Gabriel's Point Of View
"Fafa Gab, nasaan si Peyt Miracle?" Tanong sa akin ni Andy pagkakita pa lang niya sa akin. Grabe na nga siya kung makakapit.
"Bitawan mo nga ako. Chaka hindi ko alam kung nasaan siya." Sagot ko. Ilang araw na rin ang nakalilipas mula nung kasal nina Kuya DJ at Ate Kath. Balik nanaman sa normal na buhay. Kaya eto, nag-aaral ako. Baka kasi simula na ng busy schedules namin next week.
"Kanina pa namin hinahanap yun ha! MIA ang bruha." Sabi naman ni Seanah. Nandito pala silang lahat. Yun lang ba ang ipinunta nila dito sa building ko?
"Ano pa ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila. Oo, gusto ko na talaga silang umalis. Para kasing linta si Andy kung makakapit sa akin. Nakatingin na yung mga ibang estudyante saamin. Jusko! Malaking turn off 'to sa mga babae.
"Actually, boy hunting lang talaga eh. Osiya, babush na Fafa Gab! Labyu." Aakma pa siyang hahalikan ako sa pisngi nang iharang ko ang kamao ko sa tapat ng mukha niya. Ngumiti na lang siya sa akin chaka nagflying kiss. Tinaboy ko naman yung flying kiss niya.
Umalis na sila sa wakas kaya payapa na ang buhay ko. May bigla namang tumabi sa akin.
"Drake?" Paniniguro ko. Ano namang kailangan nito sa akin? Ngayon lang ako nilapitan nito ha? Kaklase ko 'to sa iilang subjects ko kaya kilala ko siya. But we never talked.
"Have you seen Faith, bro?" Tanong niya sa akin. Seriously? Tanungan ba ako ng nawawalang Faith? Chaka, bakit naman niya hinahanap ang Cle-cle ko?
"Ano bang kailangan mo sa kanya, pre?" Tanong ko. Tinapik naman niya ako sa balikat.
"Aakyat lang ng ligaw." Sabi niya. Nagkulo naman ang dugo ko. Hindi ba niya alam kung sino ang kausap niya ngayon? Fiancé lang naman ng gusto niyang ligawan. Kung sapakin ko kaya 'to?
"Hindi pare eh. Sorry ha?" Sabi ko chaka na siya iniwan. Nasaan na ba kasi yung siopao na tinubuan ng mukha na may dimples na si Faith na yun? Ang daming naghahanap sa kanya ha?
I tried to call her pero yung babaeng boses palaka lang ang sumasagot. Wala naman akong paki sa sinasabi niya. Hays!
Nasaan na si Cle-cle? Dapat kanina pa siya nandito sa university dahil sa pagkakaalam ko ay may klase pa siya. Napalunok naman ako at nagsimula ng kabahan.
Nasaan na yung mukhang siopao na yun?
I already called her how many times pero walang sumasagot sa phone niya. Puro lang ring okaya sasagot yung lintik na babae. Aish! Dahil maaga akong nakarating dito sa university para sana mag-aral, nilibot ko na lang ang buong university. Nagpunta na ako sa iba't ibang buildings pero wala pa rin siya. Naikot ko na ang buong building nila kaso wala daw siya.
I tried to call Tita Karla and Tito Rommel pero pareho daw silang busy sabi ng secretaries nila. Nagpapanic na ako. Sa sobrang pag-aalala ko ay nagpunta na ako ng parking lot chaka nagdrive papunta ng condo unit niya. Hindi ko kasi siya nabisita kaninang umaga dahil nagmamadali ako.
I enter her code.
1026
Her birthday.
"Panget?" Tawag ko. Wala namang sumagot kaya hinalughog ko ang buong unit niya. Pagbukas ko ng kwarto niya, there I saw her. Balot na balot siya ng comforter niya. At mukhang natutulog pa.
"Hoy panget, bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?" Tanong ko sa kanya chaka naupo sa edge ng kama niya. Narinig ko naman siyang umungol.
"G-gab....." Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. Anong drama nanaman ba ang trip ng babaeng 'to?
"Cle, may klase ka pa diba?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at maya-maya ay nanginginig na siya. Naalarma naman ako.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Genç KurguYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014