Faith's Point Of View
"Kyaaaah namiss namin kayo!!" Sigaw ko chaka yumakap kina Stanley. Ngayon na lang kami ulit nagkakasama. Pare-pareho kasi kaming busy. You know naman. Napakabusy na namin sa studies namin. Lam niyo naman. Masipag kaming lahat. Wahahahaha!
"Ako, di mo yayakapin?" Tanong ni Kaiser sa akin. Inirapan ko naman siya. Aba, araw-araw ko nakikita yan. Hindi ko lang pinapansin madalas.
"Hindi naman kita namiss. Duh!" Sabi ko. Kaya mangitak-ngiyak na siya. Hahaha. Pero, kahit niloloko ko yang pinsan kong yan, mahal na mahal ko kaya yan.
"Nasasaktan mo na talaga ang damdamin ko, Iya." Sabi niya sa akin chaka pa hinawakan ang dibdib niya. Binatukan na,an siya ni Gab. Wahahahaha!
"Aray ko dude! Walang pisikalan." Daing niya. Chaka hinimas yung batok niya.
"Para kang bata dyan!" Sabi ni Gab sa kanya. Lumapit naman sa akin si Gab chaka pinisil ang pisngi ko. Pinanggigigilan talaga niya ako.
"How's your day?" Tanong niya sa akin. Nakapout naman ako dahil ang sakit ng kurot niya sa akin.
"Stop that." Sabi niya kaya tumingala ako sa kanya. Pero nakapout pa rin. Hinalikan naman niya ako sa pisngi ko kaya nahampas ko siya ng pabiro.
"Ehem! May tao pa dito."
"Daming langgam langya!"
"Ay kaloka! PDA masyado!"
"Sh*t! Sakit ng kagat ng mga langgam!"
"Ang tamis kasi!"
Narinig naming sabi ng barkada. Natawa lang si Gab samantalang namumula na ako sa hiya. They never saw us like this before. Yata?
"So, saan gala today?" Tanong ko na lang sa kanila. Para maalis ang awkward feeling ko. Hahahaha! Kung may ganun man.
"Tara gala na lang!" Sabi nila. So, pumayag na lang ako. Mabuti na lang at tapos na ang klase namin. Uuwi ako ngayon sa condo. May kasama naman si Gelo sa bahay.
Dala pala nila yung van kaya dun na kami sumakay. Ipapakuha ko na lang yung kotse ko sa driver namin mamaya.
"Cle, nagpunta na pala sina Tita Karla kanina dyan." Sabi sa akin ni Gab. Si Stanley na ang nagdrive.
"Yep." Maikling sagot ko. Medyo inaantok ako. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to for me.
"Good. Pupunta pa lang sina Mommy bukas eh." Sabi naman niya. Tumango na lang ako. Ang ingay ingay dito sa van namin. Sobrang namiss ang isa't isa eh.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil sobrang inaantok na ako. Mamaya na ako makikipagkulitan sa barkada. Kukuha muna ako ng energy ko para mas makukulit ko talaga sila mamaya.
Gab's Point Of View
"Gab, kailan niyo nga pala balak ikasal?" Tanong ni Stanley sa akin. Muntikan na akong mabulunan dahil sa tanong niya. Nagdrive thru kasi kami sa KFC.
"Hindi ko pa alam. Busy pa kami ngayon." Sagot ko sa kanya. Hindi pa namin napaplano yan since matagal-tagal pa yun panigurado.
"Well, I heard may new project kayo ni Iya?" Tanong ni Kaiser sa akin. Busy siya kakalamon sa may likuran. And, speaking of Iya, tulog na tulog na siya dito sa tabi ko.
"Yep. Remake of G2B." Sagot ko. Panigurado naman ay kasama dun si Kaiser. Siya pa? Parati ko yang best friend sa mga teleserye or movie na ginagawa ko. Nakakasama ko na rin sina Stanley at Gino.
"Fafa Gab, when ang uwi nina Fafa Deej?" Tanong sa akin ni Andy. Mabuti na lang at nasa pinakaharapan siya. Medyo malayo sa akin.
"Hindi ko alam." Sagot ko. Ang tagal na rin nila doon. Baka pagbalik nila ay buntis na pala si Ate Kath. Hahahaha! Daniel Padilla yun eh. What will you expect? Bagalan? Nah. Hindi ganun si Kuya DJ. Mabilis kumilos yun.
"Namimiss ko na talaga siya." Sabi niya pa. Hindi ko na lang siya pinansin. Nway, we're on our way to mall. Malamang dun lang. Hayyyy...shopping bond daw ng mga girls. Hindi na nagsawa sa kakashopping nila. Ang dami na ngang damit ni Miracle eh. Isang beses lang niya nasusuot then hindi na niya isusuot. Madami rin siyang sponsors kaya sandamakmak na yung mga damit niya sa walk in closet.
*Phone rings*
Ate Trishia Calling ....
Ano nanaman nangyare at napatawag si Ate Trish? Ang alam ko wala naman kami nakasched ngayon.
"Ate?" Bungad ko. Mabuti na lang at medyo tahimik na dito sa van namin.
"Gaaaaab, emergency. Kailangan sa company nina Faith. Hindi siya nasagot sa mga calls ko kaya ikaw tinawagan ko." Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman si Ate Trish ang tatawag sa amin kung tungkol naman yun sa kumpanya?
"Anong nangyare?" Tanong ko. Sakto naman gumalaw si Miracle. Inayos ang pwesto niya.
"We need a model. Mayroon kasing event ang Ford dito sa Trinoma. Ford Collections. We badly need Faith and her friends to be a model here. Tumawag lang din sa akin si Mr. Padilla." Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga. Naubusan yata ng hangin dahil walang preno yung pagkakasabi niya.
"Oo sige. On the way na kami dyan." Sagot ko at ibinaba ko na ang tawag. Hayy..akala ko naman makakapagpahinga na si Miracle ngayon. She's so tired and she deserves a rest.
"Guys, change of plans, Ford Collections need the girls to be the models of the cars. So, yeah, bilisan niyo na dyan." Nagsaya naman silang lahat. Ginagawa na rin kasi nila yan noon. Since, sina Miracle naman ang may-ari ng Ford, siya na ang nagpaparticipate na maging model tuwing may ganyang events.
Nakarating kami ng mall at kaagad naman kaming nagpunta sa may event center kung saan nandoon sina Ate Trish. Medyo marami na rin ang mga tao.
Nagbihis na yung mga babae habang nakatayo lang kaming mga lalake doon. Nandito ang iilan sa mga fans namin. Well, mabilis talaga ang balita. And to think na may pakpak talaga 'to.
Lumabas sina Miracle na suot ang jersey dress ng Ford and nakablack boots sila na hanggang tuhod. They do promotion for their new collection. Miracle is really good in businesses.
**
Faith's Point Of ViewSobrang nakakapagod. Akala ko magmomodel lang kami. Since nandito ang mga fans, ayun, para tuloy mall show namin. Hahaha!
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Gab. Tapos na kami at nakabihis na ulit kami. Nagpapahinga lang kami then magshoshopping kami dito.
"Yep. Konting pahinga lang." Sagot ko sa kanya. Niyakap naman niya ako mula sa likod chaka isinubsob ang mukha sa leeg ko. He's being clingy again.
Nagstay lang kami sa ganung posisyon. Nakaupo ako habang nakatutok sa akin yung blower. Naiinitan kasi ako.
Hindi naman nagsasalita si Gab. Nakatulog? Well, pabayaan na. Mukhang pagod eh. Dinumog kasi siya kanina. Mabuti na lang at napigilan kaagad ng mga security. Pero, hinayaan namin na lumapit sila ng pakonti-konti. Ayaw naman namin silang isnabin dahil nageffort sila para sa amin. Chaka mahal namin sila noh! Gaya ng pagmamahal nila saamin. Sinabihan din kasi kami ni Ate Trish na mabuti 'to dahil malapit na ang teleserye namin.
"I love you, Cle." Nagulat nanaman ako dahil sa sinabi niya. Nararamdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Oh gosh..... Iya. Kumalma ka nga. Inhale....exhale.
Gab... Why are you doing this to me?
WHY?!
------------------- ❤️❤️ --------------------
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Fiksi RemajaYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014