#KMSDPHopiaaaaa

1.2K 27 5
                                    

Iya's Point Of View

"Hoy, bilisan mo na dyan. Kanina pa tawag ng tawag si Kuya DJ dyan sa phone mo." Siniko ako ni Gab chaka tinuro ang cellphone ko. Nagpapatuyo pa ako ng buhok eh.

"Bahala siya maghintay. Masyadong nagmamadali eh." Sabi ko naman chaka itinuloy ang ginagawa ko.

"Ang sama ng ugali mo." Sabi niya saakin chaka umiling-iling.

"Pake mo?" Tanong ko sakanya. Natapos na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko kaya nagsuot na ako ng high heel shoes ko. Oo, kailangan daw formal sabi ni Kuya. Arte langs.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakabuntot lang saakin si Gab. Sasama daw siya eh. Nabobored daw. Tsss. Gagawin ko nalang driver para may silbi naman kahit papaano.

Nilock ko ang unit ko chaka na kami umalis.

**
"Iya, bakit ngayon ka lang? Bagal mo talaga kahit kailan." Nagmemake faces ako habang sinesermunan ako ni Kuya DJ.

"Ewan ko ba dyan sa kapatid mo! Sinabihan ko na na bilisan aba mas binagalan pa." Sabi pa ni Gab. Paguntugin ko kaya mga ulo nila?

"Aish! Mahala nandito ako. Enebe, mabuti nga nagpunta pa ako. Shocks! Ang hectic ng sched ko ngayon. Tsss." Sabi ko sakanila chaka nauna na akong naglakad papasok ng studio.

Dinatnan ko naman sina Mommy doon.

"ATE KEISHAAA!!" Sinalubong ako ng yakap ni Zyren. Niyakap ko naman siya pabalik.

"KUYA JCCCC!!" Tumakbo ako papunta kay Kuya JC chaka siya niyakap ng mahigpit. Tagal ko siya hindi nakabonding kaiyak.

"Musta ka na Kuya?" Tanong ko. Masyadong busy. Nag-out of country nga dahil may taping sa ibang bansa. Naks, diba?

"Ayos naman ako. Ikaw, kumusta naman ang pinakamaganda kong kapatid?" Tanong niya saakin chaka ako inakbayan. Naiwan na si Zyren kay Kuya DJ. Nagbabangayan nanaman sila. Tsss.

"Sus! Binola mo pa ako Kuya. Ayos lang naman. Maganda pa rin. Sexy pa rin. Kainis nga eh. HAHAHAHA!!" Tumawa kami pareho sa kalokohan ko. Sa lahat ng kalokohan, yun ang pinakatotoo. Real talk.

"Okay! Magstart na po tayo PADILLA FAMILY." Sabi nung isang staff dito. Inayusan lang ako ng kaunti at nagsimula na ang photo shoot.

Pose dito at doon. Change outfit at kung anu-ano pa. Ininterview din nila kami about sa life namin today. Juskooo ang dami lang talagang tanong.

Kesho bakit daw sobrang ganda at sexy ko. Wahahaha! Char lang. Pero totoo talaga yun. Hahahahaha! Tinanong nila ako kung anong sikreto ko at ang sinagot ko naman ay 'sikretong malupet' orayt rock n roll to the world. Wahahaha!

"'Nak, sa bahay na kayo kumain ni Gab." Sabi saakin ni Mommy.

"Sige po." Sabi ko chaka na kami umalis doon. Nagpaalam pa sina Mommy at Daddy. Dami pang pasasalamat at kung ewan ano pa. Inaantok na nga si Zyren. Wahaha.

"Hay kapagod!" Sabi ko pagsakay ko ng kotse ni Gab. Kanina pa tahimik yang kutong lupa na yan. Ewan ko ano nanaman issue sa buhay.

"Hoy, ano nanamang mukha yan? Para kang binagsakan ng langit at lupa." Sabi ko sakanya. Tinusok ko tagiliran niya pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Nagsimula na siyang magdrive. Langya tong lalaking 'to. Iniisnob lang ako?

"Haayyyy ...."

"Wooow! Lalim nun ha! Hindi ko na nasisid." Natatawa kong sabi pero seryoso lang siya. Grabe naninibago tuloy ako.

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon