Iya's Point Of View
"KYAAAAAH WALANGHIYA KA GABRIEL CALEB!!" Sigaw ko. Hinila kasi niya yung paa ko. Ang sarap pa ng tulog ko.
"Bumangon ka na kasi dyan! Aba! Tanghali na!" Sabi niya at natatawa pa. Nakataas na kasi yung kamay ko at nakaangat na yung damit ko. Hinila ako pababa eh.
"HALA?! Tanghali na?" Tanong ko sakanya. May klase kami ngayon eh.
"HOY ABNORMAL! Bakit ngayon mo lang ako ginising? May klase pa tayo!" Sabi ko sa kanya chaka tuloy tuloy na nagpunta sa banyo.
"MONGOLOID! One week po tayong walang pasok. May seminar yung mga prof natin sa Tagaytay. Hindi ka kasi nakikinig sa mga announcement. Tsk." Sinamaan ko siya ng tingin.
"What?" Maang-maanagan niyang tanong saakin.
"BWISET KA ABNORMAL!! BAKIT HINDI MO KAAGAD SINABI SAAKIN?! ABNORMAL NA UNGGOY!" Sigaw ko sakanya habang hinahampas nung towel ko.
"Aray ko --- Jusko naman-- OUCH! Tama na!" Daing niya. Paikot-ikot na kami dito sa kwarto. Naghahabulan pa kami. Umaapak na rin kami sa kama.
Busy kami naghahampasan nang biglang tumakbo papasok si Kuya DJ dito sa kwarto ko. Hawak niya yung phone niya.
"IYAAA!! Ngayon na Clan war natin! Nuba!" Sabi niya. Hawak niya yung phone niya sa left hand niya habang may hawak siyang Cheetos sa right hand niya. Yung malaking Cheetos.
"Kuya, para ka namang ewan kung makareact. Tsk. Kaya mo na yan mag-isa!" Sabi ko. Ehem! Ang pamilyang adik sa coc. Sorna....
"Pahingi akong level 5 wiz chaka dragon level 3." Sabi niya. Naparoll eyes na lang ako.
"Geh Kuya! Ako bahala sayo. Madamot yang si Iya. Tss. Leader panaman." Binatukan ko nga si Gab. Langya eh.
"Pwede mamaya na lang? Hindi naman nagmamadali yan." Sabi ko. Tumango naman si kuya. Nagsabay na sila palabas ng kwarto ko.
"Hoy! Bigyan mo rin akong reinforcement troops. Ha?" Narinig ko pang sabi ni Kuya. Tsk. Weak kasi kanya eh. Th 8 pa lang. Th 10 na ako.
**
"Langya tong kalaban ko. Ang weak. Tsk." Sabi ni Kuya DJ. Nandito kaming lahat sa salas. Naglalaro lang. Medyo nakakaboring pala na nasa bahay lang. Buong araw nakaharap sa phone or kung anumang gadgets. Wala rin kasing work sina Kuya. Kaya tambay kami sa bahay ngayon."Nice one!" Sabi naman ni Gab. Nanalo siya. Syempre ako rin! Aba! Kami na ang adik sa coc.
"Nga pala, the day after tomorrow na ang wedding, Kuya. Is everything settle?" Tanong ko kay Kuya DJ. Nandito kaming lahat sa salas. Nakaharap sa phone namin.
"Yes. Ayos na lahat. Hinihintay na lang namin ang araw ng kasal." Sagot niya. Tumango-tango naman ako.
I'm so excited. Finally, ikakasal na rin sila. They've been together since ... Who knows when? Hahaha!
"YOOOOW!!" Bigla namang may dumating na unggoy -- este-- si Kaiser pala yun. Kasama niya si Kuya Kyle at Ate Kylie.
"Yow Kaiser!" Bati ni Gab sakanya. Nagfist bump sila at ganun din kay Kuya Kyle. Nagbeso naman sila ni Ate Ninang. Tumayo ako chaka hinalikan sila sa pisngi. Pwera kay Kaiser. Ewww.
"Hoy! Paano ako?" Tanong ni Kaiser saakin. Nagbelat ako chaka na naupo ulit. Pinaggitnaan nila ako ni Gab.
"Omg! This is my first time na sasali sa clan war." Sabi ni Ate Ninang.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Teen FictionYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014