Iya's Point Of View
"Hindi kasi ganyan ang posisyon ng pagshoot ng bola!" Sermon ni Kuya DJ kay Gelo. Kanina pa yang dalawang yan eh. Namomoblema na ng bongga sina Kuya at Daddy kay Gelo.
"Eh kasi naman Kuya ang labo mo magturo." Sagot naman ni Gelo. Natatawa nalang ako. Nandito kami sa may likod ng bahay. Meron kasing place dito where they can play basketball. Malawak 'to.
"Aba, huwag ka na papaturo sakin. Ayan, kay Daddy nalang or kay JC." Sabi ni Kuya. Nainis na. Wala talaga siyang pasensya.
"Anak, pakiabot naman yung cheese." Sabi saakin ni Mommy. Nagluluto kami dito ng mga grilled food. May spaghetti din na sobrang fave naming lahat. Specially kapag si Mommy ang nagluto.
"Heto po 'mmy." Abot ko sakaniya nung cheese. Pinapaypayan ko naman yung charcoal sa grill habang pinapanood sina Kuya JC at Kuya DJ na sabay nagtuturo kay Gelo ng basketball. Ganun din naman ginagawa ni Daddy.
"I can't wait for the time na magkakaroon na ng sariling pamilya ang Kuya DJ mo." Biglang sabi ni Mommy saakin habang nakangiting nakatingin kay Kuya DJ na tumatawa dahil hindi nanaman nashoot ni Gelo yung bola.
"He've been a good Kuya to you and also a good son to us. And I know he'll be a good father and the best husband too." Nangiyakngiyak niyang sabi. Malapit na din kasi ang kasal ni Kuya DJ at Ate Mommy.
"I know 'mmy. He's the best Kuya! Sila ni Kuya JC." Nakangiti kong sabi. Nagpalakpakan naman sina Kuya JC, Kuya DJ at Daddy nang mashoot ni Gelo yung bola.
"Wuhoo! Perstaym!" Tukso ni Kuya Jc chaka nakipagfist bump kay Gelo. Tuwang tuwa silang apat. Seeing them smile and laugh is enough.
"KAIN NAAAA!!" Sabay naming sigaw ni Mommy. Tumakbo naman silang apat palapit saamin.
"Can I kiss my queen and my princess?" Tanong ni Daddy saamin. Tumango naman kaming sabay ni Mommy kaya hinalikan kami ni Daddy sa pisngi.
"Ako din syempreeee!" Sabi naman ni Kuya DJ at Kuya JC. Una silang humalik kay Mommy sa pisngi. Tapos tumingin silang sabay saakin at ayun, sabay nila akong hinalikan sa magkabilang pisngi chaka niyakap.
"Ako muna huy!" Sabi ni Gelo kaya itinakbo ako nina Kuya palayo sakanya. Habol naman siya ng habol. Natatawa ako. Ang swerte ko at ako ang naging kapatid nila. And to think na ako lang ang nag-iisang prinsesa nila, its really an honor. Hahaha! Sweet nila eh. Kaiyak.
Nahabol naman kami ni Gelo kaya kaagad siyang yumakap at humalik saakin. Napatingin kami kina Mommy at may hawak na siyang dslr. Kinukunan na pala kami ng pictures. Si Daddy naman hawak yung phone niya. Video.
Hay nako! Another memory to treasure. Masaya kaming kumain at pagkatapos nun ay pumasok na kami sa bahay para magpahinga. Maaga pa ang pasok namin bukas.
**
"Bye Ate and Daddy! I love you both!" Paalam ni Gelo saamin. Hinatid kasi namin siya ni Daddy. Actually, ihahatid din ako ni Daddy sa school. Hehe."Bye 'nak! Loveyou, too." Paalam din ni Daddy chaka na kami umalis. Ihahatid na niya ako.
"Bye princess ko! Ingat ha? And, no boyfriend, no manliligaw. Off limits. Okay? I love you Iya ko." Paalam niya saakin. No boyfriend and no manliligaw pero ipapakasal niyan nila ako noh?
"Okay. Bye Daddy ko! I love you, too!" Sagot ko chaka humalik sa pisngi niya. Umalis na din siya after.
"Hoy Mirakulo!" Napalingon ako dun sa tumawag saakin. Malamang sino pa ba?
"Ano nanaman?" Tanong ko sakanya. Inakbayan naman niya ako kaya siniko ko siya. Chancing ha!
"Tara hatid na kita. Mabuti at hinatid ka ni Tito?" Tanong niya saakin.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Teen FictionYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014