Angelo's Point Of View
Maaga akong nagising kaya kaagad kong ginising si Ate Iya.
"ATEEEE!! Wake up na kaseee!" Tumalon talon pa ako sa kama niya para magising na siya. Ang sarap ng tulog niya pero ihahatid pa niya ako sa school ko.
"Zyren, mamaya na." Sagot niya at mukhang antok na antok pa talaga siya. Napasimangot naman ako. Hindi ko nalang siya pipilitin dahil mukhang pagod siya kagabi.
Lumabas nalang ako sa kwarto niya na bagsak ang mga balikat ko. Nakita ko naman na kalalabas lang ni Kuya Jc sa room niya.
"Hoy Gelo! Wag ka sumimangot! Mas lalo kang pumapangit." Sinamaan ko naman ng tingin si Kuya. Ang aga aga naman nangaasar 'tong pangit na 'to!
Bumaba na kami at nakita naming kumakain si Kuya DJ at Ate Kath. Dito yata natulog si Ate Kath. Mapapaaga yata ang pamangkin ko kesa sa kasal nila. Hahahaha!
"Hoy Gelo! Diba sabi ko gisingin mo Ate Iya mo?" Sabi ni Kuya DJ saakin. Ang gwapo gwapo ng pangalan ko tapos puro 'Hoy Gelo' naman tawag saakin?
"Kuya, napakagwapo ng pangalan ko tapos dadagdagan niyo pa ng 'HOY'" sabi ko chaka naupo na sa chair ko. Nagmake face naman sina Kuya na ikinatawa ni Ate Kath.
"Nasan na Ate Iya mo?" Tanong ni Ate Kath saakin.
"Tulog na tulog pa sa room niya. Wala naman silang pasok ngayon eh. Pinabayaan ko nalang. Kawawa naman yung Ate ko." Sagot ko chaka kumain na. Napansin ko naman na nakatitig lang sila saakin.
"What?" Tanong ko sakanila chaka dahan dahan na sinubo yung chicken nugget sa bunganga ko.
"Ilang taon ka na ba talaga?" Tanong nila saakin na nakakapagtaka.
"Five." Sagot ko chaka kumain na. Nakatingin lang sila saakin na parang isa akong alien.
"Don't look at me as if I'm an alien. Tss." Sabi ko. Nagkatinginan naman sila. Ganun na ba ako kagwapo para pati mga Kuya ko napapatitig na saakin? Tsss.
Natapos na kaming kumain kaya sumakay na ako sa kotse ni Kuya JC. Kasabay kasi ni Kuya DJ si Ate Kath.
Nagdrive na din si Kuya JC papunta ng school ko. Tahimik lang kami. Naspeechless na siya sa kagwapuhan ko. Aba, si Zyren Nathan Angelo Padilla ba naman ang katabi mo? Matatameme ka nalang talaga.
"Hoy Gelo! Wag ka ngang masyadong bilib sa sarili mo!" Sabi saakin ni Kuya JC sabay pitik ng noo ko. Napasimangot naman ako pero kaagad ko ding binawi. Sayang kagwapuhan kung sisimangot lang ako.
Nakarating na ako sa school ko kaya bumaba na ako at kumaway kay Kuya JC. Si Ate Keisha na yata ang susundo saakin mamaya dito sa school.
Naglalakad ako sa hallway papuntang room ko. Nga pala, kinder palang ako pero mature na ako mag-isip. Ang dami ring bumabati saakin habang naglalakad ako.
"Aww!" Sabi ko nung may bumangga saakin. Tumingala ako at tinignan yung babaeng nabangga ko. Napahiga siya sa sahig.
"BAKIT BA KASE HINDI KA NAKATINGIN SA DAAN HA?!" Sigaw niya saakin kaya nagulat ako. Sobra!
"Hoy babae! Ikaw ang hindi nakatingin sa daan. Bakit ka ba tumatakbo? Kita mo namang bawal ha?!" Sabi ko sakanya sabay turo dun sa karatula na may 'Do not run'
"Eh sa may humahabol saakin eh!" Sabi nanaman niya chaka pinagpagan yung damit niya.
"Sino naman?" Tanong ko. Naglakad na ako at alam kong nakasunod lang siya saakin. Pareho kaming kinder. Nakalagay dun sa badge niya.
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Teen FictionYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014