#KMSDPMeetTheGang

4.1K 75 8
                                    

Kaitleen's Point Of View

Nandito kami ngayon nina Sam,Juliet at Blair sa room ko.Wala kaming pasok dahil may meeting daw yung mga teachers namin.Apat na araw nalang bakasyon na tapos wala pang pasok ngayon.

Pero,okay lang naman na walang pasok ngayon.Gusto nila ituloy na nila hanggang bakasyon.Para tuloy tuloy na ang pahinga namin.

"HOY Thea!"

"Ay butiki ka!" ay bwiset tong si Sam.Gulatin daw ba ako?

"Hahahahahaha! seriously? si Sam,butiki? hahahahalol!" tawa naman ng tawa sina Blair at Juliet kaya binatukan ni Sam.

"Grabe ka naman Thei." pagmamaktol ni Sam at nagpout pa.

"Bakit ka ba kase nanggugulat?" inis kong tanong sakanya.

"Hindi ka kase nakikinig eh." sagot niya at kinuha ang juice na nasa side table ko.

"Ano ba yung sinasabi mo?" tanong ko sakanya.

"Manood tayo ng movie sa theater room niyo. Dali! movie marathon tayo." masayang sagot niya at ipinakita saakin yung mga cd na movies lahat ni Daniel Padilla -.-

"Sa pagkakaalam ko Sam, 20 times mo ng napanood yang Must Be Love tapos 20 din sa Sisterakas, 20 sa She's Dating The Gangster, 15 times ng 24/7 In Love, Kuratong Baleleng 15 times naman. Pagpag naman 10 lang dahil takot ka pero kinikilig dahil kay DJ. Yung naman Sa ngalan ng Ama, ina at mga anak 10 lang dahil hindi mo gaanong type pero pinapanood mo dahil ang cool ni DJ. Hindi ka pa nagsawa?" tanong ko sakanya. Totoo naman kase eh. Halos pag-uwi yata niya galing school nanonood na siya ng movies ni DJ tapos manonood pa siya ng teleserye niya.

"Hindi. Hindi naman nakakasawa yung gwapo at almost perfect niyang mukha eh." kinikilig niyang sagot at nakatingala pa sa kisame na parang nagde-daydream.

Loka talaga -.-

"Tara na kase Thea. Arte mo naman." aba! ako pa talaga ang maarte? sila na nga ang nagpunta dito ng napaka-aga tapos binulabog nila yung tulog ko tapos maarte pa ako?

Napakabait talaga ng mga kaibigan ko. Mahal na mahal ako eh -.- deal with the sarcasm please.

"Tara na nga. Bwiset." I gave up. Makukulit eh -.-

"Yiz!" sigaw nilang tatlo at hinila na ako papuntang theater room namin. Naka PJs pa nga ako eh pero nagtoothbrush na ako.

Nandito na kami sa theater room at si Yaya na ang nagsindi dahil sabi ni Mama wag daw kami ang magsasaksak ng saksakan.

Sinalpak nila yung SDTG tapos umpisa palang tilian na ang ginawa nila -.- huhuhu. Kawawa naman yung eardrums ko sakanila.

"OMG! ang gwapo ni Kenneth. Manang mana sa Daddy niyang si Kenji." komento ni Blair.

"Aba oo naman noh. Gwapo ng lahi nila noh?" sagot ni Juliet. Si Sam? sigaw ng sigaw ng Iloveyou Kenji -.-

"OhMyG-clef! eng gwepe ne fefe Kenji!" sus -.- hindi na po sila naawa sa eardrums ko.

Lumabas muna ako ng theater room para maligo at magpalit ng damit ko dahil amoy higaan pa ako.Hehe ^_^

Natapos akong maligo at bababa na sana ako nang marinig ko si Mama sa kwarto niya na may kausap sa phone niya.

"Hindi ko ibibigay sainyo si Kaitleen." dinig kong sabi niya. Hindi na sana ako makikinig kaso narinig ko yung pangalan ko.

Parang nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa narinig ko. Anong ibig-sabihin ni Mama dun sa sinabi niya? kanino niya ako hindi ibibigay?

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon