Faith's Point Of View
"GOOD MORNING PEEEEEEEYT!!" Bati nina Seanah saakin. Kakapark ko lang ng black and white Maserati ko. Yan na kaagad bumungad saakin. Napakaloud lang talaga nila.
"Good morning bakla! Ganda mo ngayon ha? Ngayon lang. Mas maganda parin ako sayo." Sabi naman ni Andy kaya inirapan ko siya. Aba! Wala kayang makakatalbog sa ganda ko.
"Halika na Peeeeeyt! Masaya 'to!" Hinila naman ako ni Danica at Mika sa may room namin. Ayos na ang lahat. Pinicturan ko naman yung room namin habang nandun mga kaklase ko. Dala ko parati yung dslr ko.
Ang gulo ng mga kaklse ko. Yung iba puro cellphone at gadgets lang inaatupag. Yung iba naman asaran sa mga crush nila. Tsk. Mga isip bata!
"GUUUYS!! PICTURE TAYOOO!!" Sigaw ko kaya lahat nagtransform. Aba! Umayos silang lahat sabay pose. Wahahahaha! Kinuha ko yung phone ko at monopod chaka naggroufie kami.
After nung picture taking namin, aba ayun balik sa business. Chismisan here and there. Katyawan there and here. Mga kaklase ko nga naman.
"Gurl, alam mo ba na may booth dito which is para siyang auction? Nagbibid? Kaso ibibid nila is tao. Kung sino ang may mataas na bid, makakadate na niya yung girl or boy na binid niya." Sabi saakin ni Mika. Bago yatang booth yun? Ngayon ko lang narinig eh.
"Oh? Bayaan mo. Hindi naman ako mapapasali dun." Sabi ko. Hindi naman ako ganun kasikat dito sa school dahil sa ayaw ko din.
"Anong hindi? Start na nga ng auction eh. Tara check natin kung magkano na ang bid sayo." Hinila ako ni Mika at nakasunod naman yung tatlo saamin.
Pumunta kami dun sa may KD booth. Hala? Ano yun? Kathryn Daniel? Kevin Durant? Tsk. Tinignan namin yung may pangalan at picture ko. Tekwa! 5,000 pesos na yung bid saakin. First round palang yan. Malapit na matapos yung time ng first round.
"GUUUURL!! Omg! Sino kaya makakadate mo?" masayang tanong ni Danica saakin. Aba! Kailangan ko ng tumakbo. Sh*t!
"NOOOO!!" Sabi ko. Nakita naman na ako nung mga criminology students na nanghuhuli tapos dadalhin ka dun sa venue kung saakin kayo magkikita nung kadate mo. Kaagad ko namang ibinigay yung gamit ko kina Seanah chaka nagtatakbo. Waaaaaaaah! Wag po! Ayaw ko jusko!
Napadaan ako sa mga classrooms na walang tao. Huhuhu! Takbo parin ako ng takbo. Wengya!
Nagulat ako nang biglang may humila saakin pagliko ko. Ipinasok niya ako sa isang room na sobrang dilim chaka tinakpan ang bibig ko.
Kilala ko na kung sino. Pabango palang alam na alam ko na.
"Gab..." Bulong ko. Nagsign naman siya ng 'shh' kaya hindi na muna ako nagsalita. Hinihingal pa ako ng onti. Wait ... hoo!
"Bakit ka ba takbo ng takbo?" Tanong niya saakin. Bumuntong hininga ako para kumuha ng maraming hangin. Hoo! Kapagod yun ha!
"Hinahabol ako nung mga criminology students eh. Sa KD booth." Sagot ko. Nga pala, KD booth means 'Kidnap and Date booth' .. Kaloka! Ang daming alam!
"ANO?!" Sigaw niya kaya tinakpan ko yung bibig niya. Juskooo! Kapag nahanap kami dito malalagot na!
"Oonga! Tsk. Di ko naman alam eh." Sabi ko. Napapailing naman siya. Eh ano ba ginagawa nito dito?
"Eh ikaw? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Hinahabol din nila ako." Sagot niya chaka uminom ng tubig dun sa dala niyang tumbler. Edi hanggang mamaya magtatago kami dito? Huhu! Helppp!
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Teen FictionYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014