Faith's Point Of View
"Ahhmmm ... Gab, p-pwede kana bumitaw." Sabi ko. Kaagad naman siyang kumalas sa pagkakayakap saakin. Ngumiti ako ng alangan sakanya chaka na nagpunta sa kwarto ko. Agad kong sinarado ang pintuan ng kwarto ko at napasandal nalang doon. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko.
Grabe! Ang bilis ng tibok. Noon pa naman ako niyayakap ni Gab eh. Hinahalikan pa nga ako sa pisngi nun. What now?!
Parang nakakatakot pero masaya na feeling? Ewan ko ba! Hindi ko maexplain eh. Ang hirap. Hays! Maliligo nalang ako chaka matutulog. Baka pagod lang 'to. Aalis din naman si Gab kapag gusto niya. Siya na bahala magsara ng pintuan ko.
Natapos na akong maligo kaya nagbihis na ako at lumabas ng kwarto ko habang nagsusuklay. Nagulat naman ako nang makita ko si Gab na nandun parin at nagluluto.
"Hindi ka pa daw kumain sabi nina Ate Kath." Sabi niya habang nakatalikod saakin. Paano niya nalaman na nandito na ako sa likod niya?
"May mata kasi ako sa likod ng ulo ko." Napaawang pa yung bibig ko. Anong nangyayare sakanya? Sobrang talino na ba niya kaya nababaliw na siya? OhMyGoooosh!! Delikado na!
"Hoooy! Itigil mo na yang iniisip mo!" Sabi niya chaka inihilamos sa mukha ko yung kamay niya. Hinampas ko naman yung kamay niya. Ugh!
"Paano mo ba kasi nalaman na nasa likod mo na ako?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman dahil sa footsteps ko dahil wala nga akong suot na tsinelas.
"Nagtatatalon kasi yung puso ko sa tuwa sa tuwing nandyan ka na. Bigla akong napangiti kanina eh. Alam ko nasa malapitan ka lang." Namula ako dahil sa sinabi niya. Omggg! Ewan ko pero kinikilig akoooo! Emegherd!
"A-ang corny mo! Walang tumutubong mais sa tiles!" Sabi ko nalang chaka lumapit dun sa may niluluto niya. I need to hide my face. Grabe ang pula na ng mukha ko.
"Ang sabihin mo ... Kinikilig ka lang." Biro niya saakin chaka sinundot ang tagiliran ko. What the ...?
"Yah! Wag ka magulo Gabriel! Ibubuhos ko talaga sayo tong sabaw! Swear!" Sabi ko chaka tinuro sakanya yung kumukulong sabaw.
Hindi naman siya naginag at patuloy lang sa pagkiliti saakin.
"Aminin mo na kasi na kinikilig ka! Halata na sayo eh. Namumula ka na o! Mahiya ka naman sa kamatis." Tawa lang siya ng tawa habang tinuturo ang napakaganda kong mukha.
"Tanga! Hindi cause yan ng kilig. Cause yan ng bwiset at inis ko sayong hinayupak ka! Lumayas ka sa paningin ko hayup ka!" Sigaw ko sakanya. Hinabol ko naman siya nung sandok na hawak ko.
Nag-ikutan kami sa buong kusina. Tawa lang siya ng tawa kasi daw pulang pula na ako sa kilig. Walanghiya niya! Hindi ba niya nahahalata na hindi na kilig nararamdaman ko? INIS NA! INIIIIIIIS!!
Nang mapagod kami, napaupo nalang kami sa sofa. Nakarest yung ulo namin sa sandalan habang hinahabol ang hininga namin.
"You okay?" Tanong niya saakin. Tumango naman ako chaka tumayo. Nagugutom na ako. Yung dalawang Ate ko kase sinasama ako kung saan-saan tapos hindi man lang ako pakainin. Tss.
"Kain tayo." Aya ko sakanya. Tumango lang din siya chaka na kami kumain ng sabay. Medyo tahimik lang kami. Feel ko nga awkward eh.
Natapos kaming kumain at siya na daw maghuhugas ng pinagkanan. Wahaha! Mabuti yan. Nang masanay. Araw-araw na niyang gagawin yan kapag kasal na kami.
Hehehe! Aalilain ko lang siya. Shhh!
Umakyat na muna ako sa kwarto ko chaka nag-open ng Twitter ko.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Teen FictionYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014