#KMSDPValentinesDayPrep

2K 31 1
                                    

Faith's Point Of View

Maaga akong nagising dahil kailangan maaga ako makarating sa school. Ihahatid ko pa kasi si Zyren sa SCA.

Bumaba na ako at nakita ko naman na kumakain na si Zyren at sina Kuya DJ.

"Good morning pangit!" Bati ni Kuya DJ saakin kaya inirapan ko siya.

"Good morning liit!" Sabi naman ni Kuya JC saakin kaya hindi ko pinansin. Tumingin ako kay Zyren at wala siyang pake. Che!

Kumain nalang din ako chaka na tumayo at kinuha ang bag ko. Baka masermunan nanaman ako ni Seanah kapag nalate ako.

"Zyreeeen! Bilisan mo! Malelate na ako!" Sigaw ko. Umakyat pa kasi siya sa room niya. May gagawin lang daw sandali.

"Iya, hatid ko na kayo then I'll fetch you later." Sabi ni Kuya DJ saakin. Umalis na si Kuya JC dahil malelate daw siya sa taping niya.

"Huh? Wala ba kayong date ni Ate Mommy? Its Valentines Day today." Sabi ko. Ngumiti lang siya saakin. Hmmm. May planoooo.

"Ano yun?" Tanong ko kaagad sakanya. Aba! Sigurado ako kasabwat ako nito eh. Inakbayan naman niya ako kaagad.

"Tulong." Sabi niya at alam ko na yun. Haha!

"Sure. I'd love to." Sabi ko naman at nakita kong bumaba na si Zyren dala yung bag niya.

Sumakay na kami sa BMW i8 niya na kulay black and blue (Multimedia). Ang astig talaga ng car niyang yan. I like the colors of it.

Una namin hinatid si Zyren. Mas mauuna kasing dadaanan ang SCA sa university ko. Nways, my univ name is St. Catherine University.

"Bye Kuya and Ate! Iloveyou both! Hintayin kita mamaya, Kuya." Sabi niya. Humalik pa siya sa pisngi namin.

"Okay. Wag lalabas ng room ha?" Paalam ni Kuya. Tumango lang naman siya.

"Wag matigas ang ulo." Sabi ko chaka nagkamot pa siya ng ulo niya pero tumango din.

"Okay na. Byeee!" Sabi niya chaka tumakbo papasok. Umalis na din kami ni Kuya at hinatid na niya ako sa SCU.

Nakarating kami dito at nakita ko naman yung mga kaibigan ko na naghihintay saakin. Napatayo pa sila nang makita ang sasakyan ni Kuya DJ. Psh! Malamang alamang alam nila na kotse 'to ni Kuya DJ. Dakilang stalkers yan eh.

"Oh, mamaya Iya ha? Tulungan mo ako." Paalala sakin ni Kuya. Ang kulit naman mamaya-maya lang niyan magtetext nanaman saakin para ipaalala yun. Tsk.

"Oo na. Ayan na mga kaibigan ko. Malalagot kana!" Natatawa kong sabi. Natawa naman siya.

"Bye. I love you! Mamaya ha? Sabihin mo sa mga kaibigan mo mahal ko sila." Sabi niya. Natawa naman ako. Gusto niya bang bugbugin ako nina Andy?

"Okay. Mamaya pagkita mo saakin may pasa pasa na ako. Binugbog na nila ako sa kilig. Hahahaha!" Sabi ko naman. Natawa na kaming dalawa tapos binatukan pa niya ako. Kalokohan ko daw.

"Osiya. Byeeee!" Sabi ko chaka lumabas na ng kotse niya. Kaso, hindi pa ako nakakalayo, sumigaw siya. Narinig tuloy ng mga kaibigan ko. Binuksan pa niya yung bintana ng kotse.

"I LOVE YOU BABY!!!" Sigaw niya chaka na umalis. Dudumugin na kasi siya nina Andy. Hahaha!

"OMG BAKLAAAAAA!! Ang duga mo naman ehhhhh!!" Sabi ni Andy saakin chaka ako binatukan. Aba!

"Guuurl!! Chance na namin yun eh!! Dapat pinagstay mo muna!! Huhu!" Sabi ni Mika chaka kumapit sa braso ko.

"Ang duga mo gurl! Ang tagal na naming hindi nakikita in malapitan si Kuya DJ eh." Sabi naman ni Seanah.

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon