Faith's Point Of View
Nandito na kami ulit sa classroom namin. Magsisimula na ang afternoon classes namin kaso ang tagal nung next teacher namin. Nakakabanas! Ang ingay ng mga kaklase ko! I hate noise! -.-
"Huy!" Napatingin naman ako sa katabi ko. Si Gab.
"Oh?" Walang ganang tanong ko sakanya. Actually, kanina pa ako kinukilit at inaasar ng mokong na to eh.
"Bakit ang pangit mo?" Aba't! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to! Sarap ingudngod sa toilet bowl.
"Ano pang tawag sayo?" Tanong ko sakanya chaka siya inirapan.
"Gwapo! Sobrang gwapo!" Sagot niya kaya mas napakunot ang noo ko.
"Presko! Sobrang presko!" Sabi ko naman chaka kinuha yung libro ko. Magbabasa nalang ako.
"Bakit? Totoo naman diba?" Tanong niya saakin kaya hinampas ko siya nung librong hawak ko! "Ang tigas ng mukha mo eh noh?" Tanong ko sakanya chaka siya hinampas ulit.
"Grabe makahampas to!" Reklamo niya kaya nagmake face ako. Bwiset! Ano kayang mangyayare sa whole year na ito kung si Gabriel ang katabi ko? Jusko!
Mabuti nalang at dumating na yung teacher namin at nagumpisa na ang klase. Nakikinig lang naman ako. Kailangan mag-aral ng maayos para paid off lahat ng pagod nina Mommy.
**
Natapos na lahat ng klase namin. Pauwi na kami. Sinundo ko na din si Kit sa classroom niya. Ang dami nga bumati saakin eh.Nandito kami ngayon sa waiting shed ng school namin. Hininhintay sundo namin. Hindi ko kasi alam sino susundo saamin eh.
Wala man silang text. Few minutes had passed, wala parin sila. Naiinip na ako. May gagawin pa ako sa bahay eh. Tahimik lang naman si Kit dito sa tabi ko. Napapasimangot na nga ako.
"Hoy Miracle!" Nagulat ako nang may tumapik sa braso ko. Mahina lang naman pero nagulat parin. Ang tahimik kaya sito tapos may pangit nasusulpot!
"Oh? Anong problema mo bakulaw?" Tanong ko sakanya.
"Maka bakulaw naman to! Close na tayo, teh?" Kita mo to! Siya nga ang feeling close eh! Kung makaasar! Psh!
"Ano bang kailangan mo ha?! Pwede ba lumayas kana sa paningin ko? Nakakabv itsura mo eh!" Sabi ko sakanya. Medyo natawa naman siya. Saya niya eh. Lalo na kapag naaasar na ako.
"Gusto ko lang sabihin sayo na huwag ka sisimangot! Lalo ka kasing pumapangit. Nakakadiri." Sabi niya chaka nagtatakbo na. Nakakaasar!
"Ugh!" Sobra talaga mangasar yun! Huhu! Stay calm, Faith! Wala kang mapapala sa lalaking yun.
"Hahahaha! Ang cute niyo panoorin, Ate." Natatawang sabi ni Kit kaya napasimangot ako. Anong cute dun? San banda? Yung naasar ako?
Sakto naman may bumusina sa harapan namin kaya napatingin kami. Nandito na pala si Kuya DJ. Mabuti at hindi busy ang pangit na to?
Sumakay na kami. Ako ang nakaupo sa shot gun seat at si Kit naman sa likod.
"Musta ang first day?" Tanong niya saamin.
"Ayos naman, Kuya." Sagot ni Kit na nangiti parin hangga ngayon. Hindi ko sinagot si Kuya. Badtrip ako. Sabihan daw ba akong pangit? Huhu! Siya lang nagsabi nun ha!
"Anong nangyare sayo Keisha?" Tanong ni Kuya saakin. Natawa naman si Kit sa likod kaya napatingin si Kuya sa rear view.
"Kasi naman Kuya! Si Kuya Gab inasar si Ate Iya. Ayan, badtrip na siya." Natatawang sabi ni Kit kaya natawa din si Kuya.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Teen FictionYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014