanila?" I get his point.

I know nahihirapan na din sila. Nahihirapan din naman ako. Its hard to pretend na tanggap mo na lahat. At my very young age, kailangan ko na iabsorb lahat ng nangyayare sa buhay ko.

"Kuya, please understand me. Its hard for me to accept it ng ganun ka dali. Kinakaya ko naman eh. Sinusubukan ko. Pero hindi niyo maaalis saakin na hanapin ko parin ang mga taong nagpalaki saakin." sagot ko sakanya.

Daniel's Point Of View

I understand Kit's situation. Alam ko nahihirapan din siya. Pero paano niya kami tuluyang matatanggap kung panay parin siya dun kina Tita Madel?

"Please, Kuya?" pagmamakaawa niya saakin. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Fine. But Jc will fetch you later. Okay?"

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon