#KMSDPKulitanMoments

2K 35 10
                                    

Faith's Point Of View

"IYAAAAAA!!" Kanina pa may kumakalabog dyan sa pintuan ng kwarto ko. Nakakainis nga dahil tulog na tulog pa ako. Napakaingay naman kasi ni Kuya DJ. Ang lakas ng triiiip!

"ISA, IYA!! KAPAG HINDI MO BINUKSAN 'TO WAWASAKIN KO NA TALAGA 'TO!! IYAAAA!!" Sa sobrang inis ko, bumangon na ako chaka binuksan yung pintuan.

"KUYAAAA!! panira ka ng tulog, alam mo yun?" Inis kong sabi sakanya chaka hinabol siya ng tsinelas. Takbo naman siya pababa.

Ang lakas ng trip nung taong yun! Siya kaya gisingin ko kapag puyat siya? Jusko! Nasa kalagitnaan pa ako ng napakagandang panaginip ko, nambubulabog na!

Pumasok ako ulit sa room ko chaka nilock. Kaagad naman akong humiga sa kama ko. Aba! Ang sarap matulog! Lalo na bagong palit yung bedsheet at comforter ko. Bagong linis din ng kwarto at aircon ko kaya ang lamig at ang bango. Shete! The best talaga si Nanay Agnes.

"IYA NAMAN EEEEEHHHH!! Wake up sleepy head!!" Katok nanaman ni Kuya. Ang bigat ng kamay ni Kuya ha! Konti nalang talaga magigiba na yung door ko.

Hindi ko lang siya pinansin. Malakas mantrip yang si Kuya. Nakajackpot nanaman siguro kay Ate Kath. Or baka hindi makaget over sa exchange of Iloveyou's nila ni Ate -Mommy kahapon.

"IYAAAA!! MALALAGOT KA NA SAAKIN KAPAG HINDI KAPA BUMANGON DYAAAN!! KEISHA FAITH MIRACLE FORD PADILLAAAAAAAAA!!!" Parang shunga tong si Kuya DJ! Nakakaasar siya! Hindi ba niya maintindihan na inaantok pa ako? Wala akong gagawin ngayong araw na to kung hindi matulog lang. Bwiset na epal talaga si Kuya!

Bumangon nalang ulit ako chaka binuksan yung pintuan. Nakatayo si Kuya doon habang nakangiti.

"Sawa ka na talaga sa buhay mo, Kuya?" Tanong ko sakanya.

"Iya babyyyyy! Samahan mo naman akoooo." Pagmamakaawa niya. Ano siya bata? Nagpapasama pa? To think na mas bata pa nga ako sa kanya tapos siya nagpapasama?

"Kuya, ang laki mo na! Kaya mo na yan!" Sagot ko sakanya chaka sasaraduhan na sana siya ng pintuan nang bigla niyang tinulak pabukas. At dahil malakas siya, wala akong laban.

"Takte!! Kuyaaaa! I want to sleep paaaa! Huhuhu! Parang awa mo naaa! Jusko!!" Pagmamakaawa ko sakanya. Kinuha naman niya yung kamay ko chaka hinila pababa. Jusko! Nabuhay diwa ko.

"MOMMY!! Ayaw akong samahan ni Iya oh!" Pagsumbong niya kay Mommy na kumakain ng breakfast. Anong feeling niya 5 years old na nagsusumbong sa Nanay niya?

"Kuya! Jusko! Feeling mo 5 years old kang nagsusumbong sa Nanay mo? Aba! Hello?! Magtu-twenty ka na nga eh! Ang tanda mo na! Psh!" Sabi ko sakanya chaka tinalikuran siya.

"'Nak, panoorin mo naman si Mommy sa Your Face Sounds Familiar. Tutal off ng Kuya JC at Kuya DJ mo. Sige na anak!" Pangungulit ni Mama. Oo nga pala. Kasali siya doon. Celebrity performer. Nakooo!

"Sige po." Sagot ko nalang chaka na tumalikod.

"Iya, samahan mo na kasi ako!" Sabi nanaman ni Kuya. Nakakainis na siya ha! Saan ba siya papasama?

"Saan?" Tanong ko sakanya.

"May rehearsal ako for my birthday concert ngayon. Biglaan kaya kanina ko lang nalaman. Ayaw akong samahan ni Kath na siya lang mag-isa eh. Sama kana para may kasama siya." Pag explain niya. Nako tong dalawang to. Idadamay pa ako!

Tumango nalang ako chaka ulit umakyat. Nasa kalagitnaan na ako ng stair nang sumigaw nanaman si Kuya. Ang taas ng energy niya ha!

"IYA, wag kana matulog! Dress up naaa!" Sabi niya. Mababatukan ko na si Kuya eh. Ang kulit! Nakakaasar minsan. Hindi nakakatawa!

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon