Iya's Point Of View
Nandito kami ngayon sa condo unit ni Gab. Kasama namin si Ate Trishia. Siya na ang pinapunta namin dito dahil tinatamad na kaming umalis. May sasabihin daw siya sa amin. We don't have any clue kung ano yun. Pero, panigurado namang about yan sa trabaho namin.
"So, ano nga iyon Ate?" Tanong ni Gab sa kanya.
"You're going to have a big project." Diretsong sabi niya. Ako kasama si Gab? Project?
"KAMING DALAWA?!" Sabay naming tanong. Nagkatinginan pa kami at sabay na pinitik ang noo ng isa't isa. "Gaya-gaya!" Sabay pa naming sabi. Wala, trip namin eh.
"Yep. Nagtaka pa kayo eh dati pa naman kayo nagsasama sa iisang project." Sabi ni Ate Trishia chaka uminom ng kape niya.
"Well, ano bang project yan? Masyado naman yatang big?" Tanong ni Gab sa kanya.
"The management have decided na gumawa ng remake ng Got to Believe. And, the perfect artist na kayang iportrate ang role ni Joaquin at Chichay ay kayo. Base sa survey ng mga directors at mga boss natin." Napanganga naman kaming pareho ni Gab. I was not expecting for teleserye. Never pa kaming nagkasama ni Gab sa teleserye. And, I've never been the protagonist in a teleserye. I told you, hanggang extra lang ang gusto ko.
"Ate, diba we already talked about those. Hindi muna ako tatanggap ng ganyang project. Nag-aaral pa ako." Sabi ko sa kanya.
"Faith, you're the perfect actress for the role. Ikaw lang ang naiisip namin na magfifit dun sa character ni Chichay at perfect i-pair kay Gab. You're comfortable with each other naman eh." Sagot niya chaka nagmakaawa.
"Faith, everything's planned. We already talked to Tita Karla and Tito Rommel. Pumayag na sila. And even DJ and Kath. They're so happy to know na kayo ang magpoportrate ng role nila noon bilang Joaquin at Chichay. They're proud and excited. I hope you'll never disappoint them." Pinapakonsensya pa ako. Lintek! Wala na pala akong tanggi eh. Um-oo na sina Mommy. They're all expecting for my agreement.
"Fine. Wala na pala akong choice eh. Siniguro niyo na eh. Wala na akong magagawa." Sabi ko chaka kunwaring umiiyak.
"Sus! Kung alam ko lang gusto mo talaga yan. I'll be your partner. Tss. Choosy ka pa ba?" Binatukan at sinapak ko si Gab dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha.
"Bwiset ka noh?" Inis na sabi ko sa kanya chaka siya inirapan. We've talk about the project. Sinabi na ni Ate Trish sa amin. About sa mga contract papers na kailangan naming pirmahan. LAHAT! Planado na nga lahat.
Hayy .. I'll be so busy this past few days pala. Mom will talk to our principal about this. Na baka daw wala ako madalas sa school dahil sa mga tapings and some photoshoots. Kasuka!
"So, you'll be signing the contract next week. Then after that, you'll going to meet the director and discuss about the teleserye. Then, start na ng photoshoots niyo." Sabi ni Ate Trish. Tumatango lang ako. Nakakatamad pag-usapan yang mga ganyang bagay.
Umalis na rin si Ate Trish after nun. Marami pa raw siyang aasikasuhin sa mga sched namin. Marami na rin daw kasing darating na guestings niyan para sa teleserye kaya aayusin na niya sched namin.
"Gab, would you mind kung papasama ako sa mansyon? Pinapapunta ako ni Mommy dun eh. Pang-drive mo lang ako." Sabi ko sa kanya chaka nagpuppy eyes pa. Para mas effective.
"Kiss mo muna ako." Sabi niya chaka nagpout. Hinilamos ko naman yung kamay ko sa mukha niya.
"Wag na. I can drive by myself." Sabi ko chaka tamad na tamad na tumayo. Lalabas na sana ako ng unit niya nang hawakan niya ako sa wrist ko.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Teen FictionYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014