Faith's Point Of View
Psh. Si Gabriel pala bago naming kapitbahay? bat ngayon ko lang napansin? Nakooo! Kainis naman!
Pero, bayaan na nga! Wala naman akong magagawa dun. Hindi ako ang homeowner president at lalong hindi ako ang owner ng subdivision na ito. Jusko!
Inirapan ko nalang siya at pumasok na sa room ko. Wala akong gagawin ngayon. Bukas pa ulit ako magV-VJ sa Myx. Last week ko na nga ngayong week na 'to. Nakakaasar! Di ba pwedeng two months?
Nga pala, may road trip nga pala kami nina Kuya. Ayaw daw sumama ni Kit eh. Tinatamad daw siya. I wonder why she always refuse our offers na mga lakad namin. Ayaw niya yata kaming kasama? Nakakahurt hurt kaya yun.
"IYAAAAA! Lumabas ka na dyan at may bisita ka!" narinig kong sigaw ni Kuya Jc. Hala? Wala naman akong inaasahan na bisita ha?
Napabangon ako bigla at binuksan yung pintuan.
"Sino Kuya?" tanong ko sakanya. Nakacross arms naman siya chaka nakataas ang kilay. Anyare sakanya?
"Gab." maikli niyang sagot. Omg! Anong ginagawa nung lalaking yun dito? Bwiset! Huhuhu!
Dali-dali akong bumaba at nakita ko naman si Gavin at Gab sa baba. Nang makita nila ako, ngumiti sila saakin. Awwww! Ang cute ........ NI GAVIN!! Psh! Asa pa na si Gab.
Napatayo na din sila kaya lumapit ako sakanila.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sakanila. Pinanlakihan ko pa ng mata si Gab. Mabuti wala dito mga Kuya. Ewan ko kung nasaan si Kuya DJ. Baka sobrang tulog na yun sa kwarto niya. Well, except kay Kuya Jc. Nasa may likuran lang namin siya.
"Let's play at the playground, Ate" napatingin ako kay Gavin na nagpa-puppy eyes pa. Aww! Sarap niya paliitin chaka gawing keychain.
Napatingin ako sa likod ko kung nasaan si Kuya JC.
"Can I, Kuya?" tanong ko sakanya. Nagtaas naman siya ng kilay.
"Saan?" tanong niya saakin.
"Dyan lang sa may playground ng subdivision." sagot ko sakanya.
"Anong oras ka uuwi?" tanong nanaman niya. Kailangan ko pa bang sagutin yun? Hay nako! Ewan ko naman kung anong oras mapapagod kakalaro tong si Gavin.
"You should be here by 6:30, Iya." biglang sulpot ni Kuya DJ chaka nagpunta sa kitchen. Nagutom yata?
"Okay. Bye Kuyasssss! I love you both!" paalam ko sakanila chaka ko na hinila yung dalawa palabas.
"Yes! I'm so happy you came with us, Ate Faith." masayang sabi ni Gavin chaka hinawakan ang left hand ko.
Ngumiti nalang ako sakanya chaka na kami naglakad.
"So, kumusta ka naman Miracle?" tanong ni Gab saakin pagkarating namin sa playground. Naupo ako sa swing doon at tumabi naman siya saakin.
"Ayos lang. Medyo busy this past few days." sagot ko sakanya. Konti nalang talaga papaparty na ako dahil hindi ako naaasar sakanya.
"Yeah. Nagulat nga ako na ikaw yung VJ sa Myx for this whole month eh." natatawa niyang sabi. Ewan ko kung ano ibig sabihin nung pagkanatatawa siya. Is it because it so impossible or its because its not unbelievable? Is there even a difference about that two?
"You're watching Myx din pala." sabi ko nalang sakanya chaka pinanood na maglaro si Gavin. He's playing with a girl. Masaya silang nag-uusap.
"Yeah. I love listening to musics." sagot niya. Pareho pala kami eh. I also love listening to musics.
Tahimik na kami after that topic. Wala na akong maisip eh. Pinapanood nalang namin si Gavin chaka yung girl na playmate niya na naglalaro. Then, suddenly, I remember someone in the past.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Novela JuvenilYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014