Iya's Point Of View
"ATE KEISHAAAA LET'S GO NA POOOO!!" Sumisigaw si Gelo habang papasok ng kwarto ko. Nagpapatuyo na lang ako ng buhok ko at aalis na kami.
"Oo wait lang!" Sabi ko. Pinatay ko na yung hair dryer at tumayo na. Sinuot ko yung flats ko at lumabas na.
"CLEEEEEE!! Ang bagal mo lintek!" Sigaw ni Gab. Hindi niya alam na nandito na ako sa likod niya. Busy siya maglaro sa phone niya. Pinitik ko tenga niya kaya nabitawan niya phone niya sa floor. Basag!
Hahaha joke lang. Hindi naman nabasag. Tibay eh. Sayang hindi pa nagkahiwa-hiwalay yung parts, yung magiging siyang apat o tatlo.
"Cle! Nahugot ko hininga ko dun! Alam mo ba na mahal ko pa 'to kaysa sayo?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay! Pakasalan mo phone mo!" Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin chaka ako niyakap. Ayan nanaman ang pagiging clingy niya.
"Bitaw na Gab! Gusto mo itali na lang kita sa puno? Kahit magyakapan kayo ng puno." Sabi ko sa kanya. Bumitaw naman siya habang nakasimangot.
"Naglalambing lang .." Sabi niya chaka ako tinalikuran. Ihahanda na niya yung sasakyan. Nakapamewang naman si Gelo sa likod ko.
Ang kulit ng kapatid ko. At ang gwapo niya sa suot niya ha!
(See multimedia 😍)
"Ate, tapos na kayo maglambingan?" Tanong niya sa akin.
"Tsss. Tara na." Sabi ko chaka ko na siya iniwan dun. Ala boss nanaman siya eh. Haha! Para siyang si Kuya or si Daddy.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Gab at nagpunta na ng mall. Ihahanda ko na yung sarili ko lalo na ang tenga ko. Puro hampas at tili nanaman ang makukuha ko sa kanila.
**
Nakarating kami dito sa mall. Napag-usapan namin na sa KFC na kami magkita-kita. So, nagpunta na kami doon. Ang dami ng nakatingin sa amin. May limang PSG kaming kasama. Nandyan lang sila sa tabi-tabi. Sumama sama pa kasi tong dalawang lalaking 'to eh.
Well, si Gelo sinama ko talaga. Si Gab lang talaga yung nakikisama nalang bigla. Hindi naman invited tapos biglang nauna pa siya magbihis sa akin. Kapal ng mukha! Gosh!
Nakarating kami dito sa may KFC at nanlaki yung mga mata ko nang makita ko na ang daming tao dito. Parang mall show!
"KYAAAH NANDYAN NA SI FAITH, ANGELO AT GAAAAB!!" Sigaw ni Andy. Oo, boses kaagad ni andy ang narinig ko.
"OhMyGooosh!" Sabi ng mga tao. Bigla naman akong hinila nina Seanah at danica papunta sa loob ng KFC. Nagpunta kami dun sa area ng private. Dun sa party place(?)
Basta dun sa may mirror walls. Nakaclose siya kaya kami lang nandito.
May mga decors na mga tarpaulin namin ni Gab. Tarpaulins ko kasama si Gelo. Tarpaulins ni Gelo. At kung anu-ano pa ang nandoon.
"Anmeron?" Tanong ko sa kanila. I think sampung tao o pataas ang nandito. Dami nila. As far as I can remember, they're one of our official fansclub.
"Get together! Tugs tugs tugs!" Sigaw ni Mika chaka nagtalon talon dun. Parang baliw na nagparty party. Wahahaha!
"Bakit hindi ako nainform? Surprise?" Tanong ko sa kanila chaka hinawakan yung table na nasa harapan.
"Nag succeed ba kami?" Tanong ni Danica sa akin.
"Yeah ... Nasurprise talaga kami." Sabi ko.
"Kailangan niyo pa ba kami dito?" Tanong ni Gab chaka ni Angelo. Nandoon sila sa likod. Pinapanood kami.
"OO NAMAN! Hindi mabubuo 'to kung wala kayong dalawa!" Sabi nung isang babae. I forgot her name pero alam ko siya yung president ng fansclub na 'to.
At ayun pinagkaguluhan na nga silang dalawa. Ako naman ang naiwan dito? Huhu!
"Osige ganyanan! SIGE! SANAY NAMAN AKONG NAIIWANAN PARATI EH. GEH! IWAN NIYO NA AKO!" Sabi ko chaka naupo dun sa isang chair habang nakayuko.
"AROOOO NAGTAMPO ANG BRUHA!" Sabi ni Andy chaka ako kinurot sa tagiliran ko. Napangiwi tuloy ako.
"Sanay naman akong iniiwan para sa iba eh. Geh! Dun na kayo." Sabi ko chaka kunwaring naiiyak.
"HALAA SI PEYT! Nagsawa na kasi kami sayo. Since bata pa tayo magkakasama na tayo. We had enough!" Sabi ni Seanah.
"Ouch ha! Sige, ganyan na talaga. Kapag pinagsawaan, babaliwalain nalang. Sige! Sanay na talaga ako." Sabi ko ulit. Niyakap naman nila ako ng sabay-sabay chaka hinalik-halikan sa pisngi ko.
"Yucks kadiri! Chupi nga kayo dyan!" Tinaboy taboy ko sila. Lumayo naman sila ng konti.
"Kaninang iniwan ka namin nagrereklamo ka. Ngayon naman na sobrang lapit na namin sayo, nagrereklamo ka pa rin. Really, Faith?" Sabi ni Danica kaya tumawa ako ng malakas. As in nagecho na yung buong lugar ng tawa ko.
"Seryoso Cle? Tawa pa ba ng babae yan?" Tanong sa akin ni Gab kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala kang pake." Sabi ko chaka napatingin kay Gelo. Grabe na-OP na kapatid ko. Nagready pa naman siya.
"Hoy wait! Yung kapatid ko na-OP na sa inyo. Gwapo pa naman." Sabi ko chaka hinawakan yung kamay ni Gelo. Ngumiti naman siya.
"Oo nga! Grabe! Bata pa lang swabe na pumorma!" Sabi naman nung isang babae. Bakit ba hindi ko alam names nila? Mainterview nga sila mamaya.
"Thanks for the compliments." Sabi ni Angelo. Ayan, lumaki nanaman ulo. So ayun, nagpapicture na sila sa kanya.
**
Nakilala ko na silang lahat at nakapagbonding na ako sa kanila. Marami na rin ang nakipicture sa akin. Aba naman! Sa ganda kong 'to. Hindi pwedeng wala. Char! Hahaha!After ng get together, nag-aya pa si Gelo na magshopping. Mamimili nanaman daw siya ng damit niya at bagong toys.
"Cle, Ate Trishia texted me. We have to meet her tomorrow daw." Nasa tabi ko si Gab at nakapalupot yung kamay niya sa bewang ko. Hawak ko naman si Gelo sa kamay. Baka saan magpunta eh.
"Bakit daw?" Tanong ko. Nagshrug lang siya. Tumango na lang ako.
"Nga pala Gelo, you have photoshoots tomorrow. Ready, okay?" Paalala ko kay Angelo. I'm Gelo's manager. Grabe noh? Yun kasi ang gusto ni Mommy. Ayaw na niyang ipagkatiwala si Gelo sa iba. Since ako rin lang naman ang gustong kasama ni Gelo. Ako na lang.
Pareho lang kami ng manager ni Gab. Si Ate Trishia yun. Yes, I'm into showbiz na. Pero, hindi pa yung bida sa mga teleserye or movies. Extra lang or relatives ng bida or kaibigan ng bida. Basta ganun lang roles ko. Sinabi ko na rin kasi kay Ate Trishia na huwag muna tatanggap ng mabigat na project para sa akin.
Nang mapagod na si Gelo, naisip din niyang umuwi. Mabuti naman. Akala ko wala na siyang balak umuwi eh. Nakakapagod din makipagbaliwan kina Andy tapos lalakad kapa kung saan- saan. Nakakapagod na tunay.
--------------------- ❤️❤️ ---------------------
ORAAAAAAAYT!! Kumusta naman kayo? I'm fine yeah! Still rocking the free world! Better keep rocking the free world, guys! Let's all watch PSY later #PSYPanliligaw .. Ht pa lang nakakakilig na. NO CHILL!
Vote and Comment na kayooo! Share me your thoughts. At kung may suggest kayo na mangyayare, just tell me.
[8.14.15]
- Gorgeous Ria 💞
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Genç KurguYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014