#KMSDPRoadTrip

2.2K 31 7
                                    

Faith's Point Of View

Maaga akong nagising kahit late na ako nakatulog kagabi. Nagrush ako magready ng gamit ko. At hindi din ako makatulog dahil excited din ako. Nag mani-pedi pa ako kagabi. Oo, pinush ko talaga yun. Hahaha! Aruba blue ang color. Ilavet!

"Iya! Bumangon kana dyan! Halika na!" Katok ni Kuya DJ. Ready na ako. Kanina pa. Nag suot lang ako ng pants, longsleeve na kulay yellow at vans. Dinala ko din yung shades ko. Kinuha ko na sa bed yung backpack ko chaka yung isang pang bag na naglalaman ng gadgets ko.

Madilim pa. Hindi ko nakita kagabi sina Mommy. Hindi yata umuwi. Hindi ko naman alam kung bakit. This past few days, nawiweirduhan na ako sakanila ha. Si Mommy, Daddy at Kit. What's with them? Si Kit parating wala dito sa bahay. Same goes with Mom and Dad. Tapos, yung narinig ko na pinag-uusapan nina Daddy at Tito Robin hindi ko pa malaman kung ano yun.

But, for the meantime, hindi ko muna iisipin yun. Mageenjoy muna ako. Baka kapag nalaman ko yun, hindi na ako makangiti. Kasi, sigurado naman ako na ikalulungkot ko yun eh. Syempre, kaagad namang sasabihin saakin ni Daddy yun kung ikakasaya ko naman.

"Huwag ka nga sumimangot Iya. Ang pangit mo na nga, mas lalo ka pang pumapangit." Biglang sulpot ni Kuya DJ sa harapan ko.

"Bwiset!!" Singhal ko sakanya chaka siya nilampasan. Nakakainis yun. Palibhasa birthday kaya lakas mangasar. Teka .... Ano ba konek nun? Psh! Ewan!

Sumakay na ako dun sa van na sasakyan namin. Ready na pala lahat. May mga pagkain na sa likod. Mga picnic basket, blankets at marami pa. Aba! Balaka lang yata nilang mag picnic dyan sa may picnic ground eh.

Dumating na din sina Kuya Kyle at Kaiser. Hanggang sa kumpleto na kami. Sunakay na silang lahat at katabi ko naman si kaiser ngayon. Nandito ako sa sulok katabi ng bintana. Nasa right side ko si Kaiser.

Nagumpisa na magdrive si Kuya Seth.

"Hoy mga kumag, liwasan tayo ha!" Sabi niya tumango nalang yung ibang lalake.

"First destination, Pinatubo!" Sabi ni Kuya DJ kaya dun kami papunta. Lumiliwanag na din.

Ang iingay nila sa van. Kanta lang sila ng kanta. May dala kasi silang gitara chaka beatbox eh. Kanina pa rin nakaplay yung video cam. Hahahaha! Ang sayaaaaa!

Pero, napapaisip parin ako eh. About dun sa nangyayare kina Mommy. Bakit kase naalala ko pa yung pinag-uusapan nina Daddy. Hindi tuloy ako makapag enjoy ng todo.

"Ang lalim ng iniisip natin ha?" Tanong ni Kaiser saakin. Aasarin nanaman ako nito eh. Mukha palang niya nakakaasar na!

"Wala." Sabi ko nalang chaka nakisali kina Kuya Kats na magkanta. Kakantahin naman namin yung Sing by Ed Sheeran.

"Okay. Ganito yan, ako mag sisimula at bahala na kayo kung sino susunod ha?" Sabi ni Kuya Kats kaya tumango nalang kami. Bat kasi hindi nalang sabay sabay para masaya?

It's late in the evening
Glass on the side
I've been sat with you
For most of the night
Ignoring everybody here
We wish they would disappear
So maybe we could get down now

Pagsisismula ni Kuya Kats.

I don't wanna know
If you're getting ahead of the program
I want you to be mine, lady
To hold your body close
Take another step into the no-man's land
For the longest time lady

Sinundan naman ni Kuya JC. Si Kuya Kats yung naggiguitar together with Kuya Kyle. Si kuya Lester naman dun sa beatbox.

I need you darling
Come on set the tone
If you feel you're falling
Won't you let me know

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon