Iya's Point Of View
Kumakain na kami ng late lunch and early dinner ni Gab. 3:00 na kasi nang matapos siya magluto kaya kumakain pa lang kami. Para na siyang miryenda na lunch and dinner at the same time. Gusto daw niya magdiet kaya maaga kaming kakain.
Well, ang dami ko ng sinasabi kaya hindi ako makakakain ng maayos. And, nanlalambot pa ako dahil kakagaling ko lang sa lagnat. Hindi pa ako gaanong magaling.
"After you eat, take your medicines. Okay?" Paalala sa akin ni Baymax este ni Gab. Hayy .. Doctor na doctor na talaga siya.
"Yes boss!" Sagot ko chaka nagsalute. Napapailing naman siya dahil sa kalokohan ko.
"Nga pala, you need to be okay this week. This weekend na raw yung signing of contract natin for the remake." Sabi niya. Tumatango lang naman ako sa lahat ng sinasabi niya.
"Akala ko nga next week pa yun. Nagmamadali yata sila." Sabi pa niya.nagshrug lang ako. Ya know, em so tinatamad to speak.
"Next week na ang 6th death anniversary ni Kit. Any plans?" Natigil naman ako sa pagkain ko at napatingin kay Gab na natigilan din dahil sa sinabi niya.
He knew that it still hurts. Yeah, hindi ko pa rin nakakalimutan yung pagkawala ni Kit. It's still painful. I'm still asking why her.
"I-I don't know. I don't have any plans." Mahinang sambit ko. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
"I'm sorry." Sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya chaka hinawakan ang kamay niya. At least, I know he's with me.
"It's okay." Sagot ko chaka na tumuloy sa pagkain. He never open another topic again until we finish our lunch-slash-miryenda-slash-dinner.
"Here's your medicine." Ibinigay niya ang isang tablet ng gamot sa akin at isang baso ng tubig. Kinuha ko naman yun kahit diring-diri na ako. Mabilis kong ininom chaka inubos yung tubig.
"Good girl." Sabi ni Gab chaka ginulo ang buhok ko. Inirapan ko naman siya chaka nanood ng tv.
"Huwag ka muna mahiga. Pahinga ka muna dahil kakakain lang natin." Nagthumbs up naman ako chaka na nagpatuloy sa panonood.
Napalingon naman ako sa may side table ko dahil nagvibrate ang phone ko.
Kuya DJ kong Pogi Calling ...
Bakit namn tumawag 'to? Nga pala, nasa Brazil sila ngayon. Honeymoon. Hihi!
"Yow Kuya!" Bungad ko. Tinry ko talaga ang best ko para maging cheerful yung boses ko. Medyo nanlalambot pa kasi yung boses ko at parang paos.
"You're sick." Sabi niya. Bakit ganun? Alam talaga niya na may sakit ako? Hindi kasi tanong yun eh. Statement. Hayyy..
"Yeah. Pero, don't worry, I'm fine na." Sagot ko chaka tumingin kay Gab na naglalaro sa phone niya. Saglit siyang napatingin sa akin at tinanong kung sino ang kausap ko. I just mouthed 'Si Kuya' to him. He just nodded and play with his phone again.
"Make sure of it. I'm so worried about you." Sabi niya. Napangiti naman ako. My Kuya is the sweetest.
"Hay nako Kuya! Wag mo na akong isipin. Just concentrate on your honeymoon. Enjoy and more babies to come. Basta Kuya, I want girl pamangks. Okay?" Natatawa kong sabi. Napatingin si Gab sa akin at napapailing din.
"Keisha." Tawag niya sa akin with warning tone. Pustahan tayo namumula nanaman mukha ng Kuya ko. Hahahahaha!
"What? Did I say something wrong?" Painosente kong tanong. Aba, wala na,an talagang mali sa sinabi ko eh.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
JugendliteraturYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014