#KMSDPKitMeetKuyaJohn

3.6K 68 25
                                    

Kaitleen's Point Of View

Nandito na kaming apat sa classroom namin at iniisip ko parin yung tungkol sa kausap ni Mama sa phone niya.

Ilang beses na din kase akong nag-attempt na tanungin siya kaso kapag nasa harapan ko na siya,umuurong yung dila ko.

Hindi ko kase alam kung paano ko ba uumpisahan eh.Sa paanong way ko itatanong.

Nakita ko naman bigla si Sister Kyle kaya naisip kong baka maitanong ko sakanya kung ano ang gagawin ko.

Lumabas ako ng room namin dahil maaga pa naman at hinabol si Sister Kyle.

"Sis-sister" hinihingal kong tawag sakanya kaya napalingon siya saakin.

"Anong nangyare sayo Kaitleen?" tanong niya saakin na nag-aalala.

"Okay lang po ako Sister." sagot ko at ngumiti sakanya.

"Ano ba ang sasabihin mo Kaitleen?" tanong niya saakin at nagsabay na kami sa paglakad.

Hindi ko muna siya sinagot at nakayuko lang ako habang naglalakad kami papuntang chapel ni Sister.

Alam na niya na may problema ako kapag ganito ako.Madalas kase tumatawa ako at nakangiti okaya naman ay napaka-ingay at daldal ko.

Naupo kami ni Sister Kyle sa mga upuan sa chapel.

"Ano iyong sasabihin mo Kaitleen? may problema ka ano?" tanong niya saakin kaya tumango lang ako at yumuko.

"Ano iyon? diba alam mo namang nandito lang ako para pagsabihan mo ng nararamdaman mo." nakangiti niyang sabi saakin at hinaplos ang buhok ko.

Sinimulan ko namang ikwento lahat sakanya.Mula nung parati kong naririnig si Mama na may kausap sa phone hangga sa kung paano ko siya tatanungin tungkol doon.

"Paano po ba ang tamang way na itanong iyon Sister?" tanong ko sakanya.

"Alam mo Kait,siguro kailangan mo nalang hintayin na sabihin sayo ng Mama mo dahil baka hindi pa talaga panahon para malaman mo.Hintayin mo nalamang ang tamang panahon na sinasabi ng Mama mo.Bakit ikaw,handa kana bang malaman ang totoo?" tanong niya saamin.

Handa na nga ba akong malaman ang totoo? e ano ba ang totoo?

"Hindi ko nga po alam ang totoo eh." sagot ko sakanya at ngumiti naman siya saakin.

"Malalaman mo yan sa tamang panahon Kaitleen.Hayaan mo lang ang Mama mo.Alam niya ang makakabuti saiyo." sagot niya at niyakap ko naman siya.

Hinahaplos lang niya ang buhok ko habang nakatingin ako sa altar. "Basta kahit anomang katotohanan ang malaman mo ay lagi mong tatandaan na iyon ang makakabuti saiyo at wag na wag kang magtatanim ng sama ng loob sa kahit na sino.Mahalin mo ang mga taong darating sa buhay mo." palala niya saakin at kumalas na siya sa yakap.

"Opo Sister.Salamat po." sagot ko at ngumiti sakanya.

"Bumalik kana sa room mo at mag-uumpisa na ang klase niyo." nagwave na ako sakanya at tumakbo na palabas ng chapel at nagtungo sa classroom namin.Sakto namang dumating yung teacher namin kaya naglesson na kami.

Recess na kaya naglapitan na sa tabi ko sina Sam.

"Anong nangyare sayo kanina Thei? bakit bigla ka nalang tumakbo?" tanong saakin ni Blair at halata sa boses niya na nag-aalala siya.

"Hinabol ko lang si Sister Kyle." sagot ko at ngumiti sakanila para huwag na silang mag-alala.

"Alam mong bawal kang napapagod Thei eh.Yung asthma mo." panenermon naman saakin ni Juliet.

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon