Faith's Point Of View
Hinihintay ko si Gab na dumating. Pakatagal. Tinetext ko na nga siya kaso ang reply lang niya.
'Malapit na po, Madame.'
Kanina pa kaya yun. Ten minutes ago pa yung message niya.
** Bzzzzt bzzzzt **
From: Seanah
Girl! I saw Gab here in Starbucks. First time niyo yata hindi magkasama? Wahahaha! Akala ko nga ikaw yung kausap niya kaso humarap bigla yung girl. Mukhang froglet kaya nasuka ako. Hahahaha!-end-
Kausap na gurl? Sino naman yun?
To: Seanah
Sinong girl? Kilala mo ba?-end-
From: Seanah
No way! Wala akong kilalang pangit.-end-
To: Seanah
I'll talk to him na lang. Inutusan ko kasi doon.-end-
From: Seanah
Oh, okay. Osiya na girl. Busy pa ako. Nagdidiscuss na si matandang panot. Byeeee! Love you!-end-
To: Seanah
Okay. Bye. Love you, too.-end-
Hinintay ko na lang si Gab na dumating. Baka fan lang yun na inentertain niya.
Maya-maya lang ay dumating na siya. Ang dami niyang bitbit na plastic bags at boxes.
"Finally!" I exclaimed.
"Hoy ikaw, siguraduhin mong mauubos mo yan." Pagbabanta niya saakin. Inirapan ko lang siya at sinimulang kainin lahat ng yun. Nagumpisa ako sa french fries. Tapos burger, then pizza. Saraaaaaap! Heaven.
"Aba hoy! Dahan-dahan lang." Pigil niya saakin. Hindi ko lang siya pinansin. At, may naalala naman ako kaya tinanong ko siya.
"Swino pwala yung kauswap mwong babwae?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya.
"Manners, please?" Sabi niya. Aba, ang arte.
"Sagutin mo yung tanong ko." Maautoridad kong sabi sa kanya.
"Ano ba yung tanong mo? Hindi ko maintindihan eh." Binatukan ko nga.
"Alam ko naiintindihan mo yun. Gusto mo ulit mabatukan?" Ipinakita ko yung kamay ko na ready na siyang batukan.
"Ang sama talaga ng ugali mo. Ikaw na nga ibinili ng gusto mo, ako pa binatukan mo. Aba. Abuso na yan." Reklamo niya saakin.
"Ahh nagrereklamo ka? Dun ka sa police station okaya dun ka sa Malacañang magreklamo. Wag dito." Sagot ko sa kanya at people nagpatuloy yung pagkain ko.
"Si Jane? Wala yun. Just a girl na may crush daw saakin. Tsk. Imagine, she just confessed her feelings. Tapang!" Napapailing pa niyang sabi. Kabadtrip!
"Whatever." Sagot ko na lang at hindi na siya pinansin.
"Tingnan mo 'to. Nagtanong ka tapos nung sinagot ko naman nabadtrip ka? Aba, loko ka talaga!" Nagmake faces lang ako. Wala na ako sa mood makipagbiruan sa kanya.
"Malapit na graduation natin, Pulse." Biglang sabi niya.
"Omg! Oo nga pala!" Sagot ko naman.
"So, any plan?" Tanong ko sa kanya habang patuloy sa pagkain ko. Ang charap!
"I'm planning to continue my showbiz career and kung ano man ang ibigay saaking blessings...and most of all..." Pabitin effect pa niyang sabi. Hindi ko naman siya tinitignan pero ramdam kong nakatitig siya saakin. "...I'm planning to marry you.." Napatingin naman ako sa kanya kahit puno yung bibig ko ng burger at fries.
"Napakacareless mo talaga. May ketchup ka pa sa bibig mo." Mas nagulat ako nang halikan niya ang gilid ng labi ko.
"KYAAAAH OMYGOD KA TALAGA GABRIEL CALEB!!" Sigaw ko chaka ko siya pinaghahampas.
Kahit na sa gilid lang ng labi ko yun. Langya! He even lick the corner of my lip. Sheez!
"That's the sweetest ketchup I've ever tasted." Nakangisi niyang sabi at kinagat pa ang labi niya.
ANG SARAP (ng labi niya) NIYANG MURAHIN AT INGUDNGOD SA TOILET BOWWWWWWWL!!
"Hoy, wag ka ngang OA! As if I've raped you!" Sabi pa niya. Omg!
"You're really unbelievable!" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Ikaw nga namang magkaroon ng best friend-slash-fiancé na tulad ni Gabriel Caleb Knight. Nakakaloka ho!
----------------- ❤️❤️ -----------------
Hey guys!
MERRY CHRISTMAAAAS!!
I just want to inform you na bibilisan ko na po ang mga pangyayare dito para maisulat na yung sariling kwento nina Gab at Faith.
Next chapter na ang graduation day nila! Yehey!
Thanks for reading!
Vote, Comment, be a fan!
[12.2415]
- Gorgeous Ria 💞
BINABASA MO ANG
Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]
Novela JuvenilYung mga kaibigan mong patay na patay kay Daniel Padilla tapos hindi nila alam na Kuya mo yun. Hindi nila alam na kapatid ng isang Daniel Padilla ang bespren nila. Omg! fourth story of mine. book cover by: engrfx (imiraamurao) Date Started: 11/8/2014